Chapter 1: Metamorphosis VI

1.6K 89 0
                                    


"Not everyone will understand your journey. That's fine. It's not their journey to make sense of. It's yours."

VI.

Wala pang isang minuto nangyari ang lahat. Saglit lamang. Nagdikit-dikit kami. Bawat isa sa amin ay may hawak na Beginner's Knife. Kinuha ko ang isa ko pang Beginner's Knife na nasa "Inventory" ko. Come what may!

" Tang ina, 'Beast Mode: On' !! "

Biglang sumakit ang dibdib ko. Nararamdaman ko na parang may gustong kumawala sa katawan ko. Kung ano man ito, sana tama ang decision ko.

I can feel the changes that occur in my whole body. Nagba-bulk up ang mga muscles ko. Nagiging crimson ang paningin ko. Tumitindig ang balahibo ko. Lumalakas ang pandinig ko na para bang ang lahat ng tao, bagay at kahit kaluskos ay bumubulong sa tabi mismo ng tenga ko. Nawawala na. Nawawala na ang control ko sa katawan ko.

----May's POV----

Tumakbo ako patungo kay Kevin na hawak hawak sa kanang kamay ko ang Beginner's Knife. Pumulot ako ng isang bato at ibinato ko sa ulo ng zombie na humahabol kay Kevin. Lumingon ito sa akin at pasugod itong tumakbo sa aking lokasyon.

Nakita ni Kevin ang magandang pagkakataon na ito. Pagkatalikod na pagkatalikod ng zombie sa kanya ay bumwelo siya upang umataki dito. Sinaksak niya ito sa ulo ngunit dahil tumakbo na ito sa kinaroroon ko ay sa leeg lang ito tinamaan. Napansin ito ng zombie, lumingon ito kay Kevin. Pumulot ulit ako ng bato, tumakbo ako papalapit sa zombie. Muling nagpahabol si Kevin sa zombie.

Sa pangalawang pagkakataon, sa distansyang 2 meters, ibinato ko ang bato na hawak ko. Tumigil ito sa paghabol kay Kevin, mabilis itong lumingon sa akin. Muli na hindi pinalagpas ni Kevin ang pagkakataon. Sa pagkakataon na ito ay tinamaan na ito sa ulo, natigilan ang zombie. Kagaya ni Kevin, sinamantala ko din ang pagkakataon. Nang masaksak ni Kevin sa ulo ang zombie, sinaksak ko din ito sa mata.

Awa? Kung kailangan kong gawin ito para mabuhay, gagawin ko ito. Wala akong ibang maasahan kung hindi ang sarili ko lang. Simula high school ako na ang bumubuhay sa sarili ko. Lumaki ako na walang ibang inaasahan kung hindi ang sarili ko lamang. May pagkaka-iba pa din ba ang ginagawa ko ngayon at noon? Wala, dahil parehas ko lamang ginagawa ang mga ito upang mabuhay ko ang sarili ko.

May maliit na notification ang nagpop-up sa kanang gilid ng paningin ko. Alam mo yung parang may message kang natanggap sa android phone mo. Isa itong maliit na envelop na may nakasulat na 1 sa gilid nito. Mabilis kaming rumesponde kay Jyx. Kahit babae ako, marami na akong karanasan sa mga patay. Araw-araw akong nakaka-encounter ng patay dahil nurse ako. Sanay na ako sa presensya ni kamatayan. Sanay ako sa kahirapan . Hindi ako ang typical girl next door mo, ang kahirapan ang humubog sa akin na maging matatag. Minsan ko na ding naibenta ang katawan ko upang may makain at mai-tuition lang ako. Sa dami ko ng paghihirap sa buhay, ngayon pa ba ako magiging mahina at matatakot sa totoong mukha ng buhay? Oo, isa akong linta. Dahil kahit anong mangyari kakapit at kakapit ako sa aking buhay.

Mabilis kong binilang ang mga zombie na papalapit kay Jyx. Labing-isa!

" Nakapatay na kami ng isa, Jyx. HAHAHA" tuwang tuwa na sinabi ni Kevin.

"Oo nga, natanggap mo ba yung notification?" pagsang-ayon ko dito.

"Oo" maikling sagot ni Jyx na tila malalim ang iniisip.

Napansin kong may biglang nagmaterialize na isa pang Beginner's Knife sa kaliwang kamay ni Jyx bukod pa ito sa nasa kanan niya. Nagkatinginan kami ni Kevin. Hinawakan ko ng mahigpit ang kutsilyong hawak ko. Tama nga ang conclusion ko. Hanggat ang Beginner's Knife ang ginagamit namin upang pumatay ng mga zombie na ito ay may pag-asa kaming lumakas. Habang lumalaki ang chance na mapalakas namin ang sarili namin ay mas lumalaki ang chance naming mabuhay sa mabilis na nagbabagong mundo na ito.

" Tang ina, 'Beast Mode: On' !! " sigaw ni Jyx.

Napatingin kami ni Kevin kay Jyx. Biglang namula ang mga mata nito at madaling nagbabulk-up ang mga muscles niya. Naglalabasan ang malalaking ugat niya hanggang sa ulo. Sa sigaw niyang 'yun ay madaming zombie pa ang nalure papunta sa direksyon namin. Mabilis nagbago ang itsura niya. Para na siyang napakalaking bouncer sa bar na galit na galit.

Inihanda ko ang sarili ko. Hindi ko alam kung kayang maiwasan ng Low Tier Heal ko ang infection ng mga zombies na ito pero hindi naman ako papayag na mag-stand still na lamang at hintayin na gawin kaming meryenda ng mga zombie na ito. Biglang tumakbo ang Beast Mode na si Jyx. Tumalon ito ng mataas at pasasak nito sinalubong ang mukha ng isang zombie na papalapit sa amin. Nagulat ako sa lakas ng pwersa nito. Pati kamay niya ay bumaon sa mukha ng zombie. Sinipa naman nito ang isa pang zombie na nasa tapat niya ngunit may isa pang zombie na kakagat sa kanya mula sa kaliwa. Mabilis namang rumesponde si Kevin. Sinaksak niya ito sa ulo ngunit lahat ng atensyon ng zombie ay napunta lahat kay Jyx. Siya ang naging tanker namin.

Sa lahat ng direksyon ay may mga zombies na pilit lumalapit kay Jyx. Saksak sa kanan, saksak sa kaliwa habang sumisipa sa harap at sa likod. May mga chances pa nga na nang hehead butt siya ng zombies. Mabilis kong inaagapan si Jyx gamit ang Low Tier Heal ko habang pasundot-sundot lamang ako sa mga nagkakagulo na zombies. Ako ang healer, si kevin ang hitter at ang tanker ay si Jyx. May mga chances na nakakagat siya sa iba't ibang parte ng katawan niya. Nagtatanggalan ang mga balat na minsan ay may mga kasamang laman pa pero dahan-dahang itong nagreregenerate, oo tumutubo ulit. Dahil siguro ito sa +30% regeneration ng Beast Mode ni Jyx na sinasabi nya sa amin ni kevin kanina at siguro sa Low Tier Heal ko na din.

Si Kevin naman ay madalas inaatake ang mga zombies na nagkakagulo kay Jyx. Kagaya na lamang ng isa na nakayakap sa hita ni Jyx. Hinila niya ito mula sa likod at sinasak ang bunbunan. Hinawakan ni Jyx sa paa ang isang zombie na babae at inihampas ito na parang baseball bat sa iba pang zombies. Muli nitong pinulot ang nahulog na Beginner's Knife at isinaksak sa mata ng zombie na nasa kanan niya.


Beast Mode: OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon