LA #23 - Pag hanap kay Luke

458 6 4
                                    

Lois*

"Kailan pinasabog? Kailan siya nawala?" Tanong ko habang papunta kami sa agency

"Ngayon ngayon lang." At dumating na kami sa agency.

"Pano gagawin natin?" Tanong ni Ariana.

"Ganto." At nag labas si Cane ng laptop at nag gawa ng kung ano anong hindi maintindihan sa website ng agency, tapos lumabas ang 3D na ano ng agency, yung buong lugar nya at lahat ng sulok. Pero mga nakakaalam lang ng website nito kami kami lang.

"O eto ang buong agency, tapos eto yung sumabog." At lumabas sa screen yung pag kasabog.

"O tapos, yung bomba na nag pasabog eto." At parang nag play ang video na may nag bato ng bomba. Tapos sumabog.

"Tapos ayun may kumuha kay Luke, pero tamo parang kumakalas si Luke kaya halatang ayaw nyang sumama at labag sa kalooban nya. Tapos yung bomba na sumabog, kung titingnan nyo yung pag lipad nasa korte siya ng rubiks cube."

"Onga no, edi parang kikidnapin nila si Luke?" Tanong ni kuya Twix.

"Oo, kaya kita mong totoo nga si Luke, na talagang ayaw nya sa mga SS. Kasi kita mo naman sa reaction nya e."

"Pano kung acting lang?" Sabi ko.

"E ewan basta ngayon, itatrack natin kung san galing yung bomba at titingnan kung may bakas nung nagbato."edi hinayaan nalang namin mag gagaganon si genius na di mo akalaing matalino pala xD.

"Ang bomba ay galing lang sa labas ng agency mismo edi pumunta dito yung mag papasabog, pero may mga finger prints...at ang may ari ng finger prints na iyon ay yung Eugene. May kilala ba kayong Eugene?" Tanong nya.

"Eto Euge." Sabay turo ni Scythe kay Euge. Binatukan naman ni Euge XD pag hinalaan daw ba xD

"O e pano naman natin malalaman yang Eugene?" Tanong ni Kuya white na nakatanaw na din sa laptop.

"Hmmm eto,Eugene...walang last name,hindi siya nag aaral o nag tatrabaho dito pero nung isang araw bumili siya ng rubiks cube sa mall tapos naitanong lang nung cashier yung pangalan tapos tanging yung cashier lang yung may alam nung pangalan tsaka tayo."

"O tapos? Ano pa sabi dyan?"

"Wala na, kaya ang dapat nating gawin ay pumunta sa mall, tingnan yung security cameras, at pag masdan lang yung cashier na pinag bilhan tapos makikita na natin si Eugene."

"E pano natin malalaman yung cashier kung siya nga?" Tanong ni Kuya Series.

"Isa lang ang bilihang may rubiks cube, at yun yung sa puzzle store, na iisa may ari, at iisa ang cashier. Kaya titingnan natin yung security cam tapos ayun."

"O pupunta na tayo ngayon?" Tanong ko. E gabi na.

"Yap, kaya hindi na natin kailangang problemahin yung cashier na yon kasi madali lang namang ihack comp nya tapos tingnan yung mga nakuhanan ng security cam."

"Ahhh edi aalis na tayo?" Tanong ko.

"Oo komander. Vertex mag paalam ka na sa daddy mo aalis tayo."

-------

Pag dating namin sa mall. Nag paka mag nanakaw ang peg namin. Una nag paka invisible si Ariana tapos nagulat nalang kami at nag bukas na sm, pero patay ilaw tapos hindi nagana mga security cam.

"Pano mo nagawa yun?" Tanong ko.

"Tumagos ako sa pader tapos tinanggal lock ng buong sm pero dinisable mga security cam pag alis natin bubuksan ko na ulit."

"Waaahhh" at nag pasukan na kami at dumiretso dun sa tindahan ng mga puzzle.

"Hack mo na dili." Sabi ni Kuya Devin kay Cane at umakto na si Cane tapos tumutulong si Vertex sakanya, kunwari may kailangan tapos ganun ganyan.

House of Magic Season 1 - HOM Season 2 ( Louis Academy )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon