Di nagtagal, naging super close ko na talaga itong si Lloyd. Di lang ako pati sina Lacey at Jerome. Well naging super close lang talaga kami dahil sa project na naatas sa amin ni Lucas. Pero dahil don, mas nakilala ko pa siya, at naging magkaibigan. Kapag may free time, pinupuntahan pa din namin yung coffee shop malapit sa amin.
At madalas maraming nakakakita sa amin na magkasama, marami ding girls ang nagagalit sa akin. Di man nila sabihin halata sa mga tinginan nila.Pambihira, ito naman kasing si Lloyd, hot issue pa din sa school. Pano ipinanglalaban sa mga contest outside school. We got the title for Huwaran Unibersidad dahil sa kaniya. Mas lalong sumikat yung school namin dahil sa mga blogs niya. Mas nakilala rin ang Yellow Theater dahil din sa blog niya.
Lumipas ang maraming buwan, dumaan ang Christmas at New Year ko ng masaya, masasabi ko na dahil na din sa kaniya. At ito na, paparating na ang February. Marami nang naghahanda for heart's day. Ito ngang si Jerome nagpa made to order na nang bouquet ng flowers, yung may kasama nang chocolates at mini teddy bear sa bouquet. Mahal kaya! Well talking about efforts!
Sa mga buidling din dito sa school, damang dama mo na din ang heart's month kasi pa bonggahan na nang decors at pakulo for Feb. 14. May mga ball, masquerade, prom at kung anu-ano pa. And speaking of pakulo, labanan na naman nang mga Orgs, oraayt! February is also Org's Month. And today, nasa meeting ako ng Org namin.
"Okay, guys what should we do? May mga naiisip ba kayo na pwede nating gawin for the coming Org's week?" Tanong ni Carlo sa aming mga officers.
Nagtaas ng kamay si Maggie! "How about, free sketches for everyone?"
"Wow, that sounds cool!" Sinulat ng secretary namin na si Denmar yung sinabi ni Maggie. "What else guys?"
"Let's sell t-shirts! DIY shirts!" Sabi ni Janna, first year rep. from accaountancy dept.
"Maganda yung naisip niya! But how?" Tanong ko sa kaniya.
"Uhm, plain shirts and then i-customize lang natin, DIY! Mamimili nalang sila sa portfolio na gagawin natin." Bibong sagot niya. Wow masaya ito. New and fresh idea.
"Bet ko yun. Ikaw Carlo?" Tanong ko kay Mr. Pres.
"Okay na din. Sige Den sulat mo yun!"
Dumami pa nang dumami yung mga ideas, nanganak hanggang sa namili kami ng gagawin namin. Nang makapili kami, inisip naman namin yung magiging hitsura ng booth at saan kami pupwesto.
"Dapat mejo malapit sa gate para pagpasok nila tayo una nilang makikita!" Suggestion ni Maggie. Tama siya, para madali din kami makita ng mga students.
Kaya inutusan ako ni Carlo na kausapin ang SSG na ang pwesto na kukunin namin ay yung malapit lapit sa gate.
So that settles! Tapos na din ang 3 hours naming meeting. Wow, pigang piga ang utak ko! Kahit ganon productive naman ang result.
Pero may isa pa akong concern. Ang YT. Abala na din ang lahat, sa pagpapractice, costume fitting, props making, the sounds and lights at siyempre yung stage design! Ugh, haggardo bersosa ang peg ng lola niyo! After kong kausapin yung presidente ng SSG, dumiretso na ako ng Rizal Theater, ito yung main theater ng University. Mahaba habang lakaran ito. Buti na lang sa paglalakad ko, nakita ko si Lloyd na papunta din don.
"Lloyd!" Sigaw ko sa kaniya. Lumingon siya sa likod ko then he smiled. Hinintay niya ako at sabay kaming lumakad.
"Kamusta, miss busy person?" Tanong niya sa akin. Oo busy person. Di na kami madalas magkausap ni Lloyd gaya ng dati. Tuwing may meeting lang ang YT at kung minsan suswertihin pag nagtatagpo ang landas namin.
"Okay naman! Eto kabado na sa defense namin."
"Ganon ba? Kaya mo yan, Miss Cum Laude!" Nakangiti siya at ginulo gulo pa ang buhok ko. Siyems, tama na sumasaya ang puso ko masyado.
Di namin namalayan na nasa Rizal Theater na pala kami, ang dami kasi naming napagkwentuhan. Pagpasok namin, nasa kalagitnaan na nang pagpapractice ang YT, habang si Lucas nanunuod at nag didirek. Kinalabit ko si Lucas.
"Lucas!" Bulong ko sa kaniya.
"Oh hi! Upo kayo dito!" Pinaupo niya kami sa may gilid. Tapos bumalik na ulit siya sa pwesto niya.
Isang oras kaming nanuod ng practice nila. Sandali lang kasi chino-choreo lang naman ni Lucas at nung stage manager nila yung mga galawan nung mga gaganap. Ang gagaling nilang lahat, hanga talaga ako sa kanila.
"Galing nila no?" Sabi ko.
"Oo nga eh. Kailangan pa nilang galingan kasi maraming pupunta na expectators from CCOP and PETA." Sagot ni Lloyd.
"Alam niyo bagay kayo!" Singit ni Lucas. Napatingin samin lahat ng nasa loob ng theater dahil ang lakas ng pagkakasabi niya.
Uuuuyyyy.
Ang mga loka, nakisali pa.
Oo nga bagay kayo!
Tommooo!
Naks naman LloLie! Parang Lollipop, ang Sweet
AyiiieeeeKung anu ano na yung mga sinasabi ng lahat. Shet na malagket! Nagiinit na yung pisngi ko, siyaks.
Uuy si Alie namumula!
Wag nga kayo! Gosh. Natatawa na lang talaga ako, pero pakiramdam ko namumula na nga ako.
Napatingin ako kay Lloyd pero yung mukha niya parang seryoso na. Para bang ayaw niya nung mga nangyayari. Galit kaya siya, nako, baka naiinis na to.
"Baliw talaga tong mga to, wag mo na intindihin!" Sabi ko na lang, iba kasi talaga yung aura niya. Kung ako kinilig parang siya ata nagalit. Nginitian niya lang ako at wala siyang nasabi. Wait teka, ako kinilig? P-pero bakit? Gusto ko na ba siya? Paano?
Nung matapos yung meeting, pina dismiss na ni Lucas ang YT pati kami. Nagsimula na naman sila sa pang aasar samin.
Bye LloLie!
Bye diretso uwi ah!Nakitawa na lang ako at nagpaalam sa kanila. Di ko maiwasang tumingin kay Lloyd. Parang di talaga siya masaya. Bakit kaya, tatanungin ko ba siya?
"Uwi ka na?" Tanong ko sa kaniya.
"Uh, oo uwi na rin ako."
"Aah, okay. Ingat!" Paalam ko sa kaniya, at umalis na siya.
Ano yun? Bakit parang ang tamlay niya bigla tska nag iba talaga yung aura niya.

BINABASA MO ANG
Hey Mister, It's a Love Letter!
RomanceA simple and carefree girl named Alie who started writing poems, compiled it and discovered by a publisher that lead her to her fame, because of an unrequited love. Because her name and her book made history, what would happen if the guy finds out t...