Vani's POV
Naayos ko na lahat ng gamit na dadalhin ko.Excited na talaga ako.Sobrang saya ko nang mahanap ko na siya.Siya ang karugtong ng buhay ko.
"Mag-iingat ka anak okay."sabi ni mama na may luha pa sa pisnge habang hinahatid ako sa labas ng bahay."Opo ma,wag kayo mag alala malaki na ako kaya ko na ang sarili ko."sagot ko.Grabe talaga tong si mama buti nalang maagang pumasok si papa dahil kung hindi naku baka hindi na ako makaalis dahil dalawa silang mag-eemote.Naiintindihan ko naman sila.Dun ko kase nakikita kung gaano ako kahalaga sa kanila.Unang beses kase ito na mawawalay ako sa kanila simula nung mapulot nila ako.
"Tawagan mo agad kami ng papa mo pagkarating mo dun hmm?"dagdag pa ni mama.Tumango lang ako.Kahit pa ampon nila ako maayos ang pagtrato nila sakin.Prinsesa ako kung ituring nila.Siya kaya kamusta naman kaya?Mabuti din kaya ang kalagayan niya?Miss na miss ko na talaga siya :( .Biglang pumasok sa utak ko ang mga tanong nayan.Kaya ko nga siya dadalawin para malaman ko diba XD
"Sige na po ma I gotta go.I love you,kayo ni papa."paalam ko.Pero bago pa ako pumasok sa sasakyan nagsalita na naman si mama "Baby mamimis ka namin.Pakiss pa nga."hirit pa ni mama.Tutol si mama na pumunta ako ng mag isa pero mapilit ako wala na din naman siyang nagawa.Alam ko namang nag aaalala lang sila kase babae ako.Actually hindi alam ng papa na gagamitin ko ang sasakyan tiyak naman kase na hindi rin papayag yun. Nagwave na ako at pinaandar ko na din yung sasakyan.Naguiguilty ako dahil iba ang dahilan na sinabi ko sa kanila sa pagpunta ko sa Pampanga.Pero wala na silang nagawa nung sinabi ko na kailangan ko ng research na kakaiba para sa project ko.
Hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo.Ako nga pala si Vanessa Jayme Brillantes.Senior Business Management student sa DLU- pinakasikat na school ng mayayaman dito sa Manila that was owned by the hottest,most handsome and ...basta lahat na XD -si Ike na pagmamay ari ko naman haha kala niyo ha. Speaking of the devil.I checked my phone kung may text sya pero wala.Ano na naman kayang ginagawa nun.Hindi ko naman siya masisisi.I don't know what came into me na nasabihan ko siya ng ganun.
FLASHBACK #1
"Are you hiding something from me?" siya yan.Ewan ko dito sa lalakeng to.Lahat ng bagay binibigyan ng kahulugan.Nagpapaalam nga ako para atleast alam niya.Ayaw na nga akong payagan kung ano ano pa ang iniisip sakin aiish!nakakasakal."So you don't trust me."statement yan hindi tanong."Vani look,It's not that I don't trust you.Do you even know what you are going to do?You are going there alone without me.You can have your research somewhere near and I can always accompany you but you won't let me.Don't you think its wierd?"In emphasize pa talaga yung "without me"na sina bi.Saka ano daw,tinatanung niya ako kung alam ko ang ginagawa ko?Ofcourse I know hindi niya alam kung ganu kahalaga sakin to.(Pano niya malalaman eh hindi mo naman sinasabi)aish umeepal naman tong utak na to."Seriously?Com'on Ike ofcourse I know,I'm going there to have my research then after that I'm going home as simple as that."mahabang sagot ko naman.Kumunot ang noo niya at nagdilim ang mukha.Not again,he is giving me this scary face.The face na ginagamit niya sa gang fight.The face na kapag makita ng hindi nakakakilala sa kanya ay tiyak na matatakot.The face na nagsasabing sundin ko siya.Pero this time hindi talaga."You're impossible Vanessa Jayme,what I'm thinking here is your safety but if you really insist going there alone then fine go.What do I expect?You never cared about my thoughts and feelings anyway.You always think I'm being hard on you when you don't even know how much I am concerned because I am afraid of losing you.And why I am aftaid?because I love you so damn much.But I guess you just feel less the way I feel about you."mahabang litanya niya.Yung mukha niya mababakasan ng sakit.Naguilty naman ako sa mga sinabi niya.Maybe I am really inconsiderate.But please this will be the last time just bear with me hubby."I'm sorry it won't change my mind."hinging paumanhin ko sa kanya kasabay ng pagpagpatak ng luha mula sa aking mga mata na agad kong pinunasan."I'm going then.Next time don't ask permission if you are not going to listen.And stop acting as if you can use your toughness all the time."paalam niya tsaka pinaandar ang sasakyan niya.Ni hindi man lang pinakinggan ang mga katagang huli kong binanggit.Oo aaminin ko I'm really tough hindi ko hinahayaang may umaapi sa kin which is tama lang naman.But deep inside me is a girl na nangungulila sa mga taong tunay na pinagmulan ko.
Back to present tayo.So eto aalis ako na hindi naayos ang hindi pagkakaunawaan namin ni Ike.Sa loob ng halos isang taon namin bilang magkasintahan,hindi lang ito ang naging pag aaway namin.Pero kahit ganun ni isa samin walang bumitaw sa relasyong aming binuo .Kaya naniniwala akong maayos din ang gusot sa pagitan namin.Pero saka ko na muna iisipin yan pagbalik ko.