TRUST

20 1 2
                                    

"SANDALI!! Eto na!" sabi ko habang nag-aayos ng sarili. Tapos takbo sa salamin, suklay onti, tas polbo with matching cologne, Tas ikot na pang-miss universe.

"Okay na yan" habang nakatingin sa salamin tas hinablot ko ang bag ko tas tumakbo pababa. Pagbaba ko nakita ko ang kuya kong naghihintay na sakin.

"Okay na?" tanung nya sakin "Yup" then smile. Tumayo sya tas naglakad na palabas tas biglang sabing "ID mo" kaya naman napahawak ako sa dibdib ko at Shaks Oo nga, kaya naman takbo ulit ako sa taas tas hinanap ko ang ID ko kaso d ko makita. Nasan naba un, ang alam ko nilagay ko dito eh. Wala akong choice kundi pumasok ng walang ID, magpapaliwanag na lang ako sa Guard. Bumaba ako at nagpaalam sa Mama at Papa. Sumakay na ako sa sasakyan tas si kuya ang nag-drive.

"Kung bakit kasi di pa ako turuan ni Papa mag-drive para di ko na kailangang sumabay sayo, tss" sabi ko sabay simangot. Nakita ko lang syang ngumiti, kaya naman lalo akong nainis sa kanya.

"O saya mo ah, abot langit ngiti" asar ko sa kanya "Eh ikaw, lungkot mo ah, pinagsakluban ng langit at lupa" ika nya habang nag-drive sabay tawa. "Ewan ko sayo"sabi ko sabay tingin sa labas tulad ng lagi kong ginagawa pag nasa sasakyan.

Whoops muntik ko nang makalimutan. Hey there, I'm Hannah. A College Student, I'm taking Civil Engineering 'cause my dad say so, yeah, like that, but I think my dad was right. This course was something that I can enjoy, yeah even though it's a bit complicated.

Nang makita kong nasa school na kami ni kuya, nagba-bye agad ako kay kuya. As usual, he just smile back at me. Yeah I can say that my brother was handsome and hot but dah, so iiwww last night, basta i don't want to remember that.

Naglalakad ako sa corridor habang nag-iisip kung saan ako tatambay, Hmmm... san kaya? apat na lugar lang ang nasa isip ko, ahaha. First, Cafeteria, maganda tumambay sa lugar na yan lalo na paggutom, ahehe, sakto dpa ako kumakain. Kaya naman nagmadali akong umakyat para pumuntang cafeteria tas pumila sa bilihan ng waffle.

"One Hazelnut Waffle and an Iced tea" sabay abot ng bayad, Oha galing ko mag-english noh ahaha. Kinuha ni Kuya? Ate? ay ewan kuya na lang kasi lalaki sya ung bayad tas sinuklian nya ako. Kinuha ko naman ung sukli tas umupo na ako sa bakanteng chair para intayin ung order ko.

Habang iniintay ko ung order ko kinuha ko ung phone ko tas nag- Group message ako sa mga kaibigan ko.

To: Kim,Mharj,Jules,Kate,Leon,

How about a snack? Hmmm...

Here at Cafeteria, Eating alone :(

Wanna Join me? :) -G/Breakfast

Send...

Matapos kong mag-message sa kanila ay kinuha ko ung earphones ko sa bag at nilagay ko sa tenga ko at isinaksak sa phone. Pumili ako ng kanta pero d ko alam kung anung papatugtugin ko. Nagulat ako nang biglang may kumuha ng earphones ko sa kanang tenga ko.

"Leon?" habang nakatingin sa kanya habang nilalagay niya ung earphones na kinuha nya sa kanang tenga nya.

"Tss, May earphones wala naman tugtog, design?" sabi nya pagkatapos nyang ilagay ung earphones sa tenga nya at nalamang wala PANG tugtog.

"Eh, namimili pa lang ako ng kanta" mataray kong sagot sa kanya

"Ahhh, Ganun" sabay kuha ng phone ko at basta click sa phone ko at may tumugtog na kanta.

"Yan, may kanta na" tas nag-smile na lang sya sakin pero d pa rin nya binabalik ung phone ko, hawak pa rin nya tas parang may kinukulikot.

I was too dumb to notice
That there's something about you
What am I supposed to doI sure wish I knew ...

TRUSTWhere stories live. Discover now