Pwede bang ako nalang?

3.7K 197 21
                                    

Oneshot: Pwede bang ako nalang?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

" Pwede bang ako nalang?" Lagi kong tanong sa bestfriend ko na si Dianne na mahal ko. Nagtapat ako sa kanya pero mahal pa niya ang ex niya kaya natanong ko ang katagang yan

" Sorry Drew, pero siya parin eh" napatango-tango ako nung sinabi niya yun. Nandito kami sa park dahil umiyak siya kanina at di sinadyang nakita ko siya, nilapitan ko naman siya agad at kinomfort , bestfriend ako eh. Hanggang dun nalang ba yun? " Sinabi ko lang naman, kung sakaling handa ka na magmahal ng iba. Ako nalang sana" ngumiti siya ng pilit na halata naman kasi kilalang-kilala ko to eh

" Nu ka ba! Ang oa mo naman. Okay lang ako at ganun talaga ,nagmahal eh. Ang ayoko lang, masira ang pagkakaibigan natin" Napaisip ako. Oo nga, sabagay broken siya at may minahal na iba at ako naman ay broken at ang tanging minahal ay siya. Ang oa diba?

" Hindi mangyayari yun kahit hindi pa maging ako. Okay lang yan" i tapped her shoulder kaya napatingin siya. I signed na kailangan na naming umalis kaya umalis narin kami sa park

Habang naglalakad ay walang sinuman ang nagsalita at ramdam ko ang pagka-awkward ng sitwasyon namin. Magsasalita ba ako o ano? Ayoko ng tahimik eh

Pero nagulat nalang ako nung nagkasalubong kami ng ex niya, tumigil sila sa harap namin kasama ang bago nitong girlfriend. Playboy kasi itong boyfriend niya kaya ayun siya ang napaglaruan. Bwisit talaga

" Tara na" sinubukan niya akong hilahin nung sinabi niya yun pero nakatingin lamang ako sa ex niya na ang kapal ng mukha, kasing kapal ng webstern dictionary " Hindi. Dyan ka lang" seryoso kong saad sa kanya kahit nag-alala siya ay tumigil siya sa paghila at tinignan lang ako

" Alam mo ba kung anong ginawa mo sa kanya?" Nilapitan ko siya at maangas ko siyang tinanong. Lalake sa lalake na laban, wag nalang kung bakla to

" Wala at wala akong pakialam" cold niya lang sabi na dahilan para mas lalo akong nagalit

" Kapal ng mukha mo no? O sige na nga, dahil sa kapal ng mukha mo, nainlove siya sayo at yun pala pinaglaruan mo lang"

" Hindi ko kasalanan na mainlove siya sakin" ganun parin ang tono nangboses niya kaya napahawak ako sa ilong ko. Nagagalit na talaga ako ah " Wal--"

" Kung gusto mo, sayo na siya tutal mahal mo naman yan eh. Excuse me" hindi agad ako naka-react at lalo na hindi ko din siya napigilan kasi bigla nalang siyang umalis kahit nagulat ako sa sinabi niya. Napatingin ako kay Dianne " Okay ka lang?" May namumuong luha na sa mga mata niya at nung tumingin siya sakin, nakita ko kaagad ang galit pero para sa akin kaya o sa ex niya?

" Teka lang" hindi ko na siya napigilan nung tumakbo siya papalayo at alam kong umiiyak siya ngayon. Sinong hindi masasaktan na ang lalakeng mahal mo ay hindi ka mahal , pinaglaruan ka pa pinamigay ka pa! Kainis! Aish!

**

Naglaan ang mga araw at mas lalo ko pa siyang pinagtanggol lalong lalo na sa ex niyang g*go! Nandun ako para sa kanya , hindi lang bilang bestfriend, kundi bilang isang normal na lalake na mahal siya pero hahayaan ko muna siya kasi hindi mo naman masasabi sa puso mong mahalin mo siya o siya ng ganun diba?

At nang dahil nun mas lalong nagiging awkward para sa aming dalawa ang aming pinagsamahan. Ewan ko kung sa akin lang ba o sa aming dalawa basta ganun

Nagulat na lamang ako nung isang araw, pagpasok ko sa eskwela ay nakita ko nalang siya na kasama ang ex niya tapos ang mas nakakairita ay nagtatawanan pa sila. So, sila na pala? Mabuti na siguro kung ganon, para naman matigil ang nararamdaman ko sa bestfriend ko Damn. Why is it so hard to choose me? Nakakainis

Hindi ko na sila pinansin pa at umalis ako sa eskwelahan. Di na ako pumasok, um-absent ako. Tumawag siya sakin pero hindi ko sinagot. Sa ngayon , ang kailangan kong gawin ay iwasan siya at magpakalayo-layo. That's the best choice for a coward like me. Tss

**

Dumating ako sa eskwela na wala sa mood. Dahil yun sa nakita ko kahapon. Nagkita kami pero iniwasan ko parin siya. Iniwasan ko siya kahit sa pagtingin man lang. Alam ko, ang oa na pero masisisi niyo ba ako, pagod na ako eh at alam ko naman na nag-alala siya. Syempre, bestfriend niya ako. O baka gusto niya na i-congratulate siya sa pagkabalikan nila

Ngayong malapit na matapos ang klase ay papaalis na sana ako ng building pero nagulat nalang ako nung may humarang sa harapan ko , si Dianne

Umiwas ako at hinayaan siya dun pero mukhang makulit siya ngayon, hinarangan niya ako with her arms wide open. Sinubukan kong dumaan sa left, dun din siya. Si right naman. Parang patentero lang. Natawa naman siya, matatawa na sana ako pero i need to act serious. Kailangan ko siyang iwasan noh! Kailangan kong magtiis..

Pang-ilang subok na akong umiwas at dun naging successful naman din kasi ibinaba niya ang kamay niya at hinayaan nalang ako. Siguro napapagod na siya, nakakalungkot naman pero ganyan talaga minsan , mapapagod kana kaya kailangan mo nang sumuko. Gaya ko sumuko na nga ako kasi sila parin ng ex niya

" Drew " napatigil ako sa paglalakad nung sinabi niya ang pangalan ko at ramdam ko na mukhang masaya siya. Masaya dahil nagkabalikan sila, hindi ba?

" Bestfriend kita, nalungkot ako nung iniiwasan mo ako gaya ngayon. Gusto ko lang kasing sabihin ang magandang balita" liningon ko ang ulo ko at kunot-noo na tinignan siya habang siya'y nakangiti lang " Ano?" Tanong ko

" Gusto ko lang sabihin na..." yan na. Sasabihin niya na nagkabalikan siya at masaya siya na sana maging masaya nalang ako at sorry dahil hindi pwedeng ako hindi ba? Ang sakit pero oo nga pala, bestfriend lang ako. Wala akong karapatan diba? May pa-iwas iwas pa ako

" Pwedeng ikaw na. Ikaw naman talaga. Hindi ko lang napansin na sa mga panahong tayo ang magkasama, hindi mo na pala kailangan tanungin kung...

Pwede bang ako nalang? "

-End-

Oneshot: Pwede bang ako nalang?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon