My Heart Belongs to a Nurse ( One Shot )

116 7 5
                                    

Dedicated to all Nurses all over the world.
Salamat sa mga dugo at pawis na binibigay niyo sa
Mga pasaway at minsan makukulit niyong mga patients.
Long live Filipino Nurses.

---------------------

Lian's POV

Witweeeeeeeww!

Morning Shift. 7am to 3pm.

Yan ang oras ng duty ko dito sa  Hospital.

And just like any other ordinary days, tadtad na kami agad ng trabaho. May mga times nga na kakaupo pa lang namin, tatawagin agad kami ng pasyente.

Papacheck nila  na hindi na daw tumutulo, malakas or mahina yung drops or pag ubos na yung mga dextrose nila. Or kung ano ano pang mga ward calls.

As a nurse, di ako nagrereklamo sa nature ng trabaho ko. Pero syempre tao lang din naman ako at marunong mapagod.

Buti na lang, meron akong mga colleagues na maasahan. Kumbaga kami ang partner's in crime. Magkakasama sa hirap man o ginhawa.

"Oh Lian, ang aga-aga pa, mukhang harassed na harasssed ka na". Natatawang sabi ni Jerix habang busy sa pag-pprepare ng meds niya.

"Hahaha. Ano ka ba Jerix, nag-eemote pa yan si Lian, mukhang bet pa naman yung bantay ng pasyente natin." Dagdag ni Racqi na natatawa. Busy sa pag aayos ng mga charts.

"Yan na naman tayo eh. Kahit anong sabihin niyong dalawa wala akong magiging reaction. No comment na lang." litanya ko sa kanya na ikinatawa ng dalawa.

Tuloy lang ang buhay sa hospital. Daig pa namin ang lumalaban sa gyera pag morning shift, mabilis ang kilos namin. Kelangan lahat ng bagong order ng doktor, masunod or magawa namin.

At eto ako, nagsesenti habang nagtatrabaho...

Haaaaayyy naku naman. Bakit ba ganito ang life. Yung taong laman ng pangarap ko almost every night. Hindi man lang ako napapansin. Wala sa sariling sabi ko.

OO NA! Aamin na po ako. Si Jerix talaga ang laman ng puso ko, Matagal na. Kami lang dalawa ni Racqi ang may alam niyan. Sikretong malupit kumbaga.

Siya kasi ang Sunshine sa magulo at malungkot na mundo ko. Yung feeling na makita mo lang siya, sasaya ka kaagad. Gwapo daw sabi ng lahat, (super hotness naman sa paningin ko. Hehehe) Pala-ngiti at walang kyeme tumawa. Pag masaya siya makikita mo agad. Walang halong plastic mode. Mahahawa ka na lang.

Pero hanggang dun na lang siguro talaga ang pagsintang pururot ko.

Pano ba naman, balak ko na sanang magtapat ng feelings ko, kaso naman. Naunahan na  niya ako ng wala sa oras. 

According to him,  WE ARE FRIENDS DAW!  Maganda na kasi ung relationship  namin as aa group slash wardmates. We are one happy family.

Partida, wala pa siyang kaalam-alam sa feelings ko. Di pa nga ako nagsasabi.
DAKILANG  BASTED na agad? Kaya ayun! Hanggang komedya effect na lang ang peg ng lola mo kahut mejo masakit sa puso.

"Oh Lian, okey ka ba?" Tanong ni Racqi, kahit alam kong nagsasalita siya habang nagsusulat sa mga charts.

Oh? Galing no? Multi-tasking ang powers namin. Kaya naming magkulitan or magkwentuhan habang busy pa sa pag-aayos ng charts at pagpprepare ng mga meds. Kumbaga para sa grupo namin. Kelangan dapat laging happy para di kami matoxic sa trabaho. Good vibes and good aura equals good and healty environment.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Heart Belongs to a Nurse ( One Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon