#DiaryNiMrL
ENTRY # 5
OhMeGed DD!
Alam mo ba iyong pakiramdam DD na sa tuwing makikita mo siya, napapangiti ka na parang tanga? Alam mo rin ba iyong pakiramdam na sa tuwing maiisip mo siya... Mapapakanta ka ng kung ano-anong lovesongs? At alam mo rin ba iyong pakiramdam na sa tuwing kikilos o gagalaw siya, mas lalo kang humahanga sa kanya kahit simpleng kilos lang naman ang ginawa niya?
DD... Ewan ko ba pero nababaliw na yata ako towards kay Red... Hindi naman niya ako kinakausap o tinitingnan man lang pero mas lalong lumalalim ang paghanga ko sa kanya. Kasing lalim na nga yata ng hukay ang paghanga ko sa kanya. Hindi ko rin maiwasan na hindi tingnan ang gwapo niyang mukha. Sa tuwing titingnan ko kasi siya, nagiging kumpleto ang buong araw ko at sobra akong kinikilig.
Lalo na kanina sa klase... Mas lalo akong humanga sa kanya dahil sa nalaman kong matalino pala siya. Kunsabagay, halata naman sa kanya na matalino siya pero kung nakita at narinig mo lang DD kung paano siya sumagot... Napakaseryoso at maikli man iyong sagot niya sa tanong pero tumbok na tumbok niya. Kung sa tanong magaling siyang tumumbok ng tamang sagot, sa butas kaya? Magaling rin kaya? Hahahahaha! Akalain mo! Naisingit ko pa iyon!
Pero iyon nga... Matalino siya at hindi lang ako ang napahanga niya kundi ang buong klase. Siyempre. Bukod sa pagsagot niya ng buong husay sa tanong, nagulat rin sila sa ganda ng boses nitong husky, bilog, malamig at lalaking-lalaki. Ngayon lang kasi nila ito narinig magsalita. Hay! Red! Ikaw na! Ikaw na talaga ang Prince Charming!
Anyway highway DD... Alam mo naman di ba na malaki ang paghanga ko sa isang lalaking bukod sa may angking kagwapuhan, matipunong katawan at malaking harapan... siyempre may utak rin. Sa tingin ko nga, mukhang na kay Red na ang lahat ng iyon. Kumbaga, perfect na siyang lalaki para sa akin, i-minus na lang ang pagiging masungit, tahimik, seryoso at suplado. Sabi nga nila, nobody's perfect.
Hay! Tama na nga ang paghanga kung ito... Mamaya sa sobrang taas ng paghanga kong ito... Mauwi na ito sa kung saan...
Ok! Hanggang dito na lang muna...
-Law Adrian Mendoza
PS: Kung si Red ang lalaking kumukumpleto ng araw ko... May isang lalaki naman na nagngangalang Zeus ang panira ng araw ko! Bwisit na lalaking iyon! Hindi ko lang alam kung epal lang siya o bully. Pasalamat siya at gwapo siya naku kung hindi! Ipapalo ko sa mukha niya ang swelas ng sapatos ko! Bwisit! Bwisit! Bwisit!
BINABASA MO ANG
DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]
HumorTARA NA'T BASAHIN NATIN ANG NILALAMAN NG DIARY NI MR. L... "DIARY NI MR.L" BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES DATE STARTED: SEPTEMBER 26,2015 (SATURDAY) DATE FINISHED: OCTOBER 24,2015 (SATURDAY) A FRANCIS ALFARO'S ORIGINAL SERIES ALL RIGHTS RESERVE, 2015 C...