#16. 'T-Shirt'Bata pa lang kami ay napansin ko nang mahilig ang rakista kong kaibigan si Ringgo sa mga damit na may mukha ni Che Guevarra.
Kaya nang sumapit ang kanyang kaarawan, naisipan ko siyang bilhan ng tatlong t-shirt na may mukha ni Che Guevarra.
Ngunit, napailing na lang ako nang makita at marinig ko ang expression niya nang makita na niya ang tatlong t-shirt.
"huwaw! Rock and roll! Che Guevarra! Idol ko 'tong rakistang 'to!" aniya habang naka rock and roll ang mga kamay.
"Sh*t! Bayani ginawa mong rakista!" bulong ko habang papalayo ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Panandaliang Aliw [Koleksyon ng mga kwentong dagli]
Kısa HikayeNasilip mo na ba? Tara! Pasok na! buklatin mo na! Sige na! pumayag ka na! dahil narito na ang kikiliti, hahaplos, at maghahagod sa iyong isipan. Halika na at Namnamin ang... 'Panandaliang Aliw' [Koleksyon ng mga kwentong Dagli] All right reserved ©...