Welcome to the world of Love

5 1 1
                                    

Masaya ba pag may nagmamahal sayo?

Yan ang palaging nasa isip ko.

Sorry po NBSB po kasi ako, "No Boyfriend Since Birth."

Nasa kolehiyo na ako, pero wala paring nagkakagusto sa akin *saklap*

Maganda naman ako, matalino at higit sa lahat masayang kasama, hindi pa ba sapat yun? HAHAHA

Oh! Hindi pa pala ako nagpapakilala, Ako nga pala si Charmaine Garcia, taking up Bachelor of Secondary Education major in Social Studies. Huwag niyo nang tanungin kung saang kolehiyo.

Anyways balik tayo sa problema ko. Nasa akin na lahat ano pa bang kulang? Bakit walang nagkakagusto sa akin? Bakit?

Sabi nga ng iba 'True love waits', naniniwala naman ako diyan, pero baka dadating lang yang true love ko pag naging matanda na ako at mamatay na ako kinabukasan.

Hindi naman sa minamadali ko ang pag-ibig, gusto ko lang maranasan kung paano umibig at anong pakiramdam ng may umiibig sayo.



Maaga akong pumasok sa paaralan kasi nga baka pagalitan na naman ako ng guro ko kasi palagi akong late.

Kasi wala pa mga kaibigan ko at dahil bored na din ako, kinuha ko sa bag ang tablet ko. I turn on the mobile data and open facebook.

*Scroll down*

May mga quotes about love na naman akong nababasa.

Mga may 'Happy Anniversary Babe, let's stay strong' at 'Naniniwala na ako sa forever nung nakilala kita'

The F, ayaw ko siyang basahin pero hindi ko maiwasan eh.

Biglang dumating ang bestfriend ko na si Mae. Nakangiti at parang maganda ang araw.

'Good morning Charmaine', sabi niya.

'Good morning din, masaya ka ata ngayon ah?', tanong ko.

'Of course, sino ba namang hindi magiging masaya kung ang boyfriend mo ay sobrang sweet sa umaga' sagot niya

Okay fine, kayo na ang may forever.

*fast forward*

Nang makauwi na ako, nag mano muna ako sa nanay at tatay ko bago ako pumasok sa kwarto ko.

Nagpalit ng damit, inayos ang mga gamit at kinuha ang tablet ko to check if may nagtext or anything.

*english mode* I received a notification to my kik messenger.

Someone said, "hey".

And I answered the same word to this guy.

*nosebleed* so *tagalog mode*

Hindi ko to kilala pero parang hindi siya nakatira sa Pilipinas. so tinanong ko itong stranger na to.

'Where you from?', tinanong ko.

Sagot niya,'Canada' at dagdag pa niya 'Im a Filipino too, my parents migrated to Canada before I was born.'

Nag-usap kami ng ilang oras at hanggang sinabi niya na 'Im gonna go to bed, I'll talk to you tomorrow <3'

at sinabi ko 'Okay, sleep well ;)'

Kinilig ako to the bones mga people.

Alam ko at alam niyo, bago ko lang to siya nakilala.

Pero wala kayong pakialam.

Parang ito na talaga ang sagot sa mga kahilingan ko, ito na talaga.

At natulog na ako na may ngiti sa aking mga labi.


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hello, sorry if I am not really good at writing a story, this is my first time btw XD

at tsaka hindi rin tagalog ang ginagamit ko sa pang-araw-araw, bisaya po ako, so sorry po.

And this story is based on what I experienced in the past so dont judge me! tao lang po nagkakamali!

so if you have suggestions or comments about my story dont hesitate to put some in the comment box. thank you!


Long Distance Relationship? HmmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon