***Kung titingnan mo ang labas ng kanilang paaralan ...
Iisipin mong ito'y ordinaryo lang ...
Ngunit hindi mo alam ...
Napakaraming sikretong hindi mo dapat malaman ...
Upang ika'y hindi madamay ...***
Sam's P.O.V
*kring kring*
Aww.Anu ba yan bwisit na alarm clock.Kinapakapa ko yung orasan.Nung nakuha ko na tiningnan ko yung oras.
7:31 am
Wahhh!First day ko ngayon sa Arrevelo Academy.Hindi pwede ma-late.Huhuhu,bakit pa kasi ako mag-tratransfer eh !!!
Bumangon ako at tumakbo papuntang c.r.Kinuha ko yung toothbrush ko at nagsipilyo.Naligo na rin ako.
Nakakainis wala na si dad.Pumunta akong kusina at kinuha yung sandwich ko.
"O nak kain ka muna. "sabi ni mama.
"Ma,bukas nalang po late na ko eh." sabi ko.
"OK,promise tommorow?" Sabi ni mom.
"Yes ma thanks.. "Sabay halik sa pisngi."Muaah"
Tumakbo ko palabas."BYE MA !! " sigaw ko.
Paglabas ko ng gate tumakbo ako.Teka bakit ako tumatakbo?Saan ba ako pupunta?Ahh papuntang school pala.
Saan pala papuntang school.Aistt.
Mayroon akong nakitang naka-school uniform naka uniform ko.Lalaki sya.
Sinundan ko nalang siya.Mukhang ayaw makipagusap eh.
Pagdating namin sa school tiningnan ko ang itsura.
Wow as in.Ang ganda.Kulay green ang pintura na mukhang hinaluan ng kulay purple at pula.
Imagine nyo nalang.Kung hindi nyo maintindihan bahala kayo.
Papasok na sana ako kaso nagsalita si manong guard.
"Asan yung I.d mo ??" pinakita ko sakanya.
"Samantha Chain Perez good luck sa pagpasok sa Arrevelo Academy ... " sabi nya.Sa pagsasalita niya para bang binabalaan niya ako.Haissttt !!! Ewan.
Naglalakad ako papuntang office.Teka bakit sila nag-bubulungan.Dahil ba sa maganda ako?
'Akala ko bawal na mag-transfer dito'
'Oo nga'
'Kawawa naman siya'
'Hindi niya ba alam na mapanganib dito'
'Yah,another prey'
'Hindi na siya makakalabas rito'
'Kagaya natin'
'Shh,wag kayong maingay'
'Para saan pang itago natin eh malalaman niya rin'
Tumingin ako sa kanilang na sinasabing 'what do you mean look'.Pero bigla silang umiwas.
Nung makalagpas ako sa kanila may napansin akong pintong nakabukas.