"Alieeee!"
May tumatawag sa pangalan ko. Si Lacey, aba, hawak hawak na ni Lacey yung bouquet na pinagawa ni Jerome. Oo! Feb 14 na! At sa monday simula na ng Org's week.
Well kung tatanungin niyo kung anong nangyari sa akin the past few weeks bukod sa napaka busy kong scheds, parang ilag sa akin si Lloyd. I don't know why, simula nung inasar kami ng mga YT members, mailap na siya. Pag meeting, meeting lang talaga at di na siya nakikipag kulitan. Di na din kagaya ng dati na yayayain niya akong ihatid sa amin, tapos dadaan muna sa KOPIhan.
Parang nalungkot ako nung makita ko yung bouquet ng flowers ni Lacey.
"Uy Alie ok ka lang?" Tanong ni Lace sa akin.
"O-oo naman. Bakit hindi?"
"Eh kasi parang ang lungkot mo eh. Uhm, chocolates gusto mo?" Offer ni Lacey.
"No thanks, sayo yan eh! Enjoy mo!"
Then behind Lacey, paparating na si Jerome, may dalang yellow flowers. Naks ang sweet ng bestfriend ko.
"Oh Miss Cristobal! Happy heart's day." He hugged me and kissed me sa ulo ko.
"Wow! Thank you ah!"
"Para sa bestfriend ko!" He smirked at kumindat pa. Tumabi siya kay Lacey at nilagay ang kamay niya sa likod nito. Sila na ba? "Anyways, nakita ko si Lloyd ah?" Dagdag niya.
"Saan?" Agad kong tanong.
"Pagala-gala. At nakakatawa. Power trip siguro yung President ng Org nila."
"Pano mo naman nasabi?" Singit ni Lacey.
"Pinagsuot kasi siya ng Ad walker, nakalagay Free Kisses and Hugs. Kaya ayun, patok na naman ang Carpe Diem. Hahaha!"
Free kisses and hugs? Omay gulay. Hanapin ko kaya?
"Sige guys, may gagawin pa ko, iwan ko na muna kayo! Bye, thanks Rom sa flowers ah!" Umalis na ako at iniwan ko sila. Dahil ba hahanapin ko si Lloyd? Yung katawan ko parang pinapasunod ako nito, nakakainis, gusto ko din naman. Gusto ko na kaya si Lloyd? Di malabong mangyari.
Kung dati, ayaw ko sa kaniya at galit pa ko sa mga katulad niya, ngayon iba na. Simula nung makilala ko siyang mabuti. Naisip ko tuloy, hindi lahat ng gwapong nilalang na katulad niya ay manloloko. May iba nga hindi naman kagwapuhan sila pa itong babaero.
Sa paglalakad ko at paghahanap, ayun nakita ko na siya, nakita ko ang haba ng pila nang mga girls pati ng mga pusong girl. Nakita ko din na yung mga babaeng nahahalikan niya kahit sa Cheeks lang at niyayakap niya ay tuwang tuwa. Bakit parang pati siya? Yung ibang girls, nag t-take advantage sa kaniya, tuwing ki-kiss siya mejo gagalaw sila para mejo sa labi yung kiss, at siya, natatawa pa.
Wait akala ko ba di siya ganyan, at ayaw niya ng mga ganyan? Eh ano bang pakialam ko? Ano naman? So andito lang ako sa gilid pinagmamasdan siya na tuwang tuwa makipag kiss at hug sa mga girls. Bakit parang ang sakit? Pero bakit di ako makaalis?
"Hi Alie baby!"
Napatingin ako sa kanan ko at nakita ko si Levi, nakatakip yung mukha niya ng bouquet ng flowers at may dala din siyang chocolates, Toblerone pa at yung dark chocolate which is my favorite.
"L-levi!"
"For you, happy heart's day!" Binigay niya sa akin yung flowers and chocolates, kinuha ko naman, sayang eh. Tapos lumapit siya sa akin, at boom, hinalikan niya ako sa pisngi. Napaatras ako ng konti sa ginawa niya at mejo nagulat.
"I'll call you later! Bye!" Aniya at kumindat pa. Umalis na siya at sobrang saya pa niya. Nang bumalik ang tingin ko kay Lloyd, our eyes met, nakatingin din siya sa akin. Nakita niya kaya? Yung mukha niya di maipinta, pero di ko rin magawang ngumiti sa kaniya. Nag iwas siya nang tingin nung mag h-hi sana ako, tapos sinumulan niya na ulit yung pag kiss at pag hug sa mga madlang girls.

BINABASA MO ANG
Hey Mister, It's a Love Letter!
RomanceA simple and carefree girl named Alie who started writing poems, compiled it and discovered by a publisher that lead her to her fame, because of an unrequited love. Because her name and her book made history, what would happen if the guy finds out t...