TPLS 1

22 3 0
                                    

Kyle's Pov

Ako nga pala si Kyle Oliver Rivera Grade 10 student. Ako yung lalaki na ilang beses ng nasaktan, ilang beses ng niloko at ilang beses ng nagmukhang tanga. Dumating na din sa point na sumuko na ko sa Love na yan. Pero may di kase inaasahang nangyare.

First day na ng pasukan wala namang nabago may mga classmates ako dati na bumalik meron din namang mga lumipat ng school. Pero may nag iisang  babae na nakaagaw ng atensyon ko. Sya lang yung nag iisang bago talaga sa paningin ko.

Nung una akala ko di kami magiging close pero siguro tadhana na talaga yung gumagawa ng paraan. Naging magkatabi kami sa klase. Sya din yung tumtulong sakin sa babaeng gusto ko.

May babae kase akong nililigawan si Dannah Hablero. Maganda sya, maputi at magaling sumayaw.  Sabi nya gusto nya rin ako at sasagutin nya ko. Hanggang sa ilang linggo ang nakalipas nalaman ko na may boyfriend na sya. Sobra akong nasaktan nun. Kase nag mukha akong tanga. Salamat nalang at andyan yung mga kaibigan ko para tulungan ako.

Sa classroom habang magkatabi kami ni Hyven andami namin napag kekwentuhan. Sya yung tipo ng babae na simple pero ang ganda talaga. At may isa pa akong nalaman na kinatuwa ko talaga. Parehas pala kami ng name. Hahaha. Cool diba? Sya si Hyven Kyle Alonzo.

Habang tumatagal nagugustuhan ko na sya. Dahil na rin siguro sa ugali nya na masayahin. Iba sya sa lahat ng nakilala ko eh.

*sa classroom*

Computer time ngayon and yung teacher namin boring talaga. Akala ko pag pinitik mo tutumba na sya eh. Hahaha. Wala ko magawa kaya pinaglaruan ko nalang yung payong ko.

Lahat ng classmates ko ginugulat ko dun sa payong. Yun kase yung automatic na payong na pag pinindot mo eh bubukas na agad. Kaso may nangyare na aksidente na di ko naman talaga ginusto

"Hyven oh" Tawag ko sakanya

Pagtingin nya sakin sakto pinindot ko yung payong kaso di ko alam bigla nalang natanggal yung handle at di nabuksan yung payong kaya yung buong yun tumalsik sakanya.

Grabe sobrang kinabahan ako nun. Nanlamig buong katawan ko. Lalo na nung nalaman ko na dumudugo na yung bibig nya. Malakas kase talaga yung impact eh. Nung dinala na sya sa clinic wala akong kibo tulala parin ako. Alam ko masakit yun lalo na kakapalagay nya palang ng braces.

1 week din syang absent nun. 1 week din akong walang katabi. Namimiss ko yung kulitan at asaran namin lagi.

Nung pumasok nya sya medyo namamaga pa yung bibig nya pero maganda parin naman sya.

Sobra akong natuwa dahil wala paring nagbago sa pakikitungo nya sakin. At mas lalo pa kami naging close.

Nung malapit na yung uwian nagulat ako kase sabi nung isa kong classmate na may gusto daw sakin si Hyven. Syempre ako tinanong ko sya kase gusto ko nga malaman.

At isang salita lang nya ang nakapag pangiti sakin
"Oo Kyle gusto kita"

Natuwa naman ako dun syempre. At dun ko lang din na realiza na gusto ko rin pala sya.

Simula nung magkaaminan kami lagi na kami magkasama. At ang cute lang kase ang tawag samin ng mga classmate namin ay "Kyle's"  hahaha. Cute lang.

Sabi nga nung iba may gayuma daw ba yung payong? Kase nga nagustuhan nya ko simula nung nangyare yun. Hahaha.

Dahil din sa nangyare ba yun na suspend ako. Pero okay lang basta may maganda naman na naidulot. Naging kami ni Hyven. :)

Oo. Kase niligawan ko na rin sya noon at sinurprise ko sya nung birthdau nya. Doon ko nakuha yung matamis nyang oo. :)

Sa ngayon may problema kami. Pinaglalayo kami ng parents nya. Mag hohome school pa ata sya. :( Pero gagawa ako ng paraan para maging okay ang lahat. :)

At naniniwala rin ako na malaki ang natulong ng payong na yun samin ni KYLE ❤

-End

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Payong Love Story (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon