“Hoy Recamora! Turuan mo naman ako dito oh!”
Napabuntong hininga na lamang ako ng marinig ang boses mo.
Pinagmasdan kitang tumayo sa harap ko at nagkamot ng ulo. Pinilit mong ngumiti kahit halata naman sayo na nahihiya ka sa ginagawa mo.
“Ano ba yun?” tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa muka mo.
“Ano… eto nga kasing sa Trigo! Turuan mo ko! Hindi ko kasi alam eh…”
“Bakit ba kasi hindi mo alam?” dinig na dinig ko ang pait sa boses ko. Pero sigurado naman akong ako lang ang nakapansin noon. Pano, hindi mo kasi alam.
Gusto ko sanang matawa sa naging reaksyon mo. Halata naman kasing nainis ka sa sinabi ko. “Kasalanan ko bang hindi ko talaga magets?! Ang bilis kaya magturo ni Ma’am! Parang laging hinahabol!”
Hindi ko na naitago pa ang ngiti ko. Hindi ko alam kung may mali ba sa mata ko at talagang mas gumaganda ka sa paningin ko kapag naaasar. Nababaliw na ata ako.
“Hindi mo kasi iniintindi.”
“Tss! Eh sa hindi ko talaga maintindihan eh! Ano ba, tuturuan mo ba ko o hindi?” sumimangot ka na non kaya medyo natakot na ako. Ayoko namang magalit ka sakin.
Nagulat nalang ako nang tuluyan kang lumapit sakin at hinila hila ang braso ko. Shit. Napapamura tuloy ako ng wala sa oras. Alam kong ambading pakinggan pero parang nakukuryente ako sa hawak mo. “Sige na please? Please please please? Kailangan kong maipasa tong lecheng hinayupak na Math na to! Kaya please, Recamora? Sige naaaaa.”
Sa ikalawang pagkakataon ay napabuntong hininga ako. May magagawa pa ba ko? Hindi ko naman talaga kayang tanggihan ang tulad mo. Kahit di mo ko pilitin, gagawin ko parin.
“Oo na, oo na. Kawawa ka naman.” Kunwari ay umiling iling ako.
“Shet! Salamat talaga Recamora! Anghel ka talaga!” bakas sa muka mo na masaya ka. Sino ba naman ako para hindi maging masaya para sayo, diba?
Ilang araw ang lumipas at mas madalas tayong nagiging magkasama. Minsan gusto ko na talagang magpasalamat sa gumawa ng Math, dahil kung halos isumpa mo na siya, laki naman ang pasasalamat ko sakanya dahil halos lagi kitang nakakasama.
Pero hindi ko maiwasang hindi itanong sa sarili. Kailan ko ba masasabi sayo? Kailan ko ba maipapaalam? Bakit ba kasi hindi mo alam? Bakit hindi mo man lang maramdaman?
“Lalim ng iniisip natin ah!” pansin mo sakin habang nasa canteen tayo at tinutulungan kitang gumawa ng assignment. Nagkibit balikat na lang ako. Alam ko namang hindi ko pa kayang sabihin sayo. “Lovelife yan no?!” nginitian mo ako ng nakakaloko. Kung alam mo lang, ikaw lang ang iniisip ko kahit na magkasama lang tayo. “Uy lumalovelife ka rin pala!” humagalpak ka don ng tawa. “Sino yan ha? Share naman! Share share share!” pagpapatuloy mo na ikinaasar ko. Bakit ba ang manhid mo?
“Magsagot ka nalang diyan.” Balewala kong sabi.

BINABASA MO ANG
Hindi Mo Kasi Alam {One Shot}
Short StoryHindi mo kasi alam yung totoong nararamdaman ko para sayo.