PROLOGUE

16K 178 4
                                    


Patricia's POV:

Meet Patricia Yvette Passion.
She was the owner of the
" TRICIA FASHION MALL".
She has a boyfriend named Jake De Guzman.
The only Daughter of Mr. Franco Passion and Mrs. Alexandria Passion.
25 yrs of age.

At the Bar.

Pina ikot ikot ko ang baso ng alak sa mesa. Iniisip ko kung bakit ganito ang mundo punong puno ng mga manloloko!. Ang pinagkakatiwalaan kong boyfriend ko and siya pang gagawa nito mismo sa akin. Napakasakit ! Hindi ko tuloy alam kung anu ba ang ginawa ko bakit niya to nagawa sa akin.

Naging mabuti naman akong girlfriend sa kanya. Lahat ng oras ko nasa kanya kahit may trabaho akong gagawin sa mall mas inu una ko pa siya.

Flashback:

1st Anniversary namin ni Jake ngayon kaya naman gusto ko siyang isurprise. Nagpareserve pa ako ng table sa paborito niyang restaurant.

Tinignan ko ang oras sa relo ko 6pm kaya nagdesisyon akong  tawagan siya.

Krrinnng! Kriinng! Kriiinnnngggg!  Hindi niya ito inaangat. Napa isip ako na baka busy siya kaya tinext ko nalang.

To: My Future Husband

Hello bhabe busy ka? Pwede ba tayong magkita mamaya 7 pm sa favorite restaurant mo? May sasabihin ako importante. Please.. Dont miss it. I love you :* ♡

Send............

Halos mga ilang minuto na ako naghihintay ng reply niya pero wala parin. Hanggang sa tumunog ang cellphone ko may nagtext. Abot langit ang ngiti ko ng makita ko sa screen ng cellphone ko kung sinu ang nagtext si Jake.

From: Future Husband

Importante ba talaga? Kasi busy ako ang daming works pero sige pupunta ako pero hanggang 7:30 lang ako.

Nadismaya ako sa text niya. Hindi man lang niya ako binati ng " HAPPY ANNIVERSARY " man lang :( Nakalimutan na niya ata ako .

Napa isip ako kung bakit ganito ang trato niya sa akin para bang nanlalamig siya pag kausap niya ako. Halos mag iisang linggo na akong ginaganito.

Itinigil ko na ang pag iisip ng mga negatibong bagay at saka ako nagtungo sa bathroom para magshower. Pagkatapos kung magshower ay binuksan ko ang aking Cabinet para maghanap ng damit.

Isang Red Cocktail dress ang napili kong damit. Nagbihis na ako at naglagay ng kaunting make up.

Tinignan ko ang oras 6:40 na kaya dali dali na akong lumabas ng condo. Pinaandar ko ang aking kotse at agad ng nagtungo sa Restaurant.

Pagdating ko sa Restaurant tinungo ko ang pinareserve kong table. Nakita ko si Jake na naka upo na sa table .

Sinalubong niya ako at saka pinaupo.

Anong pag uusapan natin? Sabihin mo na kasi aalis din ako agad! sabi niya pagkaupo ko.

Ahm. Bhabe wala ka bang naalala sa araw na ito? tanong ko sa kanya.

Wala naman. Bakit birthday mo? Diba sa susunod na buwan pa naman yon? sagot niya sa akin.

Sasagot pa sana ako ng nagring ang phone niya na nakalapag sa table. Sabay kaming napatingin sa cellphone niya. Nakita ko sa screen ng phone niya na babae ang tumatawag kaya agad ko itong kinuha at sinagot.

Hello hon asan ka na? Papunta ka na ba dito? Kasi nagugutom na ako eh gutom na rin si baby sa tummy ko. Sabi ng babae na sumagot sa kabilang linya.

Halos mahulog ko ang cellphone ni Jake dahil sa narinig ko.

Hello hon? Andyan ka pa ba? Hello.. hello... yan ang sumunod na sinabi ng babae saka pinatay ang phone.

Hindi ko na maimagine ang mukha ko. Ang dami ng luha ang sunod sunod na pumatak sa pisngi ko. Lumapit si Jake sa akin yayakapin sana niya ako pero sinampal ko siya at agad kong nilisan ang restaurant.

Pagkatapos ng pangyayaring yun ay nagbreak na kami ni Jake.

End of Flashback.....

Yan ang dahilan kung bakit ako nagpapakalasing nagyon. Gusto ko siyang makalimutan. Ang mga sakit na binigay niya sa akin. Kaya heto ako at nag iisa.

Antok na Antok na ako kaya napagdesisyunan ko nang umuwi. Tatayo na sana ako nang bigla akong natumba at tuluyan na akong nakatulog. May mga kamay na nakasalo sa akin. Hindi ko nakilala ang mukha niya dahil sa sobrang kalasingan ko.

Alexander's POV:

Meet Alexander Blake.
Kilalang kilala siya sa pagiging playboy.
The Son of Mr. Freddie Blake and Mrs. Anastacia Blake.
Owner of the Air Voice Company.

Bwisit na babae to iinum inom at nagpapakalasing mag isa hindi naman pala niya kaya. Buti nalang nasalo ko siya kung hindi basag na ang ulo niyang tumama sa sahig.

Hindi ko alam kung saan ko iuuwi ang babaeng ito. Napansin ko ang pouch niya sa may table kinuha ko yun at tatawagan sana ang mga kamag anak niya o kakilala niya pero empty bat ang cellphone niya.

Arrgghhh! Fuck!  galit na sambit ng isip ko.

Wala na akong ibang choice kundi ipunta na lamang siya sa condo ko.

Pagdating namin sa condo ko ay agad ko siyang ibinaba sa kama. Aalis sana ako matapos ko siyang ibaba ng bigla niyang hinawakam ang leeg ko saka humalik sa akin.

Aalisin ko sana ang mga kamay niya pero mahigpit itong naka hawak sa leeg ko kaya sinuklian ko na lamang ang halik niya.

Naging malalim pa ang mga halik niya hanggang sa hinubaran niya ako. Hindi ko naman natiis ang init na dala ng karawan niya kaya hinubaran ko din siya. Hanggang sa may nangyari sa amin sa gabing iyun!

The Billionaire's Future WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon