Chapter 29- "lights camera DRAMA!"

19 5 0
                                    


JUBAIL'S POV



Bawat hakbang niya nasasaktan ako, unti unting nadudurog ang puso ko. Ang layo na niya sa akin. Ang sakit isipin at tingnan na malayo sayo yung taong mahal mo. Pero hindi naman siya yung mang iiwan e. Hindi naman siya yung lalayo, kundi ako.



Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko, hanggang sa marinig ko nalang ang pagsarado ng pinto ng kwarto niya..
Bago ako umalis ng bahay nila, nag iwan muna ko ng note. Pagkatapos ko magsulat non, tumakbo na ko palabas ng bahay nila. Ayokong maabutan pa niya ko, mas lalo lang akonh mahihirapan na iwan siya pagnangyari yon..

Nang makarating ako ng bahay namin, nadatnan ko si Owy nakaupo sa harap ng bahay namin..

Nang mapatingin siya sakin bigla siyang tumayo, lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. Lalo akong naiyak..


"Shh.. tahan na, wag ka ng umiyak.. nandito lang ako, kaya natin 'tong lagpasan. Akong bahala sayo..sshh, tahan na..".mga salitang lalong nagpaiyak sakin. Hindi na ko nakapagsalita gawa ng pag iyak ko.


Mga ilang minuto pa kami sa labas ng ayain niya ko sa loob. Walang tao dito samin, kaming dalawa lang. Yakap yakap niya lang ako hanggang sa tumahan. Ang sarap lang sa pakiramdam na may dumadamay sayo kapag nasasaktan at umiiyak ka.. kapag feeling mo down na down ka na. Feeling mo walang pwedeng manakit sayo kapag yakap ka niya. Mas masarap sa pakiramdam kung yun pa yung taong mahal mo..

Yung taong walang sawang umiintindi sayo, kahit hindi mo siya pinapakinggan..

Yung taong inaalagaan ka ng sobra, at minamahal ka ng walang sawa..

Wala akong dapat pagsisihan, tama lang na si Owy ang pinili ko. Pangako Owy Posadas, hindi ka din magsisisi na ako ang pinili mo. Magsisimula tayo ng bagong buhay yung wala sila, yung tayong dalawa lang. Akin ka lang Owy, at sayo lang ako..













MABELL'S POV


Papunta kami ngayon ni Olibeng my loves kila Jubail. Matagal tagal na din nung huli kaming pumunta sa kanila. Kasi nga busy kami ni Olibeng. Namiss lang namin yung isa't isa ano! Walang pakialamanan mga brad! Trip namin magshota 'to e!



"Love, nagseselos na ko!". Nagpout ako sakanya, siya naman saglit na sumila sakin habang nakakunot ang noo.

"Huh? Kanino love? Wala akong babae ah!". Natawa naman ako sa naging reaksyon niya.

"Defensive much ha? Sinabi ko bang may babae ka? Siguro meron ano?!". Sabi ko sabay hampas sa braso niya, nasaktan ata hinimas e, haha! Sorry na.

"Oy, wala ano! Alam mo naman na loyal ako sayo, mas loyal pa sa pinakaloyal. Wala sa lahi namin ang babaero love! Tsaka kanino ka ba kasi nagseselos at nanghahampas ka?". Nagpout din siya, haha hangkyut ng loves ko! Napangiti tuloy ako pero patago.

"Hindi naman kanino e. Dapat ang tanong mo saan!". Lalo naman kumunot yung noo niya.

"Oh edi saan pala?"

"Diyan oh! Sa daan, masyado kang naka focus e. Tapos ang seryoso mo pa. Ni hindi ka nga tumitingin sakin."


"Sorry na love may iniisip lang kasi ako..".ako naman yung kumunot ang noo.

"Ano naman iniisip mo? May problema ka ba? Tell me.".Nacurious ako masyado sa iniisip niya parang ang lalim e.


"Wala akong problema love. Iniisip ko lang kung paano kaya pagnagkahiwalay tayo? Kayanin ko kaya? Makakain pa kaya ako araw araw? Maging tulala kaya ako non? Kaya ko kayang itawid ang isang araw na wala ka? O baka kaya mag suicide nalang ako..".ang seryoso niya habang sinasabi yon, pero ako nagulat sa iniisip niya kaya nahampas ko siya ng malakas, di sadya.


"*PAAAAK*!!"

"ARAAAY!! BAKIT KA BA NANGHAHAMPAS?! HA!".bigla niyang pinreno yung kotse niya. Nagulat ako sa pagsigaw niya..

"EH BAKIT KA SUMISIGAW?! PARANG NASA KABILANG KANTO YUNG KAUSAP MO HA!".Nainis na ko kaya hindi ko ma din napigilan magtaas ng boses. Naiiyak ako, bakit siya ganito? Bakit niya ko sinisigawan?:(


"EH KASI SUMISIGAW KA DIN!!". Kinagat ko yung lower lip ko para di tumulo yung luha ko.


"IKAW UNANG SUMIGAW DITO OLIVER BAKA NAKAKALIMUTAN MO! GINAYA LANG KITA!".


"NANGHAHAMPAS KA KASI! KAYA AKO SUMISIGAW!!". Halata sa mata yung galit niya. Ambabaw niya para sigawan niya ko ng ganito..


"So big deal na sayo yon? Sorry ha, kung nahampas kita. Nabigla ako sa sinabi mo. Sorry.. bababa na ko, ako nalang pupunta kila Jubail, magtataxi nalang ako.". Binuksan ko yung pinto, nang makalabas ako, sumigaw na naman siya.


"EDI SIGE! UMALIS KA! BAHALA KA NGA! FVCK!!". Sinuntok niya yung manubela, ako naman napatakip ng bibig. Umalis na ko kasi hindi ko na makaya na sinisigaw sigaw lang niya ako.. sumakay na ko ng taxi at sinabi yung address nila Jubail.





Habang nasa taxi ako, hibdi ko mapigilan ang mapaiyak at isipin yung nangyari kanina.

Grabe..maliit na bagay lang, pinag awayan na namin. Hindi naman kami ganito noon ha. Pero bakit ngayon nag iba na? O siya lang ang nag iba?

Ano bang problema niya? Tsaka bakit ba niya iniisip na magkakahiwalay kami? Bakit? May balak na ba siyang iwan ako? Kaya ba siya nagkakaganon kanina? Grabe lang.. bahala din siya!
Hindi ko siya susuyuin, ngayon lang naman ako magtataas ng pride. Hindi muna ko magpapakita sakanya. Bahala siya! Nakakainis! NAKAKABADTRIP KA OLIVER!!



- - - - -
hello! VOTE and COMMENT. tenkyu!
@SuperJubsBell❤

My Bestfriend/Sister becomes My Future Girlfriend?Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin