Note: For those who read this already, this is revised due to correction of some mistakes. Some of the events are changed.
Akala ko (A oneshot love story)
This is my 1st one shot story, hope you’ll like it and please listen to the MV on the side. I chose the song coz it fits the characters and story itself.
---
‘’Rhowan ito oh, para sayo.’’ Sabay bigay ng flowers and chocolates sa akin. Valentines day kasi ngayon, and as expected, andito nanaman si Mark Louie para magbigay ng mga ‘to sa akin.
Kung nag tatanong kayo kung bakit siya nagbibigay sa akin ng mga ganito, well, di ko yan masasagot ng eksakto. Di ko rin alam, trip niya lang ata? Di ko naman siya boyfriend eh. Basta ang sabi niya sa akin crush niya daw ako, na ako daw ang first love niya at ako daw ang mahal niya. Kaya obviously, yun na din ang sagot kung bakit niya ako binibigyan ng mga ganito.
Pero honestly, anu ba ang nagustuhan niya sa akin?
Di naman ako sobrang ganda, di naman ako sobrang bait, at di naman ako ganun katalented o katalinuhan. So bakit?
Not that I don’t like him, its just that, minsan nakakairita na rin kasi. Simula nung mga bata palang kami, ganyan na siya sa akin. Crush niya na daw ako. Kaya naman simula dati hanggang ngayon at simula umaga’t hapon, kahit nga gabi kasama ko siya.
Sabay sa pagpasok sa school.
Sabay magrecess.
Sabay maglunch.
Sabay umuwi.
At pag gabi, pupunta siya sa bahay para itutor ako.
Di naman sa bobo akong nilalang para magpatutor pa sa kanya, kaso sadya siyang matalino at 1st honor ng buong batch namin kaya naman sila mama, pumayag nalang dahil nagkusang loob naman siyang turuan ako gabi gabi dahil kapitbahay lang naman namin sila at magkaibigan ang mga mama namin.
Pero di ko naman siya pinipigilan sa gusto niya kasi parang siya na rin ang bestfriend ko at sanay naman na ako.
‘’Happy valentines day ann!’’ dugtong niyang sabi sa akin habang nakangiti.
‘’Happy valentines din.’’ Bati ko sa kanya sabay balik ng atensyon ko sa binabasa kong libro.
‘’Sabay tayong umuwi mamaya ah?’’
‘’Ok’’ sabi ko ng di lumilingon sa kanya. Lagi naman kaming sabay umuuwi, magtatanong pa.
‘’Sige hihintayin nalang kita sa gate mamaya.’’ At umalis na siya.
‘’Ayieeeee! May flowers and chocolates siya!’’ asar ni Divine, kaklase ko.
‘’Bakit gusto mo? Sige sayo nalang.’’ Sawa na din naman ako sa ganyan. Kahit wala namang okasyon nagbibigay pa rin siya sa akin ng mga ganyan kaya kung gusto niya, sakanya na.
‘’Hindi, sayo yan eh, bakit ko kukunin? Di naman ako obsess nuh! Tyaka valentines na valentines, pagbabasa parin ng libro ang inaatupag mo. Wala ka bang date?’’ date date daw. Para lang yan sa may mga syota. Wala naman akong boyfriend kaya walang date.
Lumingon ako sa kanya sabay taas ng kilay.
‘’Anu naman ang problema sa ginagawa ko?’’ tanong ko.
‘’Wala naman. …hehe, sabi ko nga, wala kang date…….. maiba nga tayo, wala ka bang balak sagutin si Mark Louie? Antagal na nun nangliligaw sayo ah?’’ tapos umupo siya sa tabi ko. Napaka intrigera talaga nito ni Divine kahit kelan.
BINABASA MO ANG
Akala Ko (Short Story)
Teen FictionMarami ang nasasayang at nawawala dahil lamang sa isang maling akala. ...