Chapter Twenty-Seven

78.8K 2.1K 109
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

BASTA na lang napadilat ng mga mata si Frances sa kalagitnaan ng gabi.

Natutulog siya ng mahimbing alam niya, ngunit kusa talaga siyang napadilat.

Wala si Matthew ng gabing iyon dahil may importanteng trabaho na kailangang matapos pero uuwi din naman ito kinabukasan.

Natutop niya ang tiyan nang maramdaman ang pagkilos ng mga anak. Bahagya siyang napangiwi at muling bumalik sa paghiga.

Pero nababagabag si Frances sa hindi niya malamang kadahilanan. Siguro malalim na malalim na ang gabi ngunit unusual ang katahahimikan. Napalingon siya sa nakasaradong bintana at mula doon ay kitang-kita ang bilog na bilog na buwan.

Nakiramdam siya. Wala talaga siyang naririnig na tunog kahit ng mga kuliglig.

She tried to go back to sleep. But minutes later, gising pa rin si Frances. May kung anong puwersa na nagsasabi sa kanyang lingunin niya ang bintana.

Halos manigas ang leeg niya kapipigil sa urge na lumingon sa bintana dahil lumakas na ang tambol ng puso niya at naiisip niya na hindi magandang bagay ang makikita niya sa labas niyon.

She tried to fall asleep again but failed. Nagbilang siya ng pabaliktad sa utak.

Ngunit napatigil na lang siya sa pagbibilang nang biglang nanayo ang balahibo sa batok niya.

Ang lakas ng pakiramdam niya... someone's watching her...

Nagsimula siyang manginig at umiling-iling.

Hindi.

Hindi. Produkto lang iyon ng malikot niyang isip. Nang pagka-OC niya. She was thinking or imagining too much.

Tinatakot niya lang ang sarili.

Kaya lilingunin niya ang bintana. Para mapatunayang mali siya nang iniisip.

But it was a wrong move.

Sa labas ng bintana ay nagtagpo ang mga mata nila ng demonyong ayaw niya nang makita.

Nakangisi ito habang nakatingin sa kanya.

Brandon!

Sumigaw siya ng malakas.

But he already made his way in. Nagsisisigaw si Frances, ngunit agad itong nakalapit at tinutop ang bibig niya.

She smelled something unusual that made her dizzy.

No!

Niyakap siya ni Brandon at binuhat. Sinubukan niyang pumalag but she can't move, her eyes were closing...

"It's time to take you home, Frances," bulong nito at hinalikan siya sasentido. "I missed you, sweetie."

She tried to scream but her whole body betrayed her. Nagdilim ang lahat.

***

"WHY are you crying?" hinaplos ni Brandon ang kanyang pisngi.

Agad na umiwas si Frances at itinulak ito palayo. She woke up in an unfamiliar place with Brandon watching her.

Nayakap niya ang tiyan at siniksik ang sarili sa headboard ng kama.

"Oh... I hate seeing you like that..." Sinubukang lumapit ni Brandon at inabot ang kamay niya.

"Napakasama mo! Paano ka nakatakas, ha?!" Frances was silently praying that this is but a detailed dream only. Sana... sana panaginip lang. Hindi totoo. Sana gisingin siya ni Matthew.

Indomitable Matthew (TTMT #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon