Palihim (One-shot)

41 0 0
                                    

Characters:

Kimberly Colanggo
Daniel de Macedo ( Dane for short)

@Kim: pinalitan ko yung pangalan ng crush mo. Mahirap na. Baka mabuko ka. Haha!

★★★★★★★★★★★★★★★★★★★

HER POV

          Nag-smile ako sa phone ko na para bang nagse-selfie at pinindot ang camera. Hindi ako nagse-selfie. Kinukuhanan ko ng pictures ang crush ko ng palihim. Oo,ganito ako kabaliw sa kanya.
Matapos akong makakuha ng isandaang shots, tumigil na ako. Nangangalay na kasi ang panga ko sa kaka-smile kahit di naman talaga ako nag-se-selfie. Hayyyy... :3 Dapat 200 shots or more pa yung kukunin ko. Lecheng panga naman 'to oh.
Tinitigan ko na lang ang mga pictures na nakuha ko isa-isa. Hayyyyy... Ang gwapo niya talaga. Ang sarap niyang iuwi sa bahay namin at itago sa cabinet ko para walang makaagaw sa kanya. Tapos ilalabas ko lang siya 'pag gabi na. Bwahahahahahahaha!

"Wagas maka-selfie ah? Patingin nga." Sabi ni Dane at inagaw ang phone ko.

"Huy 'wag!" Ninenerbiyos kong sabi. Shit. Shit.Shit.Shit.Shit.Shit. Shit. Shit! Malalaman niya nang pinagnanasaan ko siya! Tapos magagalit siya. Tapos di ko na siya makakausap at makikita. Ever! Waaaaaaaahhhhhhhh!!!!! TOT

"Ay,namatay." Sabi niya. Natigilan naman ako.

"E-eh?" Nagtataka kong tanong. Ipinakita naman niya sakin ang screen ng phone ko. Namatay nga. ^_^ I love you, Lord.

"Ahaha! Na-lowbat." Sabi ko at kinuha ko na yung phone ko.

"Haha! Timing, di ko tuloy nakita yung selfies mo." Sagot niya.

"Buti na nga lang eh." Eh di malalaman mo sanang pinagnanasaan kita kung nakita mo yung pictures.

"Hmm? Bakit naman?" Takang tanong niya.

"Anong bakit?" Patanong kong sagot.

"I mean, bakit parang ayaw mong ipakita sakin yung pictures mo?" Tanong niya ulit.

"Ahh... Eh... Uhm... Ano----- Ang pangit-pangit ko kasi dun sa mga selfies ko. Hehe." Kabado kong sabi.

"Hmm? Ang ganda mo kaya." Sabi niya.
Kinurot ko yung tiyan ko gamit ang dalawang kamay ko. Grabe kasi kung sumayaw 'tong mga bituka ko eh. Langya 'tong lalaking 'to, wagas magpakilig.

"Gutom ka na ba? Ay,ayan na pala sila."

"Sorry na-late kami." Sabi ng boyfriend ng kaibigan kong si Mich na ngayon ay kasama niya.

"Hi bitch." Sabi sakin ni Mich. Nginitian ko lang siya. Hindi ako makapagsalita kasi hanggang ngayon kinikilig pa rin ako. Naintindihan naman ni Mich yun at binulungan ako.

"Uy,kinikilig. Ayiiieeee."

"Pfffffftttttt." Pagpipigil ko ng tawa ko at hinampas ko ang braso niya. Lecheng bruha 'to. Pinapakilig ako lalo.
           Pero kahit na napakabruha ng isang 'to. Love na love ko 'to. Siya kasi ang dahilan kung bakit nakakasama ko si Dane- the apple of my eye. Hihi. Magkaibigan kasi si Dane at ang boyfriend ni Mich kaya 'pag may lakad sina Mich, palagi nila kaming pinapasama. Actually, pinipilit niya lang ang boyfriend niya na pasamahin kami sa mga lakad nila para lang makasama ko si Dane. Ang galing niya talaga.
           Nakilala ko si Dane nung minsang nag-e-emote ako habang nakaupo sa dike at pinapanood ang alon ng dagat. It was a year after I broke up with my boyfriend. Hindi na ako nasasaktan ng mga panahong iyon. Naiintidihan ko na na tao lang din si Anthony kaya nagmahal siya ng iba. Alam ko naman kasing may mga pagkukulang din ako. And he also deserves to be happy. Kaya pinakawalan ko na siya. Hindi naman ako naging bitter pagkatapos naming maghiwalay. Wala naman kasi siyang ginawang masama sakin. Hindi din naman kasi siya nag-two-time. Buti nga sinabi niya sakin yung totoong feelings niya eh. At least hindi siya nagsinungaling. Naging magkaibigan kami hanggang ngayon.
           Oo, nakapag-move-on na ako at masaya ako sa pagiging single ko. I enjoy spending time with my family and friends. Kaya lang may mga panahon lalo na kapag mag-isa lang ako, hindi ko maiwasang malungkot. Gusto kong maranasang muli ang magmahal. Gusto ko ulit maranasan yung pakiramdam na naramdaman ko noon kay Anthony sa tuwing hahawakan niya ang kamay ko, sa tuwing hahalikan niya ang noo ko at sa tuwing yayakapin niya ako. Higit sa lahat, gusto ko ulit maranasan yung pakiramdam na may lalaking nagpaparamdam sa akin na sobrang mahal niya ako at napaka-espesyal ko.
Habang iniisip ko ang mga bagay na yun noon.....

Palihim (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon