Chapter 14: Let Her Go
"Wess, are you even listening to me?"
"I'm sorry papa. Marami lang akong iniisip tungkol sa expansion ng hotel." Totoo. Marami talaga akong iniisip tungkol sa business. Pero mas malaking parte ko ang nag-iisip tungkol sa sinabi ni Uno sa akin.
"Hijo just tell me if you need a break. Kaya ko pa naman. Pwede naman akong bumalik sa posisyon habang nagbabakasyon ka. Go, find yourself. Hanapin mo kung ano, o sino ba talaga ang makakapagpasaya sayo."
"Do I still have to dad? Nag-decide na ako. Pinakawalan ko na siya, sila ng anak ko. Hindi naman pwede na dalawa sila."
"Sino ba kasi ang nasa puso mo anak? I also loved another woman before your mom. I even decided to elope with her nang malaman kong ipinagkasundo ako ng lolo mo sa mama mo. Beatrice was my everything, she was my air, my life, my person." Ngumiti si Papa sa akin. Pumikit siya na parang inaalala ang nakaraan.
"Pero sinaktan niya ako. She was not really in love with me, but with you Tito Fabian. The funny thing is the night that we were about to elope, hindi siya dumating. Sumama siya sa Tito Fabian mo." Mataman ko siyang tiningnan. Iniisip ko kung nasasaktan pa ba siya.
"That night, your mom came. Nandoon siya, kasama kong naghihintay. Nakakatawa diba? Mahal niya raw ako at handa siyang ibigay sa akin ang makakapagpasaya sa akin, which at that time is Beatriz. Your mom was there with me, buong gabi. Even the following nights when I drink myself to sleep. She was always there. Kahit na sinisi ko siya. She didn't left.
She accepted me kahit hindi ko pa siya mahal. She fixed me. She mended my broken heart. At doon ko narealize that I was inlove with her for a long time now. Unfortunately, hindinko nakita yun because she was my bestfriend." Ngumiti sa akin si papa. "Ironic right? Parang yung kwento niyo rin ni Ianne."
Nagulat ako sa sinabi ni papa. Hindi ko inexpect na alam niya. Na alam niyang mahal ako ni Ianne.
"She left me nang huli na ang lahat hijo. She left me nang malaman niyang buntis siya. Beatriz came back, the day na anlaman niyang buntis siya. Your mom told me to fight for my love. Na kaya niyang siya lang. Mahal ko ang mama mo, pero dahil bumalik ang first love ko, ay nabulag ako. Two months of pure bliss with Beatriz. Akala ko ok lang. Akala ko, everything would be perfect, pero nagkamali ako." Bahagya nanamang humito si papa at nagpunas ng mata. Yes he was crying. Pero ako rin pala. Because I remember Ianne and Andrea.
"Hinahanap hanap ko ang mama mo. I was alaways thinking of her, of you in her tummy. She was fragile at alam kong nasasaktan siya kahit hindi niya sinasabi sa akin. Then and tgere I realize that I am no longer in love with Beatriz but with your mother. I decided to look for her. Handa na ako. Sa wakas, handa na ako, at siya ang gusto kong makasama habang buhay.
But she was no longer available. Meron nang lalaking nakakapagpangiti sa kanya. I cried son. Umiyak ako dahil mahal ko siya. Dahil hindi ko naiparamdam. Dahil hi di ko nasabi. Natakot ako na mawala siya. Because I love her. I love her so much na handa akong makipagkumpitensya para sa kanya. You know what, nagmakaawa ako sa kanya. Nagmakaawa akong bumalik siya sa akin. The great me knelt down in front of her."
"She accepted you again?"
"Yes. Dahil mahal niya ako anak. Swerte ko lang dahil mahal niya pa rin ako." He then stood up and walked towards me. He placed his hand on my shoulder.
"Isn't it ironic how our love story is the same? The difference is naitama ko yung kasalanan ko, narealize ko kung sino yung mahal ko, before it's too late."
BINABASA MO ANG
Next to you
قصص عامة"Damn you Ianne. You b*itch. You f*cking, gold-digging whore!" Nagulat ako nang bigla na lang bumukas ang pinto at sumalubong sa akin ang sigaw ni Wess "Tama sila, I should've never trusted you. Hindi dapat kita kinaibigan. Ikaw pa Ianne, ikaw pa na...