Chapter 6.3

534 23 0
                                    

------'s POV

"OH 'NAK, AALIS ka na agad? Kararating mo pa lang ah. Malapit na mag-dinner," paalala sa 'kin ni mommy nang makita niya 'kong nagmamadali palabas ng bahay. Nasa living room sina mommy at ang kapatid kong si Milky.

"I'm in a hurry, Ma. My friend is sick. I'm concerned about her condition," paliwanag ko naman bago ako humalik sa psingi niya. "By the way, where's dad?"

"May business meeting daw siya ngayon with Mr. Tan," sabad naman ni Milky bago nagbigay ng isang malisyosong tingin. "Ikaw kuya ha! Who's that special friend of yours? Baka naman nililigawan mo na."

I rolled my eyes. Humalukipkip ako. "Kaibigan nga, 'di ba? And sino namang nagsabi sa 'yong babae 'yon?"

"You said awhile ago. You said 'I'm worried about her condition'. And, kelan ka pa nagkaroon ng friend na babae? Ang alam ko, si Kuya Sam lang ang buddy mo?" nakangising pang-aasar ni Milky.

"Kasi siya lang ang gusto mong makilala. Ganyan ka kapatay na patay sa kanya," balik-asar ko naman na ikinadilat ng mga mata ng kapatid ko.

Halos mapatayo si Milky. "Hey, Kuya! Stop—"

"Whatever," putol ko sa kung anupamang sasabihin ng kapatid ko. Nagmano at nagpaalam na 'ko kay mommy bago ako tumakbo papunta sa garahe. Narinig ko pa ang mga pahabol na line ng kapatid kong magaling pero hindi na 'ko lumingon.

Mabilis akong sumakay sa kotse at pinaandar agad iyon. Binuksan na ng guard ang gate kaya mabilis lang din akong nakalabas.

Pupunta lang ako kina Maine. I called her earlier and I found out na pauwi pa lang siya from the hospital. I got worried kaya naisipan kong puntahan siya since 30 mins. lang ang biyahe mula sa village hanggang sa village nila.

Bago ako tumuloy sa byahe ay dumaan muna 'ko sa isang flowershop. Ibibili ko ng bulaklak si Maine. Maybe seeing nice flowers inside her room would make her feel better.

Nag-park ako sa harap ng flowershop. Bumaba ako at bumili kaagad ng white flowers. Hindi ko alam kung ano'ng paborito niyang bulaklak sa bumili ako ng common flower—white roses.

Nang makabalik ako sa kotse, I immediately turned the engine on again. Umalis na kaagad ako at nagpatuloy sa pagda-drive.

After less than thirty minutes ay nakarating na 'ko sa harap ng bahay nina Maine. At first, bigla akong nag-alangan kung bababa ba ako ng kotse. Baka kasi nagpapahinga na siya. Ayoko namang gisingin pa siya just to accomodate me.

Well, six-thirty pa lang naman in the evening. Masyado pa naman sigurong maaga para matulog siya.

With the white roses in my right hand, bumaba na ako sa kotse at naglakad sa harap ng bahay nila. Pagkatapos ay nag-doorbell na 'ko. Once. Twice. Thrice. Sa wakas ay pinagbuksan ako ng isang may edad na babae. Sa hitsura niya, siguro ay katulong siya ng pamilya ni Maine.

"Ano po'ng kailangan nila?"

Ngumiti ako sa babaeng nagbukas. "Ah, Manang. Kaibigan po ako ni Maine. Dadalawin ko lang po sana siya."

Ngumiti rin ang matandang babae. Tinititigan niya 'ko. I bet she's trying to analyze my face carefully. "Wala pa po sila eh."

"Ah gano'n po ba." Tumangu-tango ako. "Hihintayin ko na lang po siya. Siguro may inaasikaso pa bago ma-discharge si Maine sa hospital."

"Alam niyo po na nasa ospital si Maine, Sir?" amazed na tanong ng katulong.

Nilaparan ko 'yung ngiti ko and then I nodded. "As what I have said, Manang. I am Maine's friend."

HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon