Bench 2
A/N: alam niyo yung feeling na heto na tapos ka na tapos biglang mabubura. Nakakainis diba? Tss.
***
Hinatid niya ako papuntang hospital kung saan doon nakaconfine si Lian. Para akong binagsakan ng langit at lupa dahil sa nakita ko.
Nakahiga si lian at wala ng buhok. Lumapit ako sa kanyang tabi at hinaplos ko ang mukha nito na namumutla na.
"L-lian S-sorry. "Sabi ko habang umiiyak.
"Sorry sa nagawa ko. Sorry dahil nagalit ako sayo. Sorry sa mga nasabi kong masama sayo. p-patawarin mo ako. "Paghihingi ko ng tawad habang patuloy paring umiiyak napaluhod ako at hinawakan ang kamay nito.
"Zai.. "napatingin ako sa kanya ng banggitin niya ang pangalan ko.
Kita ko sa mga mata niya na nasasaktan din siya kapag nakikita akong umiiyak dahan-dahan siyang umupo habang ako ay nakatingin lang sa kanya.
"Ba't di mo sinabi? D-diba kaibigan mo ako? "Umiiyak na pagtanong ko.
Nakita kong may luha naring tumulo mula sa kanyang mata.
"P-patawarin mo ako Zai kung hindi ko sinabi sayo. Dito din naman ang tungo ko ehh. "Umiiyak na siya.
"L-lian promise me.. lumaban ka sa sakit mo. W-wag mo akong iwan. "Sabi ko habang patuloy parin sa pag iyak.
Hinawakan niya ang kamay ko gamit ang isa niyang kamay at pilit na ngumiti.
"S-sorry pero hanggang dito nalang ako Zai.. H-hindi ko kakayanin ang operasyon dahil mabagal manghilom ang sugat ko. "Sabi niya habang ako ay tahimik lang na nakikinig sa kanya hirap na akong magsalita dahil sa kakaiyak. Yumuko ako. Hindi ko kaya makita ang kalagayan niya ngayon.
"Zai look at me. "utos niya kaya tumingin ako sa kanya habang may mga luha paring tumutulo mula sa aking mga mata.
"G-gusto ko lang sabihin na. M-mahalaga ka sa'kin para na kasi kitang kapatid. "Umiiyak na sabi nito. "P-patawarin mo ako kung nasaktan ka man d-dahil sa'min ni christian. W-wag kang mag-alala m-mahal ka naman niya ehh. Alam kong i-ikaw ang mahal niya. Sa tuwing magkasama kami ikaw ang tinatanong niya at kung minsan s-sinasabi niyang magkuwento naman ako tungkol s-sayo. "Pumipiyok na ang boses niya kakaiyak pero tuloy parin siya sa pagsalita. "M-masakit sakin yun Zai pero tiniis ko d-dahil magiging kayo naman d-dahil mawawala din ako. " lalo niyang hinigpitan ang kapit sa kamay ko habang umiiyak. "Y-yung pangako natin sa states? K-kalimutan muna yun tutal ako naman a-ang unang sumira sa pangakong yun at nanjaan naman si Christian. Alam kong mahal mo siya zai. H-hindi ka lolokohin ni christian dahil m-mahal ka niya. "Umiiyak na sabi niya.
Yumakap ako sa kanya habang patuloy parin sa pag-iyak. Siya naman ay pinapatahan ako habang hinihimas ang aking likod.
"M-mamimiss kita.. H-hindi kita kailan man makakalutan. "Umiiyak na sabi ko.
Tumango lang siya habang pinapatahan ako.
Nagtagal ako dun ng ilang oras. Pagkaraan ng ilang oras ay uwi na ako.Nagdaan ang mga araw na palagi ako sa kanya dumadalaw kasama si christian hanggang isang araw pagkadating ko dun ay wala na siya.
Todo iyak ko nun ng malaman na wala na ang bestfriend ko at mas masakit ay hindi ito namatay sa sakit niya dahil nagsuicide ito. Naglaslas siya.
Halong araw-araw ay mugto ang aking mata kakaiyak sa pagkamatay ng aking kaibigan. Hanggang dumating ang araw na nilibing ito. Kasama ko si christian pati ang aming mga kaklase at guro.
BINABASA MO ANG
Bench (Short Story)
Random'sa isang tambayan ko lang pala makikita ang sa aking itinadhana'