"Why are you here? Tama na Erza.." She froze as she heard the voice.
"Tama na, please! Masaya na sila. Alin ba ang hindi mo maintindihan sa salitang tigilan mo na si Adam? Hindi ka naman tanga."
"Adrian... Hindi ako nagpunta dito para manggulo gusto ko lang-"
"Kahit ano pang dahilan mo hindi na nun mababago ang katotohanang iniwan ka na niya dahil hindi ka na niya mahal o kung minahal ka ba talaga niya..."
Ang mga salitang binitiwan ni Adrian ay unti unting sumasaksak sa puso ni Erza na tila ba kutsilyo. Alam niya na pwedeng magkagulo kapag nakita siya ni Adam sa simbahan.
"Aalis din ako Adrian, huli na ito." halos nagmakaawa ang tinig na lumalabas sa bibig ni Erza.
"Makinig ka sakin Erza para sayo din to. Mapapahamak ka kung patuloy mong gagawin to. Hindi mo alam kung ano ang kaya nilang gawin sayo.." may halong pagbabantang pahayag ni Adrian ang pinsan ni Adam.
"Ad.." halos lumuhod na si Erza sa harapan ni Adrian huwag lang siya paalisin nito ngunit tila hindi ito naapektuhan.
"Erza.. save yourself.."
"Adrian how can I save myself from this kind of pain kung ako mismo hindi ko alam kung bakit nangyayari to? In a snap of time I lost the man I love, I lost my world sana hindi ko alam na dahilan. Isang araw masaya kami, nagpaplano ng future namin pero dumating siya nasira kami. Sino ba siya? At bakit nagawa akong iwan ni Adam ng ganito? Don't tell me na fixed marriage to dahil hindi ganung klaseng tao si Adam. Alam mong hindi siya kayang diktahan ng kahit na sino!" punong puno ng hinanakit na saad ni Erza.
"Alam ko Erza.. Pero buhay ang nakasalalay dito, maiintindihan mo rin sa oras na malaya na siya."
Patuloy lang ang pagpatak ng luha sa mukha ni Erza na sa wakas ay lumabas din. Ilang buwan na ang nakalipas simula ng araw na iniwan siya ni Adam pero pakiramdam niya ay parang kahapon lang ito nangyari. Sariwa pa ang sakit.
"Inabot to sa akin ni Adam kanina habang papunta kami dito sa simbahan.. Pinabibigay niya..
Erza, wag mong isipin na kinalimutan ka niya. Siguro nga nakikita mo na masaya siya pero hindi natin alam kung anong tunay na nararamdaman niya..
Lumayo ka na.. Para sayo rin to."
Paano ako lalayo kung nakabaon na ako?
BINABASA MO ANG
Legally Blind
Romance"In life it is always Your Choice but mostly life gives you No Choice." ●●● "Yes Adam, I love you! No, I am deeply in love with you na halos magpakagaga kaya kong gawin.." "Ibinahay mo ako kahit ayaw ng papa ko. Kinalimutan ko na may kapatid ako p...