It's not you, It's me. (Isang kabanata)

33 0 0
                                    

(Dit-dit-dit)

"Kamusta ka?"

"Ok naman, eto may dadaanan lang."

"Pupunta ka ba ngayon?"

"Baka ma-late lang ng kaonti."

"Saan ka ba pupunta niyan?"

"Sa kaibigan ko lang, magpapasama."

"ah ok. Ingat."

"Salamat."

(Pasensya na Rose. May katagpuan akong babae ngayon.)

Hindi parin nagbabago ang itsura ng baliuag. huling punta ko eh college pa. 30 minutes.Maaga pala ako. Makapag-ikot nga muna.

Naghanap ako ng atm machine para makakuha ng pera pamasahe dahil me kutob akong malayo layo rin tatahakin namin.

First time ko makakita ng atm machine ng planters. YES! Sa buong buhay ko na nagkaroon ng atm card ng planters eh ngayon lang ako nakakita ng atm machine nila.

Paglingon ko sa kanto nandoon na si Resmel. Ang babaeng katagpuan ko.

"Oh tara na?" Kako.

"Doon ang sakayan papuntang candaba."

"Ah sige tara. (ubo)"

"Hmm. ayos ka lang ba? Mukhang me lagnat ka." Tanong ni Res.

"Oks lang. Para sa kanya naman to eh."

Maliit ang mga jeep na bumabyahe pacandaba. Hindi lang yun. Punuan pa sila bago bumiyahe. Siksikan.May mga bayong, batang makukulit, at sinag ng araw na ayaw paawat.

"Ok ka lang?" Tanong ni res.

"Oks lang. Ganito pala dito no?"

"Tagal ko narin hindi nakakabiyahe dito eh."

"Salamat sa pagsama ah."

"Wala yun. Natutuwa nga ko sasyo eh. Alam ba niya to?" pangiting tanong ni Res.

"Hindi eh. Hehe."

"Naks. Ang sweet mo naman."

Siguro nga. Pero sa totoo lang hindi ko kaya na makita siyang ganoon. Nang magbreak down siya nung gabing yun, yakap lang ang nagawa ko. Magdamag siya umiiyak habang yakap yakap ko siya. Dahil sa mga bali-balitang naririnig niya tungkol sa papa niya. Yung papa niya na dati binibilhan siya ng pasalubong pagkagaling mamasada ng tricycle. Yung papa niyang mapagmahal, bago nalululon sa masamang bisyo...

Hindi ko rin masisisi mama nila sa pagpapasyang iwan ang papa nila. Ilang beses narin kasi niyang pinanghawakan ang pag-asang makakaahon sa droga ang papa nila Rose. Kaso ilang ulit na bumalik sa bisyo at sa bawat pagbalik eh kasama ang pagbabago ng mapagmahal na ama. Unti-unti sinasaktan na niya mga anak niya. Madaling magalit. Manakit. Hanggang sumobra na at iwan nalang siya ng pamilya.

Isa itong kabanata sa buhay nila na ayaw na ayaw na balikan ng mama at mga kapatid niya. Alam ko rin na sa gagawin kong ito maaaring magalit sila sakin. Pero hindi ko matiis na makitang nagkakaganoon si Rose... Na halos madurog ang kalooban sa pag-aalala sa naiwang ama. Na ayon sa mga kakilala eh pagala-gala nalang sa daan, nanlilimos at ginagawang laruan ng ibang tao kapalit ang isang tasa kape. 

Hindi naman ako umaasa na makikita siya, Naisip ko kahit balita lang makuha ko na maayos siya at hindi totoo ang mga tsismis. Magagawa kong maipalagay ang isip ni Rose. Kahit balita lang.

Nagkataong may mga kamag-anak ang isa kong kaibigan sa lugar ng papa nila Rose. Doon muna kami tumungo para humagilap ng balita. Kaya kahit me lagnat, bumiyahe ako patungo candaba para maghanap ng balita sa papa ni Rose kasama ang kaibigan kong si Resmel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's not you, It's me. (Isang kabanata)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon