FIRST

19 2 0
                                    

●●●

Ako dapat yung naglalakad sa aisle ngayon at hindi siya.

Ako dapat yung mangangako sa harap ng maraming tao ngayon.

Ako dapat yung magbibigkas ng wedding vows.

Ako dapat yung nakasuot ng trahe de boda at hindi siya.

Ako dapat yung hinihintay niya.

Ako dapat yung tatawaging Mrs. Adam Willams, at hindi siya.


Paano ba ko nakarating dito? Sa itsura ko ngayon mukha akong gate crasher, tila ako nakabatak ng isang kilong droga dahil sa mata ko.

Gusto ko na umalis, pero itong mga paa ko tila gustong gusto ipamukha sa akin na hindi ako yung babaeng nakasuot ng wedding gown.

Hindi na ako makaiyak. Tila yata pati mga luha ko iniwan na ako. Nakakatawa na dati pakiramdam ko halos lahat mayroon na ako pero isang tao lang ang umalis pakiramdam ko naubos lahat, isinama niya sa pag-alis niya.


"You may now kiss the bride" sambit ng pari na naghudyat para itaas ng groom ang veil ng bride.

Masokista na kung masokista pero hindi ko maalis ang tingin ko sa paglapit ng mga labi nila sa isa't-isa. Masaya siya. Masaya sila.








Adam...



Nakalimutan mo na ba ako? Nakalimutam mo na ba na may Erza pa na nandito kaya pumayag ka ikasal sa kanya?

Legally BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon