Ashley
Madalas ang ending ng bawat storya happy, meron din namang Its complicated. At ang masasabi ko sa estado namin ni Rade ngayon? Super its complicated.. Months passed, at biruin mo 'yon? Naka 9months na kami! Wow lang diba? Kahit ako hindi ko in-expect na aabot kami sa stage na 'to. Pero ngayon na super busy na kami sa mga propesyon namin at mga pangarap sa kinabukasan pakiramdam ko nababalewala na namin ang isa't isa..
Nitong mga nakaraang araw puro kami away. Ewan ko ba! Seriously, hindi ko sya feel i-text o ano man. Madalas akong nagpapalusot sa kanya na kesyo may ginagawa ako, nag-c-charge o nag-aaral kahit hindi naman talaga. Kahit wala naman talaga akong ginagawa at magawa.
Napansin na 'to ni Gabbie, at alam kong alam nya ang nararamdaman ko ngayon. Kahit hindi ko na i-kwento sa kanya nakikita ko sa mga mata nya. Ngayon nagiging okay na sila ni Gabe, nakakatuwa kasi natutunan na ni Gabbie na patawarin si Gabe. Ako? Eto nagiging tanga. Actually, pa-tanga ng pa-tanga!!
"Ashley, may bisita ka." Ani Mama habang kinakatok ako sa kwarto ko.
"The who, Mama?" Tamad kong sagot kay Mama habang hinahanap yung tsinelas ko.
"Sina Gabbie." Sina? So may kasama pa sya? Si Rade kaya? O baka naman si Gabe? Ah baka sila Reign? Nako!
Dali dali akong bumaba dahil na-intriga talaga ako kung sino man ang kasama ni Gabbie, usually kasi pag nag-p-punta sya dito susugod agad 'yon sa kwarto ko! Eh ngayon? Nasa baba lang sya..
"Oh bes anong ginagawa nyo dito?" Sabi ko kay Gabbie at saka tinapunan ng tingin si Gabe at umupo sa harap nila, "at saka bakit hindi mo ko sinugod sa taas?"
"Uhm bes kasi si Rade sinugod sa Hospital." W-what did she just say?
"A-ano?" Tanong ko habang tuluyan nang kumawala ang luha sa aking mga mata.
"Naaksidente sya kagabi sa motor bes e. Nung nalaman nya kasing parang ayaw mo na sa kanya nag lasing sya mag-isa, at iyon ang unang pagkakataon na uminom sya. Susunduin sana namin sya nila Tita pero its too late na pala. Nakita nalang namin sya na naka handusay sa daan e." Kwento ni Gabbie, "At sabi pa nung tumulong sa kanya na Brgy. Tanod may iniwasan daw si Rade na baka kaya ayon tumilapon sya."
"A-ano na ang lagay nya? Malala ba sya bes? Okay na ba sya? Nasan na sya ngayon?" Sunod sunod kong tanong kay Gabbie.
"Nasa Provincial sya ngayon bes. Kaya kung ako sayo gumayak ka na at umalis na tayo alam na ni tita ang lahat ng 'to."
*
Pagdating namin sa Hospital agad agad kaming tumungo sa room ni Rade. Sobra akong kinakabagan ngayon, paano ba naman ako ang dahilan kung bakit sya naaksidente diba? Shet lang! Ano galit kaya sakin si Tita Mae? O si Mamita? Oh noes.
"Ashley, it's good to see you here." Ani Tita Mae at saka nag beso sa akin. Ngumiti lang ako as my reply tapos nag bless ako kay Mamita.
"K-kamusta na po si Rade?"
"Okay na sya Ashley, antayin nalang nating magising." Sabi ni Tita habang nagliligpit ng mga damit nila, "Dahil nandito naman na kayo maiwan muna namin kayo ha? Uuwi muna kami ni Mama para makapag palit ng damit."
"Okay 'ta. Ingat kayo mamita!" Ani Gabbie at saka humilata sa sofa, at halatang pagod sya pati na rin si Gabe.
"Bes, pagod ka ba? Matulog ka na kaya kayo ni Gabe muna?" Tanong ko sa pagod na pagod na si Gabbie.
"Good idea bes! Kanina pa talaga ako inaantok e. Oh paano see you guys sa panaginip ko!" Ani gabbie at saka natulog na.
"Ikaw Gabe?"
BINABASA MO ANG
Break Free
RomanceAkala ko sya na. Akala ko sya na yung taong bubuo sa pangarap kong Happy ending. Bu-buhay sa lovelife kong walang saysay. Pero isa rin pala sya sa pinaka matinding sisira nito. Paano ako babangon sa pagkakalubog sa matinding lungkot? At paano kung...