Dedicated to @perfectly_messy
@litussutil
@editingra18 and
@YenyenLightFootXoxo~~
First time kong gumawa nang one shot kaya pagpasensyahan niyo na.
Alam kong may pagka cliché 'to but hey! Just read it nalang!!!
Hehe gege.ENJOY~~
--
Napatingin ako sa cellphone ko dahil may biglang nag text.
Unkown Message:
Hi... :)
Napakunot ang noo ko. Sino na naman ba 'to ha? Tsk!
Ni-long press ko 'yung message tsaka cli-nick 'yung delete.
Wala rin naman 'yan eh baka nga wrong send lang.By the way ako nga pala si Ariela Mendoza tinatawag nila akong Ariel hindi Ariel na 7.50, si Ariel 'yung magandang sirena haha.
My looks?
Maganda,Sexy,Mayaman,Matangkad 'Yan!
'Yan ang bagay na wala sa akin kaya huwag niyo ng hanapin.
Im 18 year's old, female syempre ano ka ba!
College na ako ngayon taking course of BS in Information Technolgy.
May dalawa akong kapatid at ako ang panganay.Pupunta na sana ako sa C.R nang may narinig akong tunog mula sa cellphone ko.
Bwesit GM na naman ba 'to? Sinusumpa ko na talaga 'yang GM-GM na 'yan nang dahil diyan parati nalang napupuno ang inbox ko nasa 100 plus na nga ata 'yung mga message sa inbox ko eh at dahil 'yan sa mga kaklase kong walang ginawa kundi ang mag type ng magtype sa de-keypad at touchscreen nilang mga cellphone.
Kinuha ko 'yung cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa. Tumutingin rin naman ako paminsan-minsan kapag may nagte-text sa akin pero syempre 'yung first sentence lang malay mo naman 'di ba importante pa 'yun.
From Emma:
3yoew po3xzsc M4q4nDaNq H4fhun za !nyunq 7aH4-
'Di ko na tinapos 'yung walang kwentang text ni Emma!
Dumudugo ang ilong ko Jusmeyo!
'Di ko maintindihan. Masyadong Jejemon.Binaba ko na 'yung cellphone ko at pumunta na sa C.R nang bigla na naman itong tumunog.
Ughhh Busett!
Bumalik uli ako at saka tiningnan ang cellphone ko.
Facebook Notification.
Friend reques-
Langhiyang Facebook Oo!
Kunting-kunti nalang talaga itatapon ko na 'tong lintek na cellphone na 'to.
Alam kong mukha na akong tanga dito. At alam ko ring nagtataka na kayo kung bakit ko pa tinitingan ang cellphone. Aba syempre gaya niyong may mga cellphone nacu-curious rin naman ako 'no!
Malapit na malapit na ako papuntang C.R ng marinig ko na naman ang cellphone ko na tumutunog.
Pucha!!
"HELLOOOO!!?? PUNYETA KANG TAO KA!! ANO NA NAMAN BANG KAILANGAN MO AT TUMAWAG KA HA?!! KA BWESIT KAAA!! SINOO KA BA HA? ALAM MO BANG KANINA PA TUMUTUNOG ANG LINTEK NA CELLPHONE KO? HINDI NGA AKO MAKALIGO NG DAHIL DIYAN EH. PARANG AWA NIYO NAMAN! GUSTONG-GUSTO KO NANG MALIGO NANGA-NGATI NA AKO OH!"
"Woo relax lang Ariela si Trisha lang 'to oh. Unang-una hindi ko alam na kanina pa tumutunog ang lintek mong cellphone, Pangalawa maligo ka na wala namang pumipigil sa'yo, Pangatlo kung nanga-nagati ka edi kumuha ka ng bato at ikuskos mo diyan sa katawan mo!!
Kasimple-simpleng problema umiinit na agad ang ulo mo."
BINABASA MO ANG
My Textmate
Teen FictionHi :) (C)to @Editingra18 for the 1st bc and (c) to @litussutil for the new c. Thank you!!!