"Uy, diba ang ganda niya?"
"Alam mo bagay kayo."
"Kailan mo liligawan yan?"
"Ikaw ah! Ayiee, type mo pala siya."
"Al---"
Binagsak ko ang hawak hawak kong libro at nagulat naman sila Angel, Alyssa, Marc, Kurt, Elaine at Hannah. Ilang araw na nila ako sinasabihan niyan e, lagi na lang siya.
Halatang halata na nagulat naman ang lima, samantalang 'tong isang to parang tuwang-tuwa pa.
"Oh? Anong meron sa kanya?" Inis kong tanong, walang tigil eh. Siyempre alam ko yun, matagal na siyang maganda.
"Wala naman. Sinasabi lang namin, wala namang problema yun diba?" Nakangiti pa 'tong si Hannah e.
"Sinasabi na ano? Ilang araw niyo na sinasabi yan e. Di niyo ba ako titigilan?"
"Sinasabi kung kailan ka gragraduate sa Torpe University." - Kurt
Meydo namula naman siya doon. Hay nako.
"Hinde niya ako gusto..."
Madami na ring nagsasabi sa kanila niyan, mga kaklase nila, mga teachers nila, heck, pati nga din sa mga hindi nila kakilala eh. Pero isa lang naman ang sinasabi ni Maria e, 'We're just friends..'
Tingnan niyo? Friendzone na agad, di pa ako umaamin.
"Weh? Sus, gusto ka rin nun." - Elaine
"Ha, Ano?"
"Wala, sabi niya ang cute niyong dalawa." -Alyssa
"Sarap batukan, Mr. Torpe at si Ms. Manhid." - Marc
"Hay nako, nasisiraan na kayo."
"Hindi ah, we would do anything para sa inyong dalawa." - Hannah
Buti na lang talaga at wala dito si Maria. Isa siya doon sa mga nagpapaint ng mural sa labas e. Mga lima ata sila doon. May parang festival kasi bukas sa school namin, at siyempre maraming booths at kung anong ka-eekan ang nandun sa open space bukas. And since masisipag kaming mga estudyante, madali naming natapos, nakatambay na lang kami dito sa classroom hanggang dismissal.
Binali ko ang tingin ko sa kanila, nang mapatingin ako sa isa kong kaklase, si Denise. Ayun! Para tigil-tigilan na nila ako dito. Tsk. Siya ang dati kong gusto eh, well nung una lang yon, last last year ata? But, nevermind..
Tumayo naman ako at tumungo sa kinauupan ni Denise.
"Denise, pwede pahingi ng papel at lapis?"
"O sige, eto oh."
Binigay sa akin ni Denise ang hiningi ko at dali kong nilapitan ang kinauupuan ko kanina. May sinulat muna ako sa papel bago ko ibinigay kay Hannah yung papel.
"Sige. If you could get 50 people to sign this paper that Maria and I should go out, aamin na ako sa kanya," sabi ko habang nakangisi.
"Sige ba, call!"
Kinuha sa akin ni Hannah ang papel at nagsulat doon, bago ipasa sa iba pa naming kasama para maka-sign doon.
Habang sila ay nagkakagulo, kinuha ko ang mga gamit ko at lumabas. Pero bago pa man ako makalabas ng tuluyan, sumigaw ako sa direksyon nila.
"No forcing or threatening anyone. Have it by tomorrow."
BINABASA MO ANG
50 Signatures
Teen Fiction"Sige. If you could get 50 people to sign this paper that Maria and I should go out, aamin na ako sa kanya." Ngumisi si Alex. "Sige ba, call!"