More Than Just Friends (One Shot)

2K 51 41
                                    

Madalas kaming magkasama; magkulitan, magbangayan at maging sa paggawa ng kung anu-anong kalokohan. At sa mga oras na kapiling namin ang isa't-isa, aakalain mo na may namamagitan sa aming dalawa. Pero wala. Walang-wala. At gaya nga ng parating sinasabi niya,

"We're best friends. Nothing more. Nothing less."

The heck, friend zoned.

"Hoy, Bespren! Nandito ka lang pala," humahangos niyang sabi. "Tara na! Kanina pa nila tayo hinihintay."

Sa halip na magsalita ay tiningnan ko lang siya. Mali. Tinitigan pala na siyang ikinalukot ng noo niya. Napaisip ako. Ang swerte ko nga naman kung sakali.

"Aray!"

Batukan daw ba 'ko. Binabawi ko na. Hindi ako masuwerte dahil ang bigat ng kamay niya. Kawawa naman ang mala-Adonis kong katawan sa bawat kurot at hampas niya. Paano na lang ang mga pumapantasya.

"'Wag mo na uulitin 'yun," nauutal niyang sabi. Hatak-hatak niya na ako sa braso. Sana sa kamay na lang. Hindi ko mapigilang ngumiti. "Bumibilis ang tibok ng puso ko."

Bumibilis ang tibok ng puso ko. 

Hindi kaya...

"Pakiramdam ko kasi may masamang mangyayari," nakangiti niyang sabi. "Ha-ha! Bilisan mo nga maglakad."

Nakakatakot pala siyang titigan at baka atakihin. Akala ko pa naman nadadala na siya ng tingin ko. Pero ano nga bang malay ko. Wala namang masamang sumubok 'di ba? Masaktan na kung masaktan. Eh, ano naman? Mabuti nang walang pinagsisihan. Mas mabuti ng kumilos kahit na hindi mo man sigurado ang kahihinatnan kaysa mananatili kang umaasa hanggang sa maramdaman mong nasasaktan ka na ng sobra.

"Ikaw kaya ang pagong," asar ko sa kanya. Ngayon ako naman ang humahatak sa kanya. Sa kamay. Mabuti na rin 'to para wala siyang kawala.

"Oy, teka, bitawan mo nga ako," angal niya. "'Yung kamay mo ang lakas ng tulo."

"'Yang kamay mo kasi nakakaluto," natatawa kong sabi.

"Tss! Eh, di 'wag mong hawakan."

"Gusto ko eh," parang bata kong sabi. "Tsaka baka madapa ka pa tapos iba makasalo sa'yo. Malilintikan ang plano ko."

"Hoy, Jido Sue! Naaabnoy ka 'ata," sigaw niya. "Kinikilibutan ako. Teka, ano bang modus 'yan ha?"

Lumingon ako at nginitian siya. Awtomatikong napakunot noo siya.

"Sa pagkakataong 'to hindi tayo magkakampi. Magkalaban tayo," paliwanag ko habang pina-plantsa ang noo niya. "Pero pwede kang pumili. Either you'll be on my side or not at all. It's your choice. I'll be good whatever it is."

At dahil mukhang hindi siya makapag-isip ng isasagot niya dahil mukha na siyang naguguluhan sa mga lumalabas sa bibig ko, mas binilisan ko na ang paghila sa kanya sa kung saan. At sa wakas narating din namin ang AVR. May praktis kasi kami pero wala eh kanselado ko. Eksaktong naka-flash sa big white screen ang isang presentation na ako mismo ang may gawa.

Now Playing: Best Friend (Watch out for the music video)

Puro pictures naming dalawa ang makikita. Karamihan sadya pero mas ang stolen shots na kuha ng tropa. Ang siste puro 'lover moments' naming dalawa. Tama nga sila. Hindi malabong mahulog ang isa at ako na 'yun. Naramdaman ko ang pagbitaw ng kamay niya at naglakad siya papunta sa gawing kanan ko. Nilingon ko siya pero hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Medyo madilim kasi. But I think I saw that familiar curve on her lips. She's smiling.

"Teka, ba't parang ngayon ko lang nakita ang mga 'yan? Hindi ko na matandaan 'yung iba. Aww! Sino ba kumuha n'yan?" Sa tono ng boses niya halatang naiinis siya. Pero mukhang natutuwa. Napanganga siya ng sumunod na ipakita ang kuha kung saan naka-piggy back ride siya at nakasandal sa balikat ko ang ulo niya. At nakapikit pa.

"Natatandaan mo ba ang araw na 'yan?" tanong ko. "Grabe lang ha. Feel na feel mo!"

"Ikaw kaya nagpumilit buhatin ako! Sabi ko naman kasing kaya ko namang maglakad kahit walang saplot ang isa kong paa. Ikaw 'tong makulit," depensa niya. "At tsaka 'wag ka nga! Hindi ako feelingera noh. Nagkataon lang na..."

Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at tinakpan ang bibig niya. 

"Manood ka na nga lang," sabi ko. "Ang ingay mo."

At tumahimik nga siya. Pero mas gusto ko pa rin na umaarangkada ang bibig niya. Ang sarap kasi pakinggan ng boses niya at ng mga walang katapusang kwento niya. Hindi boring kapag kasama ko siya. Masaya ako. Korni ko. Pero 'yun naman kasi ang totoo. 'Etong babaeng 'to sa tabi ko ang nagmulat sa'kin sa maraming bagay. Nagparamdam sa'kin ng iba't-ibang emosyon. Kapag kasama ko siya pakiramdam ko iba ako at hindi ako buo kapag wala siya.

Nanatili lang siyang nanonood habang pinagmamasdan ko siya. Malapit ng matapos at alam kong kailangan ko na ring masabi sa kanya.

I wouldn't forget her saying, "I love you, best friend!" And it was always been my reply. Pero ngayon...

"I love you, Yui Montera, more than just friends."

And as I've said those words, naka-flash ang picture namin kung saan kumakain siya while I'm standing behind her at may hawak na papel kung saan nakasulat ang mga katagang:

'This girl is more than my bestfriend. Will she be my girlfriend?'

Alam ko ano man ang maging desisyon niya ay may magbabago. Truth are subject to changes. Kailangan lang ng buong pusong pagtanggap. Mahal ko man siya kung talagang hindi na hihigit sa pagkakaibigan ang nararamdaman niya para sa'kin eh wala na akong magagawa. Pakamatay na. Pero kasi dapat mahal niya rin ako. Sana.

More Than Just Friends (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon