I N T R O D U C T I O N ☯ M y E n e m y I s A c t u a l l y M y . . .
Ako si Nicole Dominique Vergara. Ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.
Chooos! Kapal ng muka eh.
Pero di nga. Ako ang pinakamaganda sa school namin.
Friend ko lahat ng babae. Manliligaw ko lahat ng lalaki.
In short. Reyna ako ng school na to.
"Tumigil ka nga sa pagpapantasya mo. Tsk!"
Lintek na yan. Ayos na eh. Dumating lang tong busangot na to.
"Hoy! Hindi ako nagpapantasya. Baka ikaw pa nga eh." Dinuro-duro ko siya habang sinasabi ko yun.
"Ako? Magpapantsya? Sa pantasya mo lang yan." Sabay ngisi.
Inirapan ko na lang siya.
Hay naku. May nakalimutan akong sabihin.
Friend ko lahat ng babae. Manliligaw ko lahat ng lalaki. Except sa kanya.
Siya lang ang exception sa lahat!
He's the only one who's not fond of me.
Ang nag-iisang Michael Lorenze Ayala.
Friend niya lahat ng lalaki. Manliligaw niya lahat ng babae. Except sa akin. At oo. Nanliligaw sa kanya ang mga babae.
In short. Hari siya ng school na to.
And pamilya nila ang may-ari nito.
Ang ironic noh? Magkaaway ang Hari at Reyna ng Ayala University.
"Tawag mo sa sarili mo reyna? Haay. Grabe talaga ang pantasya mo. Tsk tsk."
"Changgala! Wag mo nga basahin ang isip ko!"
"If you say soooo.." Sabay devil smirk sakin.
Kung hindi lang kita asawa malamang patay ka na ngayon.
Ako si Nicole Dominique Vergara-Ayala.
Mortal enemy ko si Michael Lorenze Ayala.
And it hurts to say this, pero..
My Enemy is Actually My Husband.
BINABASA MO ANG
My Enemy Is Actually My...
Teen FictionAko si Nicole Dominique Vergara-Ayala. Mortal enemy ko si Michael Lorenze Ayala. And it hurts to say this, pero.. My Enemy is Actually My Husband.