#15. 'Peyrs taym'
Pawis na pawis na ako. Di pa man nag-uumpisa ay kinakabahan na ako. Parang gusto ko nang umatras. Unang beses ko pa lang gagawin ito sa tanang buhay ko kaya hindi ko talaga alam kung papaano. Kundi ko lang talaga kailangan ng pera, hindi ko gagawin 'to. Hanggang sa pumasok na kami sa isang kwarto. Agad na pinatong ni Sir Gardo ang kanyang gamit sa lamesa at nag-unat.
"Simulan na natin." aniya. At napatango na lamang ako't kabadong nakatingin sa kanya.
Nang bigla niyang hinubad ang kanyang T-shirt. "Ano? Tatayo ka na lang ba dyan o tutulungan mo'ko? Binabayaran ka dito para sa serbisyo mo." aniya.
"O-Opo sir! Ano po bang Gagawin ko?" natatarantang tanong ko.
Bigla siyang sumenyas na lumapit ako sa kanya at saka niya itinuro ang isang mahaba at matigas na bagay sa aking harapan. "Heto! Hawakan mong mabuti yan. Ayusin mo nang hindi ka masiritan." aniya. At saka niya pinihit ng yabe-tubo ang tumatagas na sirang tubo sa isang apartment na malapit sa amin.
BINABASA MO ANG
Panandaliang Aliw [Koleksyon ng mga kwentong dagli]
NouvellesNasilip mo na ba? Tara! Pasok na! buklatin mo na! Sige na! pumayag ka na! dahil narito na ang kikiliti, hahaplos, at maghahagod sa iyong isipan. Halika na at Namnamin ang... 'Panandaliang Aliw' [Koleksyon ng mga kwentong Dagli] All right reserved ©...