Alam na ni Levi ang lahat. Nasabi ko na sa kaniya yung mga nakita at narinig niya.
"Kaya ba ang laki ng problema mo kanina?"
"M-m" sabi ko habang naka pout.
"Aryt."
Mejo napaatras yung ulo ko at nakakunot yung noo ko. Yun lang, yun lang yung reaction niya? Alright?
"Yun lang wala ka man lang bang violent reaction? Hello kambal mo yun?" Di ko na napigilan kaya naisabi ko sa kanya."I know. Malaki na si Lacey, kilala mo siya, ayaw niya pinakikialaman ang buhay niya. And besides, wala naman akong problema kay Jerome." Ngumisi siya sabay kindat sa akin. Ugh, kindat pa more.
"Okay, okay, I understand! Pero sa akin, di ka galit? Kasi alam mo na..." Nahinto ako sa pagsasalita nung tumawa siya. Hinampas ko siya sa braso para tumigil.
"Ouch! Ikaw pa ba? I'll never get mad on you!" Sagot niya, sabay tawa ulit.
"Kaya ba, di ka pa din tumitigil sa panliligaw kahit, uhm, walang, alam mo na chances?" Hindi ako makatingin sa kanya, I know, mabait siya, sweet, may dating pero wala eh, wala talaga.
Nag unat pa siya bago tumayo at nagsalita, "Hmmm, hanggat hindi ka pa nagkaka boyfriend, di ako susuko, okay?" Kumindat siya sa akin at umalis na.
Hay, sa totoo lang, sana tumigil na siya sa panliligaw, I mean, masasaktan lang siya.
Pumunta na ako sa first class ko ngayong araw, Thesis 403. Hay another problem. Pagpasok ko sa room nakita ko na yung dalawa. Halata na mejo nagkakailangan pa, pero effort din tong si Jerome, siya yung kumakausap kay Lacey.
Hmmm. Keri ko to! Be nooormaal! Sabi ko sa sarili ko in a sing-song voice. Naglakad na ako at dumiretso sa seat ko katabi nung dalawa. Nag hi sa akin si Lace at nag hi na din ako. Ito namang si Jerome nag high five sa akin. Act normal. Be normal!
Nairaos ko yung subject ko na walang awkwardness.
"Lunch break na! San tayo?" Tanong ni Lacey.
"Ahm, canteen tayo?" Suggest ni Jerome.
"Okay!" Yun na yun. Yun na yung sagot ko.
"Wow! Ang tipid mo ata magsalita ngayon Alie. Bakit may problema ba?" Tanong ni Lace.
"Uh. Wala ah? Bakit?" Defend ko.
"Kaya nga, parang iba ka ngayon?" Tanong naman ni Jerome. Ay jusme, talaga lang Jerome ah? Pambihira, ganon ba ako ka obvious? Nagkibit balikat na lang ako at nagpunta na kami ng canteen.
Wow, daming freshies. Ano pa nga ba? Siyempre ganon talaga, sa una mababait pa, pero di kalaunan, kung san san na makakarating yang mga yan. Haha. Napagdaanan ko na yan.
Naghanap na kami ng table, dun kami pumwesto sa malapit sa aircon, para malamig. "Ano kakainin natin?" Tanong ni Lacey.
"Gusto kong magsisig," sagot ko.
"Sige ganon na lang din sa akin." Sabi ni Jerome.
"Ge, ako na o-order." Kumuha nang pera si Lacey sa wallet niya at umorder na ng foods namin. Yes chance ko na ito to ask Rom for the updates.
"Huy, Rom, ano na? Kumusta?" Tanong ko sa kaniya.
"Hmmmm." Ngumiti muna siya bago sumagot ulit. "Sa tingin ko okay naman. Sabi niya gusto muna niya na ligawan ko siya. Para masanay at mag sink in sa kaniya na ibang level na yung relationship namin." Sagot niya.

BINABASA MO ANG
Hey Mister, It's a Love Letter!
RomantizmA simple and carefree girl named Alie who started writing poems, compiled it and discovered by a publisher that lead her to her fame, because of an unrequited love. Because her name and her book made history, what would happen if the guy finds out t...