Chapter 14
[Marjorie's POV]
"A-ah saan nga pala tayo magpa-practice?" tanong ko para maiba na yung topic. Para kasing hindi sya komportable pag-usapan yun eh. Ako lang naman kasi tong madaldal.
"H-ha? Ah oo nga pala. Sa bahay na lang namin."
Eh? Sa bahay nila? Teka...
Bakit doon? Eh hindi nga kami close tapos dadalhin nya na ako agad sa bahay nila?
Kung nananaginip man ako, sana hindi na ko magising, sana tuloy-tuloy na tong panaginip na to *u*
"Marj, sakay na." sabi ni John nung may huminto ng jeep. Natulala na naman kasi ako =_=
Sumakay na din naman ako at sandali lang eh bumaba na kami dahil wala namang traffic. Tahimik lang kami habang naglalakad, okay na to, baka mamaya may masabi na naman akong hindi tama eh.
Bigla syang huminto sa tapat ng isang malaking bahay at nagdoor bell. At may nagbukas namang maid. Grabe ang laki ng bahay nila. Rich kid din pala to parang si Bryan eh.
Teka nga, speaking of Bryan, naalala ko, parang nangyari na to eh, nung pumunta naman ako kanila Bryan nun para turuan nya ko. Kaibahan nga lang eh ibang bahay at ibang tao yun, pareho lang ng pangyayari.
Tsaka oo nga pala, yung Bryan na yun, ano bang nangyari dun at hindi pumasok?
Pumasok na kami sa loob ng bahay at grabe, kung malaki ang bahay nila Bryan, anong tawag nyo dito? Ang swerte naman nitong mga rich kid na to.
"Wag kang mahiya ah, feel at home. Kung may gusto ka sabihin mo lang." sabi sakin ni John habang naglalakad na kami sa loob ng bahay nila.
Hmm, kung may gusto ako? Eh ikaw lang naman gusto ko :")
"Ikaw..." sabi ko pero pabulong lang.
"A-ako??" sabi nya at napahinto at tinuro nya pa sarili nya.
"H-ha? O-oo ikaw! Haha. Ibig kong sabihin eh ikaw na ang bahala, kahit ano hindi naman ako choosy. H-hehe."
"Ahhh..." sabi nya at nagpatuloy na sa paglalakad at sumunod na lang ako.
Grabe bahay ba to? Eh pwede na nga yatang magtayo pa ng isa pang bahay dito sa loob ng bahay nila eh. As in nakakalula sa laki.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]
Teen FictionMay pag-asa bang magkagusto sayo ang taong matagal mo ng gusto? O isa lang ito sa mga pantasya ng mga kababaihang lubos na nagkagusto sa isang tao? "Bakit hindi ako crush ng crush ko?". Yan ang kaisa-isang tanong na gustong masagot ni Marjorie. Masa...