#DiaryNiMrL
ENTRY # 6
Arrggghhh DD!
Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis talaga ang Zeus na 'yan! Hindi pa ba siya nakuntento sa ginawa niya sa akin kahapon na pagsira niya sa araw ko at pati ba naman ngayon, sinira niya ang halos kalahati ng araw ko? Nakakainis talaga ang pandak na iyon!
Paano ba naman kasing hindi ako maiinis sa lalaking iyon, kung kahapon, itali ba naman 'yung bag ko sa upuan ng hindi ko nalalaman kaya nung uwian na, nahirapan akong kunin 'yung bag ko, tapos ngayon naman, ikinalat ba naman 'yung mga gamit ko sa buong classroom kaya inis na inis akong pinagpupulot iyon sa buong bahagi ng classroom. Paano ko nalamang siya ang may gawa? Eh sinabi sa akin nung iba naming classmate eh. Nakita nilang ito ang gumawa ng karumaldumal na krimen sa akin.
Hindi ko nga alam kung ano bang sumapi doon at ako ang pinagtritripan niya eh hindi ko naman siya inaano. Hindi ko nga siya masyadong kilala at pinapansin eh tapos gagawin niya sa akin ang mga ganung bagay. Bwisit talaga.
Nalaman ko pa sa iba kong classmate na schoolmate niya yata nung high school na bully daw talaga 'yang si Zeus. Basta may prospect para pagtripan, pagtritripan at hindi raw nito titigilan ang pantitrip sa kawawang nilalang na iyon hangga't hindi napipikon. At ako ang kawawang prospect niya ngayon at hangga't hindi pala ako napipikon sa kanya, hindi rin niya ako titigilan. Naku! Kapag ako napuno sa kanya, Sisirain ko na talaga ang gwapo niyang mukha. Pasalamat siya at mahaba lang ang... pasensya ko.
Oo nga pala, Paano ko nalaman ang pangalan niya? Eh pinagsisigawan niya sa buong school eh. Papansin.
Nakakainis pa ang lalaking iyon para sa akin. Masyado siyang papansin lalo na sa mga girl classmate namin. Mistulang gawin bang dance floor ang classroom namin? Sayaw ng sayaw sa harapan. Magaling naman siyang sumayaw at talagang hataw kung hataw kasabay nun ang pagpapacute kaya nga iyong mga girls, kinikilig na parang kinuryente ng 200 volts.
At paanong hindi naman kasi kikiligin ang mga babaeng talipandas at malandi sa kanya. Eh gwapo naman kasi talaga ang mokong. May kalakihan ang mga mata na binagayan ng makapal na kilay na may hiwa 'yung kaliwang kilay niya at mahahabang pilikmata, matangos ang ilong, manipis ang natural na mamula-mulang labi. Mestiso at makinis ang balat na namumula-mula. Korean style ang gupit ng may kahabaan nitong buhok na kulay brown. 'Yung mukha niya, kakikitaan mo nang angas at yabang. Medyo may pagka-slim ang pangangatawan na hubog sa suot nitong t-shirt at pantalon. At isa pa, pinagkaitan siya ng tangkad. Pandak. Sa tantya ko, nasa 5'6 ang tangkad nito. Medyo matangkad lang ako sa kanya ng konti. Pero kung sumayaw siya, Feeling nito, siya na ang Goddess of the Dance Floor. Halos masakop na niya ang buong classroom dahil feeling nito, he own the stage. Feeling niya, ang laki-laki niyang tao.
Ah basta DD, nabibwisit talaga ako sa kanya. Masyadong papansin, makulit at palabiro na wala naman sa lugar.
Anyaway highway DD... Mabuti na lang at hindi naman nasira ng Zeus na iyon ang buong araw ko dahil nung uwian, may nangyaring hindi ko inaasahan. Pangyayaring naghatid sa akin sa rurok ng kalangitan at puno ng kilig.
Paano ba naman kasi DD... Hay kinikilig pa rin ako hanggang ngayon. Hi! Hi! Hi!
Oh eto na nga DD... Kasi... Hinatid ako ng bago kong ULTIMATE CRUSH na si Red sa BAHAY! WAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!
De joke! Hindi niya ako hinatid sa bahay! Pero alam mo ba... Nakasabay ko siya sa jeep pauwi.
Hindi ko nga iyon inaasahan eh. Dati, ang lungkot ko kapang sasakay ako ng jeep pauwi kasi mag-isa lamang ako tapos gusto ko na kaagad bumaba doon at makauwi na pero ngayon, grabe, parang ayaw ko na bumaba ng jeep! Parang ayaw ko ng matapos ang lahat.
Tapos DD, Magkatabing-magkatabi pa kaming nakaupo sa jeep dahil sa puno na. Nagkakadikit na nga ang gilid ng mga katawan namin eh. Kung sa classroom, katabi ko ang inuupuan niya dahil seatmate ko siya pero kanina sa jeep, masyado kaming malapit at talagang nakakaramdam talaga ako ng kaba at kilig na rin.
Ang mas nakakakilig pa, nagkakadikit at nagkakakiskisan na ang mga tuhod at braso naming dalawa. Nakakaramdam ako ng kuryente. Amoy na amoy ko pa ang pabangong gamit niya na hindi ko alam kung anong brand pero ang masasabi ko lang... Napakabango niya, lalaking-lalaki ang amoy. Ang bango na hindi ko na yata makakalimutan.
Nakakabwisit nga lang iyong mga ibang pasaherong babae. Kung makatingin sa future boyfriend ko, kulang na lang hubaran na nila. Kainis.
Ansabeh? Future Boyfriend? Hahahahaha!
Pero ito pa ang mas nakakakilig. Nahawakan ko ang kamay niya. WAAAAAAAAAAAHHHHHH!
De! Hindi naman sa literal na nahawakan ko. Ganito kasi iyan. Nakahawak kasi sa hand drill 'yung kanang kamay ni Red so ako naman, pasimpleng humawak rin sa hand drill ng jeep at unti-unting umuusog 'yung kamay ko palapit sa kamay niyang nakahawak rin doon. Tapos sa tuwing hihinto ang jeep dahil nga sa naka-stop sign ang traffic light, pasimple ko namang ididikit ang kaliwa kong kamay sa kanang kamay ni Red at kunwari, nadulas lang iyong kamay ko dahil nga sa paghinto ng jeep. At iyon nga, nagkakadikit na ang mga kamay naming dalawa. Hindi ko man iyon nahawakan talaga pero masasabi kong napakalambot ng mga kamay niya at pawang malalaki. Kasyang-kasya siguro at sakmal na sakmal ng palad nito ang... Nevermind hahahahahahaha!
At alam mo ba DD, Sa pagkakadikit ng mga kamay naming iyon, nakaramdam ako ng kakaiba. Kuryente na may kasamang panginginig. Para talaga akong nakuryente dahil doon.
At ramdam ko na kahit hindi ako tumitingin kay Red, nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na napapatingin siya sa akin na magkasalubong pa ang magkabilang kilay. Nagtataka.Nahahalata kaya niya na sinasadya ko ang ginagawa ko? Ewan... Pero hindi na iyon mahalaga kung mahalata man niya o hindi. Ang mahalaga, masyado kaming naging malapit ni Red sa isa't-isa at bihira lang siguro mangyayari iyon.
Oh siya... Tama na at baka pati ikaw DD mamatay ka na sa kilig... Wala na akong Diary na susulatan kapag namatay ka...
-Law Adrian Mendoza
PS: IT'S KILIG DAY FOR ME!!!!!!
BINABASA MO ANG
DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]
HumorTARA NA'T BASAHIN NATIN ANG NILALAMAN NG DIARY NI MR. L... "DIARY NI MR.L" BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES DATE STARTED: SEPTEMBER 26,2015 (SATURDAY) DATE FINISHED: OCTOBER 24,2015 (SATURDAY) A FRANCIS ALFARO'S ORIGINAL SERIES ALL RIGHTS RESERVE, 2015 C...