Genesis 6

4 1 0
                                    

Genesis 6

1At nangyari, nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa, at mangagkaanak ng mga babae,

2Na nakita ng mga anak ng Dios, na magaganda ang mga anak na babae ng mga tao; at sila'y nangagsikuha ng kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili.

3At sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man, sapagka't siya ma'y laman: gayon ma'y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw.

4Ang mga higante ay nasa lupa ng mga araw na yaon, at pagkatapos din naman na makasiping ang mga anak ng Dios sa mga anak na babae ng tao, at mangagkaanak sila sa kanila: ang mga ito rin ang naging makapangyarihan nang unang panahon na mga lalaking bantog.

5At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati

. 6At nagsisi ang Panginoon na kaniyang nilalang ang tao sa lupa, at nalumbay sa kaniyang puso.

7At sinabi ng Panginoon, Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa; ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; sapagka't pinagsisisihan ko na aking nilalang sila.

8Datapuwa't si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon.

9Ito ang mga lahi ni Noe. Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya: si Noe ay lumalakad na kasama ng Dios.

10At nagkaanak si Noe ng tatlong lalake: si Sem, si Cham, at si Japhet.

11At sumama ang lupa sa harap ng Dios, at ang lupa ay napuno ng karahasan.

12At tiningnan ng Dios ang lupa, at, narito sumama; sapagka't pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa.

13At sinabi ng Dios kay Noe, Ang wakas ng lahatng tao ay dumating sa harap ko; sapagka't ang lupa ay napuno ng karahasan dahilsa kanila; at, narito, sila'y aking lilipuling kalakip ng lupa.


14Gumawa ka ngisang sasakyang kahoy na gofer; gagawa ka ng mga silid sa sasakyan, at iyongsisiksikan sa loob at sa labas ng sahing.

15At ganitong paraan gagawin mo:tatlong daang siko ang haba ng sasakyan, limang pung siko ang luwang, attatlong pung siko ang taas.

16Gagawa ka ng isang durungawan sa sasakyan; atwawakasan mo ng isang siko sa dakong itaas; at ang pintuan ng sasakyan ayilalagay mo sa tagiliran; gagawin mong may lapag na lalong mababa, pangalawa atpangatlo.

17At ako, narito, ako'y magpapadagsa ng isang baha ng tubig sa ibabawng lupa, upang lipulin sa silong ng langit ang lahat ng laman na may hininga ngbuhay; ang lahat na nasa lupa ay mangamamatay.

18Datapuwa't pagtitibayin ko angaking tipan sa iyo; at ikaw ay lululan sa sasakyan, ikaw, at ang iyong mga anakna lalake, at ang iyong asawa, at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo.

19At sa bawa't nangabubuhay, sa lahat ng laman ay maglululan ka sa loob ngsasakyan ng dalawa sa bawa't uri upang maingatan silang buhay, na kasama mo;lalake at babae ang kinakailangan.

20Sa mga ibon ayon sa kanikanilang uri, atsa mga hayop ayon sa kanikanilang uri, sa bawa't nagsisiusad, ayon sakanikanilang uri, dalawa sa bawa't uri, ay isasama mo sa iyo, upang maingatansilang buhay.

21At magbaon ka ng lahat na pagkain na kinakain, at imbakin mo saiyo; at magiging pagkain mo at nila.

22Gayon ginawa ni Noe; ayon sa lahat nainiutos sa kaniya ng Dios, ay gayon ang ginawa niya.


The book of GenesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon