Gly's POV
"Glycyrhizza!!!" Natauhan ako nung sinigawan ako ng bestfriend ko. Malalim kasi ang iniisip ko.
"Makasigaw naman Lorenzo!!!" Nakasimangot kong sabi sa kanya.
"Lutang nanaman ang isip mo. Ano iniisip mo nanaman, ha?" -Enzo
"Eh, ano naman sayo?"
"Ano sakin? Syempre bhesh kita!" -Enzo
"Ay, kumain ka na nga lang." Napahinga ako ng malalim nung maalala ko ulit yung sinabi niya sakin.
* FLASHBACK
"Bhesh! Kilala mo si Angelie?" -Enzo
"Yung nag-aaral sa *****?" Tanung ko.
"Oo, yun nga." -Enzo
"Oo naman bakit?"
"Wala, katext ko kasi." -Enzo
Kailan pa natuto makipagtext to?!
"Bhesh nga ang tawag sakin eh." -Enzo
"Eh anong tawag mo sa kanya??!"
"Bhesh din.." -Enzo
Ang pagkakaalam ko, ako lang ang pwdeng maging bestfriend niya. Selfish ako e!
* beep beep
Nagvibrate yung phone ko. Sino kaya yun? Pagtingin ko si Angelie pala.
**
From; Gelie
Hello Good Afternoon.
Bhesh- Kain lang po ako. Kain ka na din, wag kang papalipas ha? ;D
Group. <3
**
* Beep beep
Nagvibrate ulit at pagtingin ko si Angelie nanaman.
**
From; Gelie
Girl, bhesh ko na din yung bhesh mo. :D
**
Ay, talaga namang pinagmalaki pa niya. So what?? Wag ko nga replyan.
* End of Flashback
Maaga ako umuwi ngayon dahil wala ako sa mood sumama sa kanila pagtambay. Paulit-ulit pa din yung iniisip ko. Nagtatampo ako.
8pm na. Nakahiga ako sa kama ko habang nagbabasa ng magvibrate ulit yung phone ko.
**
From; Gelie
Good Evening! ;)
Just got home.
Thanks Bhesh, Kurt at Rey sa time. Ang kukulit niyo. Nextime ulit ha? Gly, sama ka nextime.
Group. ;)
**
8pm na, ngayon lang sila uuwi? :| Aba at kasama pa si Kurt at Rey! Parang mas close na sila ni Gelie.
Hndi ko namalayan na my luha na palang tumutulo sa mata ko. Naa! para san to? ;(
_________ _________ _________ _________ _________ _________