#DiaryNiMrL
ENTRY # 1
DD,
Natapos na ang graduation and it's time naman para paghandaan ang college. Malungkot man DD dahil maraming nangyaring maganda sa akin nung high school days ko, pero kailangang mag-move on sa life... ganun nga kasi talaga, lahat nga daw, may katapusan. Pero naniniwala naman ako na sa pagtatapos ng kabanata na iyon ng buhay ko... magbubukas naman ang bagong kabanata... iyon ay ang pakikipagsapalaran ko sa buhay kolehiyo.
Anyway highway, ang drama ko yata masyado... Hay! Nakakapagod talaga mag-enroll... Kainis nga eh, imbes na bakasyon na, kailangan pang mag-enroll. Kung wag na lang kaya akong mag-enroll para for life na ang bakasyon ko? Hehehe... Joke... Kailangan kong mag-aral para sa ikakaunlad ng ekonomiya... Anyway, nakakainis talaga, Ang dami-daming che-che burecheng sinasabi ukol sa page-enroll... Wala namang ganun nung nag-enroll ako nung high school huh... Pero ok at masaya na rin naman ako dahil bukod sa maganda naman ang papasukan kong school sa college, kasama ko rin iyong mga kaibigan kong sila Patrick at Dale. Di ba, kilala mo na rin naman sila DD? Sila iyong mga kaibigan kong paminta katulad ko. Lalaking-lalaki manamit pero kung kumilos at tumili, Daig pa ang babae. Sila iyong mga classmate at bestfriend ko na lagi kong kasama since first year high school, kasama sa lahat ng kabulastugan. Hahaha!
Hindi rin papahuli ang mga 'yan sa akin... Marami na rin silang... Alam mo na... Paano naman kasi, mga gwapo rin naman at kung aayusan mo sila na magmumukhang babae, Naku! Talbog ang lahat ng kababaihan sa ganda nilang taglay. Pero siyempre... Mas lamang pa rin ako sa kanila. Hahahaha! Joke.
Pero alam mo ba DD... Muntikan na akong may matikman na namang buhay na hotdog kanina... Akalain mo 'yon... Sa mismong papasukan ko pa talagang school kung saan unang tapak ko pa lang naman... Sayang nga lang at hindi natuloy kasi bigla ba namang tawagin ng nanay niya nung nasa loob kami ng banyo at nag-uumpisa ng gumawa ng milagro. Hahahahaha! Akalain mo iyon, gwapo pa naman, maamo ang mukha, moreno at matipunong lalaki tapos kasa-kasama pa ang nanay sa pag-eenroll. Mama's boy.
Pero ganun talaga siguro ang ibang lalaki, hindi makakakilos ng wala ang nanay nila. O di kaya kasi kaya kasama niya ang nanay niya para ito ang gumawa ng lahat ng proseso sa pag-eenroll at siya, seating pretty. Tamad.
'Yun na nga, sayang lang talaga kasi ang gwapo niya eh, hawig pa naman sila nung isang gwapong porn star na napanuod ko sa isa sa mga porn movie. Medyo malaki nga lang 'yung mga mata nitong lalaking muntikan ko nang matikman kaysa kay cutie porn star. Sa tingin ko rin, malaki ang kargada niya kasi nung nakapa ko sa loob ng suot niyang short pants, grabe sa init, tigas, haba at taba kahit na nasa loob pa ito. Kunsabagay, iyon naman talaga ang una kong napansin sa kanya. Nakabukol kasi iyon sa short niya habang naglalakad at dumaan sa harapan ko kaya ako naman na sadyang may kalandian at matindi ang lib*g na meron sa katawan at may mga matang parang x-ray scanner kung saan makakita lang ng hotdog na nakabukol ay makikita kaagad kung malaki ito or hindi, ayun at sinundan ko siya hanggang sa makarating kami ng banyo at iyon, muntikan na sa aming may mangyari. Hay! Sayang talaga, iniwan ko pa naman ang mga kasama kong kaibigan ko para lang matikman siya, ginamitan ko pa siya ng charms ko sa pamamagitan ng pagpapapungay ng mga magaganda kong mga mata at dimples ko na sadyang nagpatama sa kanya kaya ko siya napapayag tapos... Hay! Sayang talaga. Nakakahinayang. Ang sakit pa man din ng puson ko kasi ilang linggo na rin ako hindi nakakapagpalabas. Lagi na nga lang matigas ito eh lalo na kapag umaga.
Anyway... Sabi nga ng kasabihan, habang may buhay, may pag-asa...Kaya sana magkita muli kami para... Alam niyo na...
Ay! Nakalimutan ko palang tanungin kung ano ang pangalan niya... Pero kilala ko naman siya sa mukha kaya kung magkita man kami... Makikilala ko pa rin siya.
Oh siya, hanggang dito na lang DD...
-Law Adrian Mendoza
PS: Nakakainis si Papa... Sinabi ba naman sa akin na babawasan daw niya iyong allowance ko sa darating na pasukan... Ang dami-dami niyang pera dahil malaki ang sweldo niya sa pagtatrabaho sa customs eh tapos... Hay kainis! Pero love ko pa rin 'yan si Papa... Silang dalawa ni Mama, love na love ko dahil tanggap nila ako kung ano pa man ako... Sila iyong mga taong unang tumanggap at rumespeto sa akin kaya bilang sa ako lang ang nag-iisa nilang anak na lalaki... ay mali... babae pala... hehehehe joke... Susuklian ko ang mga kabutihan nila sa akin... I will do my best sa lahat ng gagawin ko especially sa pag-aaral.
Thank You Mama and Papa.
BINABASA MO ANG
DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]
HumorTARA NA'T BASAHIN NATIN ANG NILALAMAN NG DIARY NI MR. L... "DIARY NI MR.L" BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES DATE STARTED: SEPTEMBER 26,2015 (SATURDAY) DATE FINISHED: OCTOBER 24,2015 (SATURDAY) A FRANCIS ALFARO'S ORIGINAL SERIES ALL RIGHTS RESERVE, 2015 C...