TLH2: Chapter 2

11.1K 207 4
                                    

Erin's POV

It's a Monday morning and I am getting ready for work. Kinausap kasi ako ni Dad right after dinner na ipapakilala na niya ako sa mga companies namin. I refused noong una dahil alam ko na madaming media ang pupunta to witness at ayokong may malaman sila about sa akin, lalo na siya. I don't want any information about me that he will know. Kaya naman, pinakiusapan ko si Dad na sana sa isang branch nalang ng Triveia Group of Companies kasama lahat ng board members all around the world except sa branch namin sa London which I worked. Napapayag ko naman si Dad kahit paano.

Bumaba na ako para makapag-breakfast at para makaalis na din. Ayokong ma-late sa first day ko. I don't want to make an impression. And ayokong madisappoint si Dad. Kahit naman na anak ako ng may-ari ng TGC, I do not exempt myself in the rules and regulations of the company. Bilang isang nakaka-taas na position, you need to be a role model to your people and I want that to happen.

Pagkababa ko, naabutan ko sila Mom at Dad na nagbe-breakfast. Nilapitan ko ang mga ito.

"Good morning"

Mom looked at me and smiled sweetly. That's my Mom, she's always sweet kahit kanino. Kahit sino ka pa, she will treat you on how she treat other people. Walang mahirap at mayaman para kay Mommy. And that's what I love about my Mom and that's why Dad is so head over heels to my Mother.

"Good morning, princess"

Dad on the other hand is very authoritative. He wants everything in a click when he said something. And remind you that he's a perfectionist. Daig pa niya ang Mommy na simple lang pero elegante kung mag-isip. Sa iba, he's intimidating and strict but when it comes to his family, he's vulnerable at under kay Mommy.

Sa loob ng limang taon, unti-unti kong nakikilala ang mga tunay kong mga magulang. Hindi ko inakala na mayroon pala akong ideal Mom and Dad. Pero s'yempre, hindi ko naman kinakalimutan sila Mama at Papa. Para sa akin, ideal pa din sila dahil kahit mahirap lang kami noon, mayaman naman kami sa pagmamahal.

"Nasaan po sila kuya?"

Dad looked at me. "Your brothers are still sleeping while your sisters already left for school."

Napakunot naman ang noo ko. "Ang aga naman po nila Alice?"

They're too early for school. It's only 6am.

"May project pa daw kasi silang tatapusin and I heard they have an event to prepare today." Mom

I raised both of my brows. Wow. Nakakapanibago lang. Ganito siguro talaga kapag nawala ng matagal. I guess I have to get used to it. Tumango-tango nalang ako at nagsimula ng kumain.

Hindi ko alam pero kahit na sanay na ako kahit papaano sa business world, kinakabahan pa din ako para mamaya. I mean, mas malaki na 'tong tratrabahuhin ko. Unlike sa London, they made me focused on one branch of TGC para masanay ako pero hindi ko naman inakala na lalawak pala ang pag-handle ko sa company namin.

Dati pinapangarap ko lang ang ganito. Ang magkaroon ng sariling kumpanya. Pero na-realize ko, hindi ko na pala kailangan mangarap dahil parte na ng buhay ko ang pagkakaroon ng company. Siguro kailangan lang dumating ang tamang panahon para doon and I think this is the right time.

"Erin, are you ready?"

Sabi sa akin ni Dad ng makarating na kami dito sa TGC. We're on the elevator waiting to reach the top floor of TGC. Sa isang conference room gaganapin ang annoucement ni Dad and right now I can feel my feet are shaking.

I took a deep breathe and smiled. "Yeah"

Dad smiled at me. "Don't worry, princess, you'll do perfect. I trust you."

TLH2: Royal Comeback (Completed) #Wattys2016 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon