Ako si Cindy, 18 years old. Magaling sa lahat ng bagay, masayahin, at maingay pero noon yon. Kakabreak lang namen ng Boyfriend kong si Vince, dahilan Third party. Eto ako ngayon nag malungkot, nag iisa sa kwarto kasama ang teddybear na bigay ni Vince.
Ako si Vince 19 years old. Tahimik. Di pala kaibigan. Kakabreak lang namen ng Girlfriend kong si Cindy, dahilan third party daw, akala nya kasi may iba ako. Pero alam ko naman kasalanan ko eh! Andito ako ngayon tinitigan ang couple ring namen ni Cindy.
At ito ang aming kwento.
Isang maulan na gabi. Naaksidente ang ex girlfriend ni Vince, pero sa araw na yun Anniversary nila ni Cindy. Di alam ni Vince kung kanino sya pupunta sa babaeng mahal nya o sa babaeng kailangan ang tulong nya. Tawag at text ang ginawa ni Cindy kay Vince. Pero kahit isa rito walang sagot. Lumakas pa lalo ang ulan. Nang mamalayan ni Vince na alas nueve na pala ng gabi. Akala ni Vince umuwi na si Cindy, dahil di naman nito ugaling mag antay. Hinanap ni Vince ang cp nya, naiwan nya pla ito sa kotse. Ang tumambad.
23 Missed Calls
50 Unread Messages
Ang una nyang nabasa. "Di ako aalis dito, hanggat di ka dumadating, aantayin kita nag aalala ako!"
Nag madaling nag maneho si Vince papunta sa lugar kung saan sila dapat mag kikita. Malakas ang ulan. Kasabay pa ang mga kidlat at malalakas na kulog.
Naroon si Cindy sa gitna ng ulan basang basa. Alas dyes na ng dumating si Vince. Naroon na si Cindy alas singko pa lamang ng hapon.
"Bakit andito ka?! di ka sumilong?, ano kaba Cindy, di ka nag iisip mag kakasakit ka nyan" ang galit na sabi ni Vince.
"Matapos mo akong pag antayin dito yan lang ang sasabihin mo sa akin?!"
"Ano ba gusto mo marinig Cindy?"
"Saan ka nang galing Vince?"
"Di na mahalaga yon, umuwi na tayo"
"Let me Go Vince, sabahin mo saan ka nang galing?"
"Kay Becca, naaksidente sya ako tumulong sa kanya!!!! Ano kuntento kana?"
"kay Becca?"
"Oo kay Becca!!"
Yumuko si cindy, di nya alam ang sasbihin, kasabay nito ang pag tulo ng luha sa kanyang mga mata.
"Di mo man lang ako naalala itext Vince? Di mo ba naisip nag aalala ako sayo, nag iisip ako kung ano na ba ang nangyari sa yo, tapos pag dating mo ikaw pa galit at yan sasabihin mo sa aking dahilan, Vince, Girlfriend mo ako. Kahit isang text lang di mo ako maalala!"
"Emergency nga kasi Hon!"
"Emergency?! Vince naman, sana sumagi dyan sa kokote mo, nag aantay ako!!!!!!"
"ANO PA BA GUSTO MO CINDY?! ANDITO NA NGA AKO! PASENSYA KANA !!!!!!!!!"
*paaaaaakkk* sinampal ni Cindy si Vince. Tumahimik ang paligid.
"Vince, tama na pagod na ako, pagod na akong intindihin ka! Pagod na akong puro ikaw nalang, kelan mo ba ako iintindihin?"
"Cindy!"
"Vince, pagod na ako!! kelangan ko naman bigyan ng time ang sarili ko! Di nalang puro ikaw umikot mundo ko sayo Vince, nakalimutan ko sarili ko, pero ako inintindi mo ba ako?!"
"Cindy, tama na"
"uu Vince tama na! tama na toh. Tama na."
"Cindy ano ibig mo sabihin?"
"Am giving you back your freedom Vince! Malaya ka ng gawin ang lahat ng gusto mo! Wala ng mangungulit at magbabawal sayo"
"Cindy Wag naman ganito. Joke mo lang toh di ba?"
"Akala ko noon di ko kaya sabihin toh sayo, kasi ayaw kitang mawala, pero naisip ko kung ayaw mo ako mawala, ikaw mismo gagawa ng paraan para di ako mawala sayo, pero di ko yon naramdaman."
"Cindy, am begging you wag ganito"
"Am sorry Vince, Goodbye"
Umalis si Cindy na umiiyak, sumasabay ang langit sa kanyang pag dadalamhati.
"Am sorry Vince, mahal kita mahal na mahal kita!"
Pumasok si Vince sa kotse, pinatong ang ulo sa manibela.
"Cindy, mahal kita mahal na mahal kita! Sorry!"
Kinaumagahan. Di maka bangon si Vince sa kama. Nakatakip pa rin ng unan ang muka. Walang gana kumain walang gana mag gala. Walang gana sa lahat ng bagay. Tumunog ang cellphone nya.
May nagtext, di naman pla importante.
Iyak ng iyak si Cindy, walang humpay di sya tumitigil sa pag iyak. Gusto nyang ilabas ang lahat ng sama ng loob nito.
Hindi natiis ni Vince, tinawagan nya si Cindy ngunit di ito sumasagot.
Sibukan muli ni Vince na tumawag, at sa wakas sinagot ni Cindy,
"Hello Hon!" ang sabi ni Vince,
"Vince?"
(to be Continue)