Bestfriend

488 12 7
                                    

Her's POV

Beeeep BEEEEEEEEP!

Ay bwesit! Naabutan pa ko ng traffic!

I groan. Tagal umusad! Malalate na ko nito sa office.

After 39957757180475 years, nakarating na din ako sa pinagtatrabahoan ko.

Katherine Sanchez. 21.

Pagkarating ko...

"KATH!" Someone calls me.

"WHAT?!"

"Tsk! Late ka na naman. Patay ka na kay Sir." Sabi sakin ni Lina. Kaibigan ko at kasama ko rin sa trabaho.

Yung Sir na tinutukoy niya is yung Boss namin at CEO ng company.

Naglalakad na kami ngayon papuntang table namin.

"Hindi yan." Sagot ko naman. Never pa kasi akong pinagalitan ni Sir eh. Hindi ko din alam kung bakit. Hindi ko pa rin nakikita si Sir. Six months na ko dito pero never ko pang siyang nakita. Baka takot sa pangit niyang mukha.

"Pinapatawag ka kaya. Kanina pa. kaso late ka na NAMAN. Hindi nga namin alam kung bakit. Hala ka!" She says.

"Kailangang pagdiinan ang NAMAN?! Alam ko naman na late na NAMAN ako."

Inilagay ko na ang mga gamit ko sa desk ko at inayos yun. Nakita ko ang calendaryo. Nakamarka ang araw bukas?

Hindi ko maalala kung bakit ko minarkahan ang araw bukas. Sorry naman. Makakalimutin lang.

"Miss Sanchez, pinapatawag ka ni Sir." Seryosong sabi nong secretary ni Sir.

"Uhm. I'll be there, Miss Yap." Pilit akong ngumiti.

Nagsimula na akong maglakad papuntang CEO office.

Takte. Kinakabahan ako. Pinagpapawisan ako ng malamig.

Pano kung pangit nga si Sir? Ano ba ang dapat kong maging reaction? Yung hindi ako matatanggal.

Nasa harap na ko ng pintuan. I take a deep breath before knocking three times.

"Come in." Narinig kong sabi sa loob. Syeet! Ang gwapo nong boses ahh. Sana boses ka na lang.

Compose yourself Kath.

Dahan-dahang kong binuksan ang pinto. Pagpasok ko...

"Good morning, Sir!" I smile. "Pinapatawag niyo ra---" I stop midsentence.

"Miss Sanchez, please sitdown."

Nakatulala pa rin akong naglalakad palapit sa mesa niya.

Nakatingin ako sa kanya. Iniisip na baka panaginip lang to?!

"I bet pinagpapatansyahan mo na ko sa isip mo sa paraan ng pagtitig mo sakin. Unfortunately, andito tayo sa office so let's come to business, shall we?" He smirks.

Hindi pa rin siya nagbabago. Mahangin pa rin as usual.

"O-of course SIR." Diniinan ko talaga ang pagsalita ng Sir.

"You've been late for the past two months." Yun lang? Pinapunta niya ko dahil lang sa late ako? Ano? Tatanggalin niya ko? Jerk.

I'm overacting, I know.

"Yes and I am terribly sorry SIR. Naabutan lang talaga ako ng traffic eh." Sana naman maniwala siya. Partly true naman na naaabutan ako ng traffic eh. But mostly, late na kong nagigising. Wag niyong sabihin sa kanya. Ssshh! Atin-atin lang to.

"Nakalimutan mo ata kung sino kausap mo, Miss Sanchez. Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling. And right now, you're lying."

Letse. Hindi pala siya katulad nong mga officemates ko. Napapaniwala ko sila.

Bestfriend (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon