"Alam mo sa tingin ko, kumandidato ka lang sa lugar na ito, malaki ang tiyansa mong manalo." ani Anna na hindi makapaniwala kung gaano kapopular sa bayan na 'yon si Adrian.
"Sa tingin mo?"
"Oo." Natatawang sabi ni Anna. "Ano nga pala ang dahilan at napunta ka sa Maynila?"
"Doon kasi ako nag-aaral ng pagpa-pari."
"Sigurado ka na ba na iyan ang gusto mo?"
"Oo. Bakit no naitanong?"
"Hindi pa tayo gaanong magkakilala, pero, sa tingin ko, malayo sa hitsura mo ang mag-pari."
"Bakit mo naman nasabi 'yan?"
"Kasi, hindi ka naman pangit, ewan ko, pero wala talaga sa ayos mo ang pagpapari."
"Ibig mong sabihin guwapo ako, at ibig mo ring sabihin ang mga nagpapari lang eh iyong mga pangit?" Natatawang sabi no Adrian.
"Hindi ko sinabi iyan, ang gusto ko lang sabihin, yang hitsura 'yan maraming mapapaiyak na babae yan kung gugustuhin lang." Natatawang sabi ni Anna. "At tsaka parang ang hirap niyang pinili mong propesyon, parang ang daming consequences na hindi no alam."
"Ano namang consequences? At kung meron man sa tingin ko ay alam ko naman kahit papaano, Miss Anna."
"O siya, alam mo na kung alam mo, pero handa ka bang harapin 'yon?"
"Sa tulong ng Diyos, makakaya ko." Nakangiting sagot ni Adrian.
"Hindi ba Diyos rin ang nagbibigay sa atin ng mga pagsubok, kayanin mo kaya ang mga temptation na darating sa'yo?"
"Oo naman hindi ka naman bibigyan ng Diyos ng pagsubok na hindi mo kakayanin."
"Sigurado ka?"
"Teka nga lang, bakit yata pakiramdam ko dinidiscourage mo ako?" Natatawang tanong ni Adrian na tila nakahalata na.
"Sa tingin mo?"
"Opo. At ikaw bakit ka napunta rito sa Benguet?"
"Dahil gusto kong mag-bakasyon," pagtatakip ni Anna.
"Sigurado ka bang nag-babakasyon ka lang rito."
"Bakit mukha bang hindi?" inis na sabi ni Anna.
"Hindi. Ang natatandaan ko noong nasa bus tayo, ang lalim ng iniisip mo. Tsaka naaalal ko yung hitsura mong takot na takot ka noong kinuha sa'yo yung pera mo. Tapos wala ka pang eksaktong destinasyon dito sa Benguet, huwag ka sanang magagalit pero sa tingin ko, nag-layas ka."
"Bakit mo naman nasabing naglayas ako. Hindi ba pwedeng magbakasyon ng walang eksaktong destinasyon? At narinig mo na ba ang salitang Soul Searching?" May halong inis na tanong ni Anna na hindi napigilang magtaas ng boses kay Adrian at maglakad palayo dito.
"Bakit ka naman nainis? Ang sabi ko ay sa tingin ko lang naman, kung hindi o di hindi." Ani Adrian na hinahabol si Anna. "Pasensiya na."
Tiningnan lang ni Anna si Adrian.
"Sige, pagdating natin sa bayan, ililibre kita ng ice cream." Biro ni Adrian.
"Loko ka talaga ano, ang lamig-lamig dito, tapos pakakainin mo ako ng ice cream."
"O sige palamig na lang, o kaya kahit ano na lang, kahit anong gusto mo, basta kasya ang budget ko, ibibili kita."
"Ayy, ewan ko sa'yo!" Natatawang sabi ni Anna.
Matapos ang ilang minutong paglalakad ay narating na rin nila ang bayan. Namangha si Anna sa lugar na iyon, malinis kasi ang paligid, at makulay dahil na rin sa mga halamang nagkukumpulan doon.
BINABASA MO ANG
A Summer To Remember
Teen FictionMay isang tag-araw na hindi makakalimutan si Anna..