CHAPTER 2

146 22 3
                                    

"Ako nga pala si Gino Weinberg."

"Makikiraan!"

Lumabas si Stella sa CR at iniwan si Gino sa loob.

"Tara kain tayo,  nagugutom na ko eh." aya niya sa dala niyang unan. Kakasabi niya lang na nagcutting siya diba? Yun ay dahil mahilig siyang matulog.

Lumabas na siya sa CR. Kada room na madadaanan niya ay may side comment sa kaniya. Mukha kasi talaga siyang bagong gising. Nakatupi ang dulo ng pants niya sa kaliwa tapos ang buhok niya gulo-gulo pa. Uwian na ito.

"Sayang, ang gwapo pa naman siya kaso parang may sira." bulong ng isang babae.

"Tama ka diyan."

"Tingnan mo itsura niyan...at may dala pang unan."

"Oo nga kaloka!"

"Siguro tamad yan."

"Mukha naman eh."

Pagkauwi naman ni Stella,agad siyang dumiretsyo sa kwarto niya at nanood ng TV. Mga alas ostso ng gabi ng maisipan niyang magpahangin sa kaniyang veranda. Pinatong niya ang mga kamay niya sa may pasimano at tumingala.

"One, two, three, four, five.." binibilang niya ang mga stars na makikinang."Biruin mo nga naman, nakatagpo ako ng isang baliw. Nakakatuwa naman. Baka sakaling maging magkaibigan kami."tumawa siya.

Nakita niya na parang ngumiti ang mga bituin sa kaniya at habang pinapanood niya ang mga ito bigla siyang nakaramdam ng malamig na hangin na dumampi sa kaniyang katawan.

"Ano ba yan, bakit bigla nalang lumamig."niyakap niya ang kaniyang sarili. Pinikit niya ang kaniyang mga mata at dinama ang ihip ng hangin. Pagmulat niya naman napansin niya na parang may mabilis na hangin na dumaan sa kaniyang likuran.

Napalingon siya. "Si kuya kaya ang dumaan? Pero wala namang tao..Ano ba yan..."

Pumasok siya at isinara ang glass door papunta sa kaniyang veranda. Lumabas siya at pumunta sa kwarto ng kuya niya.

"Kuya Avel!" bulyaw niya sa kuya niya na nakaupo sa study table nito at nagkakalikot sa laptop niya.

Hindi man lang siya pinansin ng kaniyang kuya kaya...

"KUYA!" sigaw niya.

"Shit naman Stella! Bakit ka ba sumisigaw?" kunot-noong tanong ng kuya niya na halatang nainis sa ginawa ni Stella.

"Eh kasi hindi mo ko pinansin."

"Ano ba yon, bakit ka nandito?"

"Pumunta ka ba sa kwarto ko?" tanong niya.

"Hindi. "

"Ganon..eh si kuya Jin?"

"Wala pa. Bakit ba?" nakakunot noong tanong niya.

"Wala naman nagtatanong lang."

"Nonesense." bumaling ulit siya sa harapan ng laptop niya.

Kinabahan naman si Stella noong nalaman niya na hindi pala ang kuya niya ang napansin niyang dumaan sa likuran niya. Wala pa naman ang isa niyang kuya sa bahay nila kaya imposible naman na ito ang napansin niya. Hindi rin naman ang guard nila; mas lalong imposible dahil nasa baba lang ito palagi. Imposible ding ang mama niya dahil nasa England ito. O baka naman ang papa niya ito?

Bumalik nalang ulit siya sa kaniyang kwarto at inayos ang kama niya.

"Kita ko talaga may dumaan sa likod ko eh.." napabuntong hininga nalang siya. "O baka naman imagination ko lang yon? Kung anu-ano talaga ang naiisip ko.." humiga siya sa kama niya at tinakpan niya ng kamay niya ang mukha niya.

A Silent Kiss ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon