CHAPTER 1: EYE TO EYE

8 1 0
                                    

Angas, lupet, at--Boyish..

Pangalan ay Kira Devan

Laking babae pero galaw lalaki

Walang style sa life

Papetikspeiks lang.

Pero sympre pusong babae padin. Huehue.

Bakit nga ba siya naging boyish?

Maikling Flashback:

Noon, babaeng babae manamit si Kira at babae talaga kung kumilos. Ngunit weakness niya ang kanyang Ultimate Childhood Crush aka UCC.

Si ---- Trystan James Quinn. Ever since grade school, magkakilala na sila.

Binubully kasi si Kira dati at si Trystan ang kanyang tagatanggol. Parehas sila ng eskuwelahan na pinapasukan, sa Libdent Grade School.

Hanggang sa gumraduate sila ng gradeschool, parehas parin sila ng pinasukan na eskuwelahan, Libdent High School.

Halos magkita sila lagi pagpasok, tuwing bakasyon at unti unting naging malapit sa isa. Hindi naiwasan ni Kira ang magkagusto kay Trystan.

Ngunit hindi maamin amin ni Kira ang feelings niya kay Trystan.

Bakit? Natatakot siyang magmahal, at napag-isip isip niyang..

"Baka mag iba tingin niya sakin. Hindi naman lahat ng pag ibig natatapos sa Ever After parang kina Shrek at Fiona.. wala nun, alam ko. Mas mabuting itago ko nalang kesa SIYA PA ANG MAWALA SA AKIN."

Hindi gustong magmadali ni Kira sa mga ganyan dahil masyado pa silang bata at ayaw niyang mangyari yung araw na mawala ang kanilang pagkakaibigan dahil sa isang nararamdaman.

"Hindi niya ako magugustuhan.." ang laging nasa isip ni Kira at patuloy paring ngumingiti.

Ipinagwalang bahala niya nalang ang nararamdaman sa binata kahit buwan buwan o di kaya taon taon ay may pinapakilalang "girlfriend" si Trystan sa kanya.

"Ano kayang nagugustuhan ni Trystan sa kanila? Anong meron sila na wala ako?"

Simula noon, hindi niya na tinangkang tanungin si Trystan sa mga bagay na ganyan dahil alam niyang hanggang magkaibigan lang sila.

Mas minabuti niyang maging boyish at gangster, astig, siga at kung ano pa para kahit papaano eh, makasama niya si Trystan. Kahit masakit para kay Kira na magpanggap na walang nararamdaman.

Pero wala eh, di nagtagal nagustuhan nadin ni Kira ang kilos na ganun, ang kumilos lalaki.

"Sa totoo lang, mahina talaga ako sa kaloob looban ko. Akala lang ng ibang tao matapang ako at walang inuurungan. Masaklap! Ngingiti kung kailangan kahit hindi kayang ngumiti. Tatawa kahit hindi gustong tumawa. Hahaha baliw."

---------------------------------------

*Uy message!*

*ringtone sa cellphone ni Kira kapag may notifs na lalabas*

"Uy Dm!" Gulat na sinabi ni Kira habang kiniklick upang tignan kung sino yon. Nang biglang...

"Omg omg!!!!!" Sabay talon sa kama ng parang nakikipagwrestling

Hanggang saaaaaa...... na-out of balance siya at nahulog sa kanyang precious kama.

"Aray!!!" Sabay hawak sa mga likod at braso niya.

"Ayan kasi - Sabi ng magiingat ka lagi diba?" Gulat nanaman si Kira ng biglang may nagsalita habang tinutulungan siyang itayo nito at i-upo si Kira.

"Pasensya po boss, tao lang ha" Paumanhin niya habang magkaharap silang dalawa.

Mapapansin na nagbablush si Kira... pero umiwas agad siya ng tingin kahit na nakatingin pa rin sa kanya ang kaharap niya.

Teka, sino nga ba ang tumulong at kaharap niya ngayon? Si Trystan ba nasa isip niyo? Nopes.

"Grabe ha?? Wag ka ngang tumingin ng ganyan, Vin. Ugh nakakadistract yang mga pimplesss mooo!! Jk lang boss" Nanlaki naman mga mata ni Vin ng sabihin sa kanya yon ni Kira at parang nagtampo.

"Sorry din ha?? Nahiya ako sayo kasi ikaw wala kang pimpless ni isa! Makaalis na nga" Paktaydigha! Nagalit na nga si Vin pero hinila ni Kira ang braso ni Vin ng palabas na ng kwarto at niyakap ito sa likod.

"Uyyyyyyyy! Sorry na bosss. Nagbibiro lang akoooo ehhhh!! Pogi ka padin kahit 2 pimpless mo hahaha. Asset mo yan."

Kung titignan ang mukha ni Vin eh, nagblush eto pero di nakikita ni Kira kasi nga nakatalikod!!

"SUS! Ganyan ka naman lagi. Pasalamat ka at andito ako lagi sa tabi mo! Careless mo kasi kahit kelannn woooh!!" Sinabi niya habang tinanggal ang nakayakap na kamay ni Kira sa bewang niya at humarap kay Kira, pinagmasdan ulit ang mukha neto ng deretso at mismong eye to eye ng nakangiti.

* Kahit alam kong si Trystan ang hinahanap hanap ng mata, isip at puso mo* sinasabi niya sa utak niya habang tinitignan niya ang mata ni Kira.

Napa-awkward nanaman si Kira kasi siya mismo eh, nakatingin na ng deretso sa mata ni Vin.

Lumamig ang paligid nila,biglang tumahimik at halos hindi na marinig ang dapat marinig.

Walang makakibo sa kanilang dalawa as in parang bang

Tumigil ang mundo nila.....


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I GOT NOTHINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon