Part 24 : Pregnancy

9.2K 293 8
                                    

The day after niya malaman na buntis ako, sinamahan niya ako magpacheck-up sa OB ko which turns out to be his ninang. Sobrang attentive nga niya sa mga sinasabi ni tita Solyn, yung OB ko. Sobrang tuwa niya nung inultrasound ako ni tita. Kahit dot pa lang yung nakikita sa screen, ang laki ng ngiti ng asawa ko. Masaya rin ako dahil masaya ang asawa ko at magkakaanak na kami.

Pero after din nun, mas tumindi ang cravings ko. At siyempre, kawawa ang asawa ko.

*Flashback*

It's 12 in the morning but I feel like eating something.

"Mahal, gising."

"Mmmm.."

"Mahal, gising na please."

Idinilat niya yung left eye niya. "Bakit ba?"

"Gusto kong kumain."

"Pumunta ka na lang sa kusina. Antok pa ako. Anong oras na kaya." Natatakot kaya akong bumaba. T_T

"Sige. Matulog ka nalang ulit." Di ko maiwasan hindi magtampo sa kanya. Alam naman niyang madali lang ako matakot eh. :( Tumayo na ako para bumaba at humanap ng gusto kong kainin.

Hinawakan ko ang umbok sa tiyan ko. "Baby, tayo nalang ang bababa. Hindi na tayo love ni daddy eh." Pagkatapos ko sabihin yun, bigla nalang akong lumutang sa ere. Hala! =_= Kaya pala! Binuhat lang naman pala ako ng asawa ko.

"Akala ko ba matutulog ka?" Tanong ko sa kanya na may halong inis.

"Ikaw lang may sabi niyan." Nakangiti niyang sabi. Aish! Distraction. Dapat hindi ako bumigay sa ngiti niya.

Inirapan ko siya. "Ibaba mo nga ako. Marunong akong maglakad."

"Ayoko nga. Matagal tayo makakakain kapag binaba kita. At least kung ganito, mapapabilis ang punta natin sa kusina." Akala ko ba ayaw niya? Psssh!

"Ano naman gagawin mo sa kusina, aber?" Mataray na kung mataray. Galit, ay hindi, tampo ako sa kanya! Tampo ng bonggang-bongga!

"Sasamahan ko po si mommy at si baby na kumain kasi love na love sila ni daddy."

Hindi nalang ako umimik pa at hinayaan nalang siya na buhatin ako papunta sa kusina.

*Flashback ends*

Kahit na pagod siya galing sa trabaho at kailangan ng maraming tulog, isinasakripisyo niya yun para samin ni baby.

Meron din one time na nagmaktol ako kasi ayaw ako payagan na kumain ng ice cream sa labas. Paano kasi, gusto ko ako lang mag-isa ayoko siyang kasama.

*Flashback*

Nagpalit ako ng damit. Gusto ko kasi kumain ng ice cream dun sa convenience store dun sa kanto sa labas ng subdivision. Natatakam ako sa ganun eh. May ice cream naman kami sa ref kaya lang gusto ko talaga yung sa labas ako kakain.

Lumabas na ako ng silid namin. Naabutan ko ang asawa ko nakahiga sa may sofa. Nakapikit na yung mata niya, natutulog na siguro.

Oo nga pala, hindi ko siya pinayagan na makatabi siya ngayon sa pagtulog. Pinagbawalan ko rin siya na matulog sa loob ng kwarto namin. Ang rason? Simple lang. Ayoko sa amoy niya. Nababahuan ako sa amoy ng perfume niya. Pati na rin amoy ng damit niya. Pero meron siyang isang damit na suot ko parati sa tuwing natutulog ako. Ewan ko ba pero hindi naman ako nababahuan dun. Weird!

Bubuksan ko na sana yung pintuan ng biglang may nagsalita.

"Saan ka pupunta baby?"

"Ay butiki!" Kelangan ba talaga niya manggulat ha?

Substitute Groom [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon