APPLE'S POVIlang araw ang lumipas simula ng hiwalayan ko si Mark . Nandito ako ngayon sa school . Maraming nagbago . Bigla nalang naglaho ang grupo namin . Nakikita ko parin sina Ella, Mj at Aaron pero hindi na katulad ng dati na magkakasama sila . Hindi ko narin alam kung nasaan at ano na ang nangyari kay Mark .
At ako, eto . . . malungkot, hindi ko alam kung paano lulugar . Maraming mga babae ang nagpapadala ng notes sa locker ko . Ang mga nakalagay ?
You bitch ! dahil sayo nawala si mark sa school !
Malandi ka kasi . kung sino-sino pinapatulan mo !
Bakit kasi ikaw pa ang minahal ng papa mark namin eh di sana hindi sya nasasaktan ngayon .
Naiinis ako ! hindi naman nila alam ang lahat ng nangyari samin ni mark kung makapang husga wagas !
Natapos na ang ilang subject ko . Vacant na . Wala akong kasama absent kasi si evelyn . Habang papunta ako sa canteen nakita kong ang daming babaeng nakatingin sakin .
kinuha ko ang baon ko . at kumain na . .
" Hey ! pwedeng tumabi sayo ? " nagulat ako si gilbert pala yung nagsalita .
" oo naman , bakit hindi wala naman akong kasama nakakabagot nga eh . "
sagot ko sa kanya ." ano nang balita sa problema mo ? " tanong sakin ni gilbert
" ayun masakit parin yung nararamdaman ko " sagot ko sa kanya .
Pinakatitigan nya ko at sabay yumuko . " Ahm ! may iaalok sana ako sayong proposal kung ok lang ? pero kung hindi ok lang din . "
" Ano ba yun ? "
" Kung ok lang sana sayo na gawin akong BFNBF " sabi sakin ni gilbert .
" BFNBF? "
" Boyfriend na Bestfriend " sagot ni gilbert.
Napaisip ako wala naman sigurong masama kung patulan ko yung offer nya . tsaka isa lang naman ang gusto ko ngayon . ang makalimutan si mark .
" Sige payag ako "
Pumayag ako sa gusto nya . Alam kong panget yung ganung set-up dahil kung tutuusin ginagawa ko lang syang panakip butas .
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
GILBERT'S POV
Alam kong katangahan ang inoffer ko kay apple . Katangahan dahil nagmamahal ako ng babaeng hindi naman kayang suklian ang ibinibigay kong pagmamahal .
" Sigurado ka ha . wala ng bawian ? "
tanong ko sa kanya ." Oo sure na ko dun . " sagot ni apple sakin.
Kahit masakit titiisin ko kung panakip butas lang ang tingin sakin ni apple . basta ang mahalaga nandito ako ngayon sa tabi nya .
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
MARK'S POV
" Ano mark ? ganyan nalang ba talaga ang gagawin mo magmumukmok ? " tanong ng ate ko habang nakahiga ako .
Ang ate jane ko na ang tumayong ina at ama sa akin . simula ng mamatay ang parents namin sa isang car accident.
" Wag mo nga ako pakialaman ate . Bakit ? kapag pumasok ba ako magiging kami parin ni apple ? kapag pumasok ba ko , patatawarin nya ako at magiging kami parin ? hindi naman di ba ? di ba ? " sabi ko sa ate ko . naluluha na ako nun . pero di ko masyadong pinapahalata sa ate ko . kinukusot ko lang ang mata ko na parang napuwing . kahit hindi naman .
" Anong gusto mong gawin gangan nalang palagi , kahit hindi kita nakikita alam ko nasasaktan ka nagwawala ka . sinisira mo ang buhay mo . "
" Alam mo naman ate kung gaano ko sya kamahal sya ang buhay ko ate . Nagbago ako dahil sa kanya . " - mark
" Pero hindi mo ba nakikita sinisira ka nya . Ang pagmamahal mo sa kanya ang sumisira sayo . "
" Payong kapatid lang kung ayaw mong mawala sya sayo kumilos kana , dahil may nakapag sabi sakin may dumidiskarte sa kanya . "
Nainis ako sa sinabi ng ate ko , hindi aki makakapayag na may umagaw kay apple . akin lang sya sa ayaw o sa gusto nya .
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
END OF CHAPTER 4
BINABASA MO ANG
Long Lost Love
JugendliteraturSi Janeld Apple Tadeo ay isang apo at tagapagmana ng isang malaking kompanya . Halos lahat ng sabihin ng lolo nya ay kanyang sinusunod pero isa lang ang hindi nya nagustuhan sa mga inutos nito . Ito ay ang magpakasal sya sa isang lalaking hindi pa...