In A Different View
(One-Shot)Abby's POV
"Say aah~, Rach."
"Stop it, Matt!"
"Why would I? Diba baby kita? Edi dapat sinusubuan kita."
"Matthew! Alam mo naman na hate ko ang mga mushy stuff, diba? So, stop it!"
"Hindi ka man lang kinilig? Grabe ka, Rach."
"Ano namang nakakakilig doon?"
*chup*
"Oh ayan, Baby. Pwede ka na bang kiligin?"
"Waah! Bakit mo naman iyon ginawa? Magnanakaw ka! o//o"
"Hindi ka kasi kinikilig. Kaya, Ayan! Gusto mo ng isa pa?"
"Oo na, I mean hindi! I mean, oo na. Kinikilig na ako kaya pwedeng stop na?"
Aaw... Ang sweet naman nila diba? *note the sarcasm* Oops! Siyempre, hindi ako iyon. Asa lang. At Hindi rin ako bitter!
Pero... pano naman kaya ako? Magiging ganyan rin kaya ako kasaya kung hindi ko ginawa iyon? Hindi ko tuloy mapigilang alalahanin ang nangyari noon.
Naging seatmates kami noon ni Matthew. At dahil patay na patay ako noon sa kanya, tuwang tuwa ako na halos magpaparty na sa kasiyahan.
Iyung amoy niya, nakakaadik. Iyung boses niya, parang musika. At ang mga ngiti niya, nakakasilaw. Kung posible pa ngang mas mahulog oa ako sa kanya, siguro hulog na hulog na ako to the point of no return. Bawat araw, sinikap kong pumasok para lang makatabi siya. Kahit nga nung may lagnat ako, pumasok pa rin ako even though sinabihan na ako ni Mommy na huwag na.
Namumutla na kasi ako noon at sobrang init na. Masakit na rin ang ulo ko at pinagpapawisan na kaya tahimik lang ako. Nanibago naman ang katabi ko sa akim dahil nasanay na siya sa kaingayan ko na parang nakalunok ng sandamakmak na microphone. Kung wala lang akong sakit nun, siguradong bingi na ang lahat sa room sa tili ko. Paano ba naman kasi, imbis na tanungin ako kung masama ba ang pakiramdam, talagang linapit pa ng mokong ang mukha niya sa akin. Iyung sobrang lapit na magkadikit na ilong namin, akala ko nga hahalikan niya ako. At siyempre, dahil assuming ako, hindi iyon totoo. Pinatong niya lang pala ang noo niya sa noo ko! May papikit-pikit pa akong nalalaman! Ugh, nakakahiya talaga!
Tinanggal niya rin naman iyon pagkaraan ng ilang segundo, ginawa niya lang naman pala iyon para malaman kung gaano na ako kainit. Ako naman mukhang kamatis na sa pagkamula! Buti nga hindi niya iyon napansin.
Pagkatapos noon, sinabi niya na pumunta na ako sa clinic at doon na lang magpalipas habang mataas pa ang lagnat ko. Hindi naman ako nakaangal dahil lutang pa rin ako. Kahit nung pinahiga na ako ng nurse doon eh hindi pa rin ako makatulog sa kakaisip sa nangyari.
Sa mga sumunod na araw ay mas naging close pa kami. May alam na rin kami sa isa't isa. Madaldal siya kahit lalake. Sa sobrang daldal eh pati iyung tungkol sa connection niya kay Rachelle eh nasabi niya ba.
Si Rachelle ang Top 5 namin. Ako? Wala, hindi naman ako katalinuhan. Maganda siya kahit hindi palangiti at palaging seryoso. Kabaliktaran ko na katamtaman lang pero maingay at palangiti. Well-known ang family nila habang ang amin naman ay nasa middle-class lang.
Nasabi sa akin ni Matt na matagal na daw silang textmate ni Rachelle. Hindi na ako nagulat nung sinabi niyang gusto niya si Rach. Madami na rin kasi ang nagkagusto dito. Pero hindi ko pa rin naiwasan na masaktan. Masakit na kaibigan lang ang tingin sa'yo ng taong kinababaliwan mo. Noon, mapansin niya lang ako, sapat na sa akin. Pero bakit ngayon, parang ang gusto ko na ay ako lang ang mapansin niya? Ugh!
BINABASA MO ANG
In A Different View (One-Shot)
Short StoryPorket mala-anghel, damsel in distress, at mabait, bida na agad? Porket masama, maldita, at nanakit ng iba, kontrabida na agad? Why am I always the antagonist just because I qualify for the requirements? Just because I do things that are selfish, I'...