***
Siyet. Ang boring talaga ng subject na 'to. Sakto pang natapat sa hapon, siesta time. Kanina pa ako nakatitig sa orasan. Ang tagal tagal tagal. Kapag naghihintay ka nga naman, oo, humahaba ang oras. Oh dear John, isang oras at kalahati lang ang Math 17 pero parang isang taon at kalahati na akong nakahalumbaba dito, painstakingly waiting for this class to end. Mag-eextend pa raw si Ma'am dahil malapit na ang departmental exam. Hay. Itulog ko na lang kaya 'to?
* vibrate *
[From: Kevs] Best, break na kami ni Mich.
Ito ang text message na gumising sa akin(g natutulog na puso.. chos). Muntik na akong mapatalon sa gulat. Mabuti na lang at naalala kong nasa kalagitnaan pala ako ng klase ngayon. Bakit naman bigla siyang magtetext ng ganyan? Break na sila ng girlfriend niya? Kahapon lang, they're oh-so-sweet that I couldn't stand looking at them tapos ngayon, break? You're kidding me, alright.
Pero sa loob loob ko, nagdiriwang ako. Parang medyo na-relieve ako or something. “Yes, break na sila!” “May chance na ako sa kanya!” ang mga tumatakbo sa isipan ko. Alam ko namang mali, e. Best friend-zoned nga pala ako. Palagi ko namang sinasabing gusto ko siya, pero ayaw niyang maniwala. He's always dodging the issue. Siguro akala niya biro lang, kasi nga best friend ko siya, at sanay na siya sa mga kabalastugan ko. Hindi ko na kailangan alamin pang sila nung Michelle, halata naman e. Hindi na ako nakialam. Wala na naman akong magagawa.
[To: Kevs] Ha? Bakit naman? :(
[From: Kevs] Anong 'bakit naman'? I mean, break time na namin. Kita tayo sa canteen.
[To: Kevs] Ay, ganun ba. =)) Buti naman. Sige, mga 15 mins pa class ko. Wait mo ko.
Buti naman. Bigla akong nanlumo. Misunderstanding lang pala. Ilusyonada talaga ako for thinking na break na sila at may pag-asa ako sa kanya. Nasabi ko na bang bawal mag-assume dahil ito'y nakamamatay?
“Ms. Jimenez, I made it clear to everyone that using cellphone is not allowed in my class. Will you answer the question on the board? I'll let you pass if you answer this correctly.”
*break*
Guess what? Hindi ko nasagot yung equation. Eto ang ayaw ko sa Math e, pagkahaba-haba ng solution, 0 lang pala ang sagot. Sayang ang effort. Parang pag-ibig lang yan, kahit effort nang effort, wala, 0 pa rin. (May pinanghuhugutan?) Anyway, dahil sa violation ko, katumbas ng isang late ako ngayong araw sa Math 17. Hooray for me. =_=
[To: Kevs] Dito na me sa canteen. =_=
Pagka-send ko nun, sumalampak na ako sa table. Eugh. I'm such an effin' failure.
Maya-maya..
Voice 1: Sige, Mich. Sandali lang kami. Pupunta ako sa inyo sa Sabado ha. Pakisabi na lang sa parents mo na dadating ako.
Voice 2: Sure. Matutuwa pa nga sila e. Doon lang ako sa lobby ha. See you.
Obviously, Voice 1 is Kevin and Voice 2 is Michelle. Who else? Parati naman silang magkasama e. Ano na naman 'to this time? Introduction-to-parents phase na ba ang peg nila? Parang gusto ko na lang sumalampak dito forever.
“Erika?” Sabi ni Kevin at naramdaman ko ang pag-upo niya sa harapan ko. Eto naman si ako, patuloy pa rin sa pagkukunyaring natutulog. “Huy, Erika..” Ulit niya, at ginulo ang buhok ko. “Ito talagang babaeng 'to...” After a while, naramdaman kong tumayo siya at umalis.
Ay, bastos? Iwan ba naman ako?
Itinaas ko na ang ulo ko at hinanap siya. Pumunta pala siya sa isang booth, bumibili ng pagkain. Maya-maya, pabalik na siya sa direksyon ko at may dalang dalawang hotdog sandwich. “Gising ka na pala.” Sabay abot ng isang sandwich sa akin. “Kamusta? Nagpuyat ka na naman ba?”