PAMTBB

147 2 5
                                    

                  

Ako si Pauline Lim, lumaki ako sa Tondo kung saan ang lolo at lola ko ang nagaalaga sakin. Kasama ko ang mga pinsan ko dito. Pero isang araw bigla na lang akong kinuha nila mama at papa para bumalik sa Cavite. Nahirapan ako dahil maiiwan si bes dito.

Oo si bes, yung bestfriend ko, siya yung nagtatanggol sakin sa mga siga dito, kasama ang kanyang tatay na si Mang Mario, si mang mario kasi ang kinilalang hari ng Tondo. Kaya protektadong protektado ako. Pero kahit ganun, wala akong ibang magagawa kung di, ay pumayag. Nagpaalam ako kay bes. Siya nga pala si Chael (key•l) pero tila ang nalungkot siya. Dahil sa tagal ba naman ng pinagsamahan namin ay syempre masakit para sa isa't isa ang maghiwalay pero sa halip ay pinilit naming maging masaya na lang.

Bago ako umalis doon ay nagkaroon kami ng kaonting pangako:

1. Walang kalimutan

2. Bawal ma fall sa isa't isa

3. Sasabihin pag may problema or may bumabagabag

Pagkatapos naming sabihin yan ay umalis na ako nung araw na yun. Makalipas ang 5 taon Bumalik ako sa Maynila dahil nag cocollege ako sa isang malaking unibersidad. May kaya ang pamilya namin. Kaya nakakapag aral ako sa mga gantong paaralan. Namimiss ko na nga si bes eh. Sana naman kilala niya pa ako. May gf na kaya siya?

Noong grade 7-9 ako lagi kaming nagchachat at nag uusap sa telepono pero noong ako'y naging grade 10 student ay naging busy ako kasabay pa ang pagiging president ko ng student council at pagiging captainball sa volleyball varsity sa school, nawala ang connection namin sa isa't isa pero nandiyan pa naman ang pangakong iyon eh.

Lagi kong hinihiling kila mama at papa na pumuntang Tondo kahit minsan pero ayaw nila.

Kesho madumi daw doon, madami daw siga at mabaho pero kahit kailan di ako nandiri sa lugar kung saan nabuo ang tapang ko. Namimiss ko na din mga pinsan ko.

Nandito nga pala ako ngayon sa school na pinapasukan ko, kasama ang aking boyfriend , malapit na ang sem break sa school, sa november.. Kasabay nito ang aking kaarawan hays. Ang gusto ko lang naman eh makita si bes.

"Hey babe, stop crying please?" Bf

Bigla naman akong nagising sa realidad. Yan nga pala si John. Ang boyfriend ko. John Martinez III, isa sa mga famous dito sa school namin. Nagkakilala kami noong summer sa isang party ng friend ko tas ayan niligawan niya ako at naging kami, kaya nga parehas kami ng kinukuhang course at same school pa. Btw, we're taking architecture.

"Okay babe, sorry" me

"Dahil na naman ba yan sa bes mo?" John

"Oo babe. Namimiss ko na siya" me

"JUSKO NAMAN PAULINE MARIA C. LIM, ANO BANG MERON DIYAN SA BES MO HA!?! LAGI NA LANB SIYA ANG TOPIC NATIN, SINO BA YAN? ANO BANG MERON SA KANYA?" Sigaw niya Buti na lang at kami lang dito sa Theater Room, tambayan kasi namin to eh.

"ANO BA? BAKIT KA BA NAGAGALIT SA KANYAAA HA?" Me

"NAGSESELOS AKO OKAY?" John "LAGI NA LANG, ALAM MO NAMANG BESTFRIEND KO SIYA EH. UGH, MAKAALIS NA NGA" me

Pagkatapos ng pangyayaring yun ay umuwi na ako, 2 weeks na ang nakalipas mula sa pangyayaring iyon, medyo okay na kami at nga pala, dalawang araw na lang ay birthday ko na.

(A/N: October 25 yang closing party)

"Anak baba na,kain na tayo" nagulat naman ako at nandun pala sa may pintuan si mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Promises are meant to be brokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon