CHAPTER 45 : Nonsense Treatment
TRISTAN’S POV
May 9. One month na kami ni Jil dito sa Europe. April 9 kasi kami umalis eh. Ang masasabi ko ngayon, masaya naman ako na kasama ko si Jil. Pero… Pero di ko talaga magawang kalimutan si Chandria.
ANG HIRAP MAG-MOVEON! -____-
Tiningnan ko naman si Jil sa kwarto niya. Nagde-design ng damit. Ngumiti naman siya sakin at nag-sign na pumasok ako sa kwarto. Umupo ako sa gilid ng kama niya. Tinanggal niya yung headset sa tenga niya.
“Hmm? May problema ka ba?” Tanong niya sakin.
“Umm wala naman. Gusto lang kitang kamustahin dito. Di ka ba nagugutom? Dinner na oh.”
“Onga no. Kain nalang ako pag nagustuhan ko.”
Tumango nalang ako. Lumabas na ko ng kwarto niya. Nandito na ko sa veranda. Umm veranda? Eto yung isang place sa bahay namin na open. Kita mo yung nasa paligid mo. Ang nakikita ko naman ngayon puro ilaw. Ganito talaga sa Europe eh.
Madaming tumatakbo sa isip ko.
Una, alam ko namang mali na gamitin ko si Jil para kalimutan si Chandria. Pero bakti pinagpapatuloy ko pa? Ang kapal na nga mukha ko eh. Desperado na masyado. Eh wala namang nangyayari.
Pangalawa, pa’no kaya kung itigil ko na to? Anong magiging resulta? Hindi kaya masaktan ko si Jil? Baka kasi isipin nun, wala siyang kwenta kasi di ko siya natulungan. Pero maniwala kayo’t sa hindi, sobrang nakatulong si Jil. Sadyang sarili ko lang ang matigas kaya di ko nakakalimutan si Chandria.
At yung pangatlo, kelan yung oras at panahon na wala na kong mararamdaman ke Chandria? Kelan ako matatauhan? Ang layo layo ko na sakanya pero lalo ko siyang minamahal. Yun nga lang, ako lang yung nagmamahal.
Nagbihis na ko. Pumunta na ulit ako sa kwarto ni Jil.
“Where are you going?” Tanong sakin ni Jil habang kumakain ng apple.
“Lets go somewhere?”
“San? Mall nalang tayoooo.”
“Sige sige. Bihis ka na.”
“Okie dokie! 20 minutes!”
Lumabas na ko ng kwarto niya at nag-intay nalang ako sa sala. May desisyon akong iniisip eh. Mamaya ko nalang sasabihin kapag confirm na.
After 20 minutes. Nakita ko naman si Jil na lumabas ng kwarto niya. Naka-dress siya pero simple lang. Tapos ayun, hinatak na niya ko sa sasakyan ko. Magdrive na daw ako. Atat rin to eh. Hehe.
***
MALL. Hinawakan ko naman yung kamay ni Jil habang naglalakad. Ewan ko ba. Ganito naman ako lagi sakanya eh. Pag lumalabas kaming dalawa. Pero alam niyo? Sobrang swerte ko kung girlfriend ko ulit to. Pero hindi eh. Ayokong maging girlfriend to kung may mahal akong iba. Masasaktan ko nanaman siya eh.
Una kaming pumunta sa coffee shop. Bili ko daw siya nung Cappuccino. Kaya ganun na rin binili ko. Favorite namin tong dalawa eh. Pagka-bili ko, umupo muna kaming dalawa. Awkward silence nga eh.
“Umm Jil..”
“Hm?” *sabay higop dun sa coffee*
“Bumalik na tayo sa Pilipinas.”
Siyempre nagulat si Jil sa sinabi ko. Yan yung desisyon na sinasabi ko. Oo gusto ko nang bumalik sa Pilipinas. Nonsense treatment nga tong ginagawa namin. Para bang ginagamot lang ni Jil yung sakit ko pero wala namang nangyayari. So anong gagawin ko? Face the reality na hindi na talaga ko makaka-move on kay Chandria. At alam ko naman dadating din yung oras na yun. Just wait.
“Pero bakit naman Tristan? Naka-move on ka na ba?”
“H..hindi pa Jil. I’m sorry kung sinayang ko yung oras mo.”
“Nako! Hindi yan. Sorry kung hindi kita matulungan ha?”
“Eh? Natulungan mo naman ako Jil eh. Ako lang talaga tong may problema.”
Tumayo naman si Jil at inakap ako. Napapikit na nga lang ako eh.
“Kahit anong desisyon mo Tristan, susuportahan kita. Nandito lang ako bilang kaibigan. Kahit na ginamit mo ko, wala namang kaso sakin yun eh. You know that I loved you since first.”
“Thank you Jil. May isang tao talaga na nakalaan para sayo. Thank you so much bunso. Thank you.”
“I missed that. No problem kuya. You can count on me anytime.”
Kumalas na siya sa pagkaka-akap. Nakita kong umiiyak pala siya. Kaya pinunasan ko naman. Inaya ko na siya bumili ng mga gusto niya. Babalik na kami bukas sa Pinas. Kailangan ko nang harapin lahat.
------------------------------------------------------------
A/N: Any comments para sa gagawin ni Tristan? Gora! Mahal ko kayo readers kahit nawawala kayo. Huhu. :/

BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (Completed)
Romansa"Lahat ng tao nagsisimula bilang strangers. At lahat ng couples, nag-uumpisa sa wala. Lahat sila may kanya kanyang storya sa buhay. Minsan nga, akala mo, siya na talaga. Pero... Naranasan mo na bang maiwan ng isang tao sa di inaasahang panahon? At s...