Ito na naman ako nakatingin sayo habang nakikipag usap ka sa iba. Tapos ang sweet sweet niyo which is wala namang malisya para sayo. Pero nasasaktan pa din ako, Sorry. Mahal kasi talaga kita eh. Kung may Delete lang talaga ang buhay ko idedelete ko na lang feelings ko eh.
Kung kaya ko lang isisigaw ko tlaga na "Hoy. Ansakit sakit na" Jungena ! ang Manhid mo naman eh :( pero okay lang. Kahit ano naman mangyari hindi mo talaga ako magugustuhan. Ano ba pwdeng magustuhan sa akin ? di ba wala.
Pero alam mo nagpaplano ako kung paano ko sayo sasabihin. Hinahanda ko yun sarili ko sa time na may mawawala na naman sa akin... pero , Hindi ko talaga kaya... Sobrang sakit eh . Iniisip ko pa lang. Hindi ko na kaya naiiyak na ko...
Christmas Party natin.
Drix ? ano ... may sasabihin lang ako. sabi ko
luhh ? ano yun ? pagtatanong niya
gusto kita ? ayy hindi. Mahal kita. hindi ko alam kung bakit pero sinabi ko lang. Hindi ko hinihiling na mahalin mo ko pabalik. ang sa akin lang sana wag magbago tingin mo sa akin..I know nakakailang, pero I hope were still friends. :) ngiti kong sabi kahit gusto ko na umiyak. Sinakto ko tlaga na tapos na ang Christmas party para magkaroon ako ng way para makaalis agad. Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Bakit pa ? ang sasabihin niya naman lang ee "sorry axia , di kita gusto. friends lang." ganyan lang din !
Nasabi ko na. wala ng bawian. Tinake Ko na yun Risk . ang hirap. mawawala yun kung anung meron kami. Cupid ! ganyan mo ba ko kahate ?!! hayz...
Bakasyon...
"merry christmas Axia :) Ingat."
December 23 nun nareceive ko yan. Text ni Drix . Seriously ? ang akala ko lalayo siya dahil dun... mareplyan nga
"merry christmas din." ang boring ba ? hahaha . walang emoticon or kahit anong words. tuldok agad.
pero nung Christmas Day
"Axia ?" bigla na lang siyang nagtext I don't know why.
"oh drix ? bakit ?" nakakagulat lang. Mostly Reason pag nagtetext siya ay may kailangan siyang tanungin about sa mga Presentations or task. pero ngayong holiday season. Himala...
"Park. TreeHouse. 2pm" oh Great. 10am in the morning. Ano kailangan nito ?
Nagmuni muni muna ko ng bigla kong naalala kung paano kami nagkakilala. hahaha. natatawa ako kasi may themesong ako dun eh. Yun Kailan. hahahah !
FLASHBACK
Nagmamadali ako kasi Late na ko... Buti sana kung english yun subj. Wala un teacher pero Math ee . ano ba yan . Takbo pa Axia. Nagmamadali ako hawak hawak ko pa yun Algebra book ko, ng ......
"araayyy ! tssk !... asar naman ... -_- "
"sorry miss. bakit ka ba kasi tumatakbo ! ". pinulot niya na din libro ko. "ohh yan . Mag ingat na kasi." sabi pa niya
"ahh . ano . ahh sorry" . matanung nga kung ano name niya "ah kuya. an--- oy teka !" leche . umalis ba naman -_- ayy shiz !!! Late na nga pala ko ! Footspa !
takbo ulit axia ! kaya mo yan . wooh ! 10mins. Late.. Okay lang . pinalampas pa ko Bait naman ni Sir.hahhaa
Breaktime yun nun...
Pumunta ako ng canteen. sinundan ko si kuya. Oh di ba. makikipagclose lang. pero aba ? nung nakita ako umiwas siya. may mali ba sa akin ?? gusto ko lang magpakilala :( ano ba yan... pero I will not Give up.. Fighting Axia ! ✊✊